NALDO'S POV
Sarap pa sana ng tulog ko ng magising ako sa ingay sa labas. Nang sinilip ko kung ano ang komosyon na iyon sa bintana ay nakita ko agad ang ilang kapitbahay at dalawang tanod na nag-uusap na para bang kay laki ng problema.
Kainis naman eh.Sino na naman ba ang nagrarambolan? Kahit antok pa ko ay minabuti kong tignan sa baba kung ano iyon.
Paglabas ko ng bahay nakita ko si Nanay pati si Mylie na pauwi. Tapos na yata ang rambolan.
"Anyare nay?"tanong ko agad ng makalapit sila.
"Nawawala ang mga hayupan ni Ising at Doming.Nirereport na nila kanina.Sayang din yung dalawang baboy at kambing nila noh.Pera din yun anak.Kawawa naman, nanakawan pa." pumasok na sila sa bahay at sumunod naman ako.
"Ganun po ba? Baka naman hilam na talaga ang mga bituka ng mga adik kaya kelangan na talaga ng pera at nangnakaw nalang ng hayupan." pumunta ako sa kusina saka nilagyan ng tubig ang electric heater. Nang mapuno na ay saka ko pa sinaksak ang plug.
"Kaya nga ikaw anak, wag na wag kang gagaya nila na gagamit ng bawal na ga-"
"Nay, alam ko po ang tama at mali.Wag kang mag-alala ha?" paninigurado ko kay nanay.
"Mabuti naman anak.At ikaw Mylie.." binalingan niya ang kapatid ko na nilalantakan ang pandesal."Wag na wag kang sasama sa mga kaklase mong walang ginawa kundi magcutting classes. Nagkakaintindihan tayo?"
"Owpoh Nayh" sabi nito na punong-puno ang bibig.
Nagclick ang heater hudyat na kumulo na ito.Sinalin ko sa mug ang hot water at nagtimpla ng kape.
"Magandang morning po!" As usual, sumusulpot nalang bigla itong si Lucas.Feel at home samin eh.
"Oh, anong satin pare?"
"Iimbitahan sana kita samin bukas.Magna-night swimming tayo." ngumiti ito ng kay laki.
Hinawakan ko siya sa magkabilang kamay at seryosong sinabi na...."Lucas, hindi tayo talo."
Humagalpak ng tawa si Nanay at Mylie.
"Loko ka ba pre?! Ginawa mo pa kong bakla!" Dinagukan ako ng ungas.
Di naman ako nagpautang kaya dinagukan ko rin pero nakailag ang kumag. Nagkahabulan pa tuloy kami sa sala. Natumba lahat ng bin bag at nagtapunan kami ng unan. Parang mga bata lang eh noh?
"Hoy kayo.Para kayong mga bata! Tigilan niyo na yan!" singhal ni Nanay pero di pagalit.
Nabasa ba ni nanay ang nasa utak ko? Galing ah.
Tumigil naman agad kami saka kumalma.Hiningal ako dun ah."Peace na pare."Nilapitan ko siya saka inakbayan.
Hinihingal din siya.Dinagukan ko nga!
Hahaha.Lumayo agad ako para di na siya makaporma.
"Ano ba kasi yon?"
"Inimbitahan ko ang tropa kasi first anniversary namin ni Laila bukas."
Wow. 1 year na pala sila? Oh kay bilis ng panahon.Samantalang ako, napag-iwanan ng panahon!
"Sige sige pare, maasahan mo ko dyan."
BINABASA MO ANG
First Love kong.. Aswang?
Teen FictionMay isang dalagang bagong salta sa bayan ng Mapayapa. Maraming nagkakagusto sa taglay niyang kagandahan at kaputian ngunit nagimbal ang lahat nang may nakapagsabing isa itong aswang. Bulong-bulungan man ito sa buong bayan ay hindi iyon hadlang upan...