"Ang gwapo mo naman Mr. Santillan"
pinasadahan ako ni Aaron mula ulo hanggang paa."Nabakla ka na?" biro ko.
"Hindi bakla ang Aaron ko. PROVEN AND TESTED!"
sabi pa ni Phoemela na biglang sumulpot sa likod ko sabay angkla sa braso ni Aaron.PangMatagalan na yata talaga 'tong kay Aaron ah. Himala at wala nang dinedate na iba.. Dati nangangati ito kapag isa lang ang babae..
"Alam ko Phoemela.Maniwala ka. Alam ko." dinagukan naman ako ni Aaron.
"Loko!"
"Guyz! "Sabad ni Macoy sa amin. "I mean, Gentlemen. You are requested to perform on stage later by the birthday celebrant."
"Pare, My Bleed is Nosing" kantyaw ni Zac na nasa tabi ko na.
"Syempre, act formal tayo kasi ang gagwapo natin sa formal attire nating ngayon , tapos mag-ala-tambay tayo? Tsk. Di bagay." Inayos pa ni Macoy ang kwelyo ng kanyang Amerikana.
"Oo nga naman. Walang bayad pa ang renta nito kasi sagot ni Mayor." sabi ni Zac.
"Ba't ang ganda ng suit mo Naldo? Unfair naman yata ang nagpaparenta ah. Hindi sinabing may White pala." sabi ni Aaron.
Ngumiti nalang ako. "Actually, sa tatay ko ito. Ito iyong sinuot niya nung niligawan niya si Nanay."
"Aba, may taste naman pala ang tatay mo pre." tinapik pa ako ni Zac sa likod.
"Saan ba ako nagmana?" nagtawanan naman ng bahagya ang grupo dahil sa sinabi ko.
Maya-maya nagstart na ang program.
Mamayang 8:30 daw kami magpeperform.
Simpleng kanta lang daw sabi ni Macoy. Lahat naman kami kakanta kaya ayos lang. Hindi masyadong nakakahiya. Damay lahat eh. HahahNagsimula na ang Cotillion nang may napansin akong kumukuha ng mga pictures.
Iba ang tingin ng mga tao sa kanya. Parang nandidiri na natatakot. ay ewan. Napansin ko nalang na naglalakad ang mga paa ko patungo sa kanya.
"You look beautiful tonight." i almost whispered.
Halatang nagulat siya nang makita ako.
"Tonight lang?" sabi niya saka pinagpatuloy ang pagkuha ng pictures.I chuckled. "Ofcourse not. Maganda ka Araw-araw eh."
"Ah Ganun? Salamat." tinignan niya ako sandali. "Kaw din."
"Ano??! Maganda din ako??!"
She rolled her eyes. "idiot."
Sinapo ko ang dibdib ko. "Aray. Ang sakit nun."
"Tsk. Bakit ka ba nandito? Busy ako."
"Sa Ganda mo tapos nag-iisa ka pa. Naku, baka hindi ka maka-uwi ng maayos niyan. Im just trying to protect you." That's True.
"No. I dont need it. I need to protect You " nasapo niya ang bibig.
"I mean. Tss. That's not what i shoud've said.""Hindi kita maintindihan." Naguguluhan ako.
Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin dun.Simula nang mawala siya o umalis man o kahit anong nangyari sa kanya, pagbalik niya naman ay Nag-iba siya. Bakit ganon?
May nagawa ba akong kasalanan sa kanya?Bigla siyang tumawa na halatang fake. " That was a joke. Sobrang cheesy na kasi eh. "
Bakit pa lumalapit sa Naldo diyan sa babaeng yan.
oo nga, baka mamaya kagatin pa yan.
Hindi pa naman malalim ang gabi.
Sayang, ang ganda niya tapos sa hating gabi may pakpak? eehhh
BINABASA MO ANG
First Love kong.. Aswang?
Teen FictionMay isang dalagang bagong salta sa bayan ng Mapayapa. Maraming nagkakagusto sa taglay niyang kagandahan at kaputian ngunit nagimbal ang lahat nang may nakapagsabing isa itong aswang. Bulong-bulungan man ito sa buong bayan ay hindi iyon hadlang upan...