Yes! First day ko to sa work dapat good vibes lahat. Sya nga pala naka assign ako ngayon sa MOA taga ingay este taga sigaw sa product namin at sabay bigay ng papel minsan tinatanggihan ka pero okay lang ganun naman talaga.
"Hi maam baka gusto niyong ma itry ang bagong product namin" naka smile talaga ako at sabay kita ko sa mga produkto.
"Im not interested"parang nagmamadali si maam taba na puno ng alahas, psh ang sungit.
Minsan di mo maiwasang mapatulala sa dinadaming gwapo na pumupunta ng mall, minsan nahihiya ako na kausapin sila pero sino naman ako mahiya na mahirap lang ako at alam kong hindi sila magkaka-iinterest sakin.
"Good morning Sir try niyo po ang bago naming product" tinaasan ako ng kilay ng isang lalaking to na mukhang nasa 20's
"Im in hurry!"at agad naman niya akong tinalikuran.
Parang hindi ako maka kota nito okay lang atleast may sweldo pa rin
Bigla akong napahinto sa kakasigaw nang may nakita akong parang pamilyar sa paningin ko.
SI BERNADETTE?!! Si Bernadette ba talaga yan? Grabe ang laki ng pinagbabago na di kapani-paniwala ah.
Sino ba hindi magugulat eh iba na ang pananamit niya hindi tulad nung highschool pa kami na matatakot pa kaming makita ang mga dibdib at lalo na yung mga legs namin.Ngayon si Bernadette ang iksi iksi ng suot niya naka high heels pa at ang ikinagugulat ko pa may kasama siyang foreigner na naka akbay sa kanya!
Nilapitan ko sila at kunwaring sila ang customer ko baka nga siguro bibilhan pa ako ng kano niya.
"Maam, Sir good morning try niyo po ang bago naming produkto" sabay silang lumingon sa akin.
Nagulat din si Bernadette katulad ko nang makita niya ako.
"What kind of product?" nagsalita si kano sabay bigay ko sa papel sa mga inpormasyon at agad naman niya itong binasa at agad nagsalita si Bernadette sakin.
"Dito ka nag tatrabaho?"bulong sakin ni Bernadette.
"You know her honey?" sabay akbay ulit ni kano kay Bernadette.
"Yes she is my ahmm ahh"nalilito si Tet kung ano ang isasagot niya.
"Im her classmate before, nice to meet you sir." ngiti ko sabay handshake kay kano.
"Honey, I'm hungry" pa cute na sabi ni Bernadette sabay hawak sa tiyan niya.
"Which restaurant do you want?" Tinignan ko nalang silang dalawa, ang swerte nga naman ni Bernadette at nakakain siya ng mga mamahalin pero may kapalit naman dun ang pahihirapan ka sa kama.
"I want korean foods honey"
Pagkasabi nun agad naman siya hinalikan sa pisngi at sabay sabi ni kano "okay lets go there honey" saka ay hinawakan sa bewang si Tet"Wait can i talk to my friend for a minute?" tinignan ako ni kano.
"Yes honey just make it fast" may pagka ungas pala ang kano niya.
"Bernadette, what?" tinignan niya ako from head to toe.
"Wag mo na kasing pinaghihirapan ang sarili mo Angela" pinangaralan pa ako grabe ang sama-sama niya hindi ko na siya bestfriend.
"Alam mo na yun Bernadette" nakangiti ako na may halong galit habang nagsasalita ako sa kanya.
Maya maya may inabot siya saking pera at binalik ko yun sa kanyang kamay
"Hindi ako namamalimos Bernadette!" tiim-bagang kong sabi.
"Wag mo isiping tulong ko yan sayo, isipin mo nalang na binili ko yang produkto mo" sabay lagay niya sa bulsa ko.
BINABASA MO ANG
DIARY ng POKPOK (Under Major Editing First)
General FictionWala na ba kaming karapatan magmahal? Puro nalang ba panghuhusga at panlalait? Ano ang gagawin mo kapag napagitnaan ka ng tatlong lalaki? Si Alex at Carl ay magkakapatid at ang kanilang ama na si Fernand. Kaya bang tanggapin ni Alex na ang taong min...