Bago ko simulan ang kwento.
Ako nga pala si Angela labing anim na taong gulang at nakatira sa Tondo kaya sanay na sa mahirap. Isang kahig isang tuka yan ang laging sambit ng mga tambay dito sa amin. Lumaki ako sa mga hindi ko tunay na mga magulang pero kahit man ganun mahal ako ng ina inahin ko pero hindi katulad ng ama ko na isang lasinggero palagi mo nalang nakikitang nakalaklak ng alak at meron akong limang magkakapatid.Sabi nila napulot lang daw ako sa may basura nang naglalako ng basura sina ina't mga kapatid ko pero masaya naman ako dahil parang tinuturing naman ako nilang pamilya.
*KINAUMAGAHAN*
"Pasensya ka na Angela di ko na kayang mapag-aral ka sa kolehiyo, tingnan mo naman ang sitwasyon natin" sabi ni ina habang hinawakan niya ang balikat ko. Napabuntong hininga nalang ako dahil alam kong hanggang sekondarya lang talaga ang maaabot ko.
"Okay lang po ma hahanap nalang muna ako ng trabaho" pinilit kong ngumiti dahil ayaw kong magiging pabigat lalo ni inang.
"Mabuti pa siguro eh san ka naman mag tatrabaho?" tinignan ako ng mabuti.
Oo nga san nga ba? hays yan rin ang problema.
"Hindi ko pa po alam ma, sige ma alis muna ako pupunta muna ako kina Bernadette" sabay tayo ko at kaway kay inang.
Hindi naman kalayuan dahil nasa kabilang kanto lang kina Bernadette, siya pala ang bestfriend ko at kasabay kong grumaduate.
Nang dumating na ako kina Bernadette narinig ko na agad ang awayan at sigawan sa loob ng kanilang bahay.
"Bernadette!" sigaw ko nasa harap ako ng pintuan.. ayy siya nga pala nasanay na ako sa pamilya nilang Bernadette palagi nalang nag aaway ang mga magulang niya pareho kasing mga adik.
"Oyy! halika pasok!" tingala ko sa taas sa may bintana nila at agad akong pumasok. Nasa sala ang mga magulang ni Bernadette kaya madadaanan ko talaga sila.
"Hello po tita" ngiti ko sa ina ni Bernadette na napahinto sa kanilang pag-aaway at baling ko naman sa ama ni Bernadette "hello po din tito" na nagyoyosi sabay buga ng usok.
"Nasa taas si Tet puntahan mo lang dun" ang palayaw ni Bernadette ay Tet.
Pag akyat ko pa lang ng hagdanan agad silang nagpatuloy sa kanilang bangayan hay nakakaloka!
"Oh? anong atin?" Sabi ni Tet na naka-upo sa sahig. Pareho nga pala kami ni Tet mahirap pero mas may kaya sila dahil ang mga magulang niya ay nagbebenta ng mga bawal na gamot kaya medyo okay na okay yung sitwasyon nila, ewan ko nalang kung mahuhuli sila magiging okay pa rin ba.
"Wala ka bang balak mag tatrabaho?" sabay upo ko sa sahig sa harap niya.
"Meron" sabay ngiti niya.
"Saan naman?" sabay taas ng kilay ko.
"Sa tiya ko na nagtratrabaho sa club" confident niyang sabi at agad akong napanganga.
Hindi ko akalain na papasok siya ng ganun sa pag akala ko matino siyang babae.
"Hay naku! Angela praktikal na ngayon wala na sa ngayon ang pahiyahiya pakapalan na ng mukha ito madali kang magkakapera pag may magkagusto sayo ng foreigner edi jackpot may ipang tustos na tayo sa pag-aaral natin" mahaba niyang paliwanag so ibig sabihin inaanyayahan niya akong pumasok din.
"Ayaw ko Tet nakakasagwa kung sinu-sino lang ang yumayakap at humahalik sayo nakakadiri" ang mukha koy napaka asim tignan.
"Eh hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo sinasabihin lang kita na ito ang trabaho na madali kang magkakapera lalo nat maganda ka pa sigurado akong maraming magkakagusto sayo dun"
"Pero ayaw ko pa rin Tet, maghahanap ako ng trabahong marangal aapply ako bukas sa isang fastfood" taas ng fighting spirit ko.
"Eh,pano pag hindi ka matanggap?" parang wala talagang support tong si Bernadette
"Edi hahanap pa ako ng ibang trabaho basta ayaw ko"sabay simangot ko.
"Naku! Angela feeling inosente ka talaga hindi ka naman virgin" pang iinis ni Tet sakin.
"Shut up! bahala ka nga basta ayaw ko, nakakasira yun sa pananaw ng tao sa iyo" sabay tayo ko.
"Bakit? Malalaman ba nilang pokpok ka sa gabi?" Sabay talikod nang hindi pa ako makalakad nagsalita na naman siya.
"Puntahan mo lang ako dito baka sakaling ma untog pa ang utak mo" sabay tawa niya.
"Baliw ka talaga Bernadette!" at deretso akong lumabas ng kwarto niya.
Habang naglalakad patungo sa amin palagi kong iniisip yung pinagsasabi sakin ni Bernadette.
Naka drugs ba siya?nahawa na rin ba siya sa kanyang mga magulang? napabuntong-hininga nalang ako. Sana naman wag ganun, mukhang di ko maatim. Kahit gaga yun mahal ko ang bestfriend kong si Bernadette.
BINABASA MO ANG
DIARY ng POKPOK (Under Major Editing First)
Narrativa generaleWala na ba kaming karapatan magmahal? Puro nalang ba panghuhusga at panlalait? Ano ang gagawin mo kapag napagitnaan ka ng tatlong lalaki? Si Alex at Carl ay magkakapatid at ang kanilang ama na si Fernand. Kaya bang tanggapin ni Alex na ang taong min...