Nasa malayo ako ngayon malayo sa problema gusto ko munang makapag isip pero ayaw kung magisa ayaw kong mawala sakin si alex ayaw kung meron ding masaktan.
nalilito na talaga ako!
first day ko dito ngayon sa bukid kung saan ang daming mga halaman mga prutas at mga gulay masaya sana dito kung kasama yung minamahal mo na namumuhay kayo ng mapayapa.
"hayy!ang sarap ng hangin"napayakap ako sa sarili ko.
"eneng ito na yung buko juice mo"si manang belen ang caretaker ng resort nasa state daw may-ari nito at every summer lang umuuwi.
"salamat po manang ang ganda talaga dito"na search ko lang ito sa google at hindi naman ako naghihinayang sa pagpunta ko dito.
"oo eneng lalo na sa mga taong gustong makapag isip ng mabuti"
alam ba nito ni manang ang sadya ko rito?"kadalasan kasi pumupunta dito ay magisa lang sila gusto nila bigyan yung sarili magisip kung san at pano ang dapat nilang gagawin kaya nga yung amo namin sinadya na gawin isang exclusive resort ito para maibahagi rin sa iba kung pano makapag isip ng matino wala pa kasi yung asawa binata pa"medyu madaldal rin si manang ah.
"ah ganun po ba manang"di ko pinahaba pa ang storya nandito nga ako para makapag isip hindi makipag daldalan.
"cge eneng baka na disturbo na kita cge alis muna ako kung may kailangan ka puntahan mo lang sa may kusina"
"cge po manang salamat"agad namang lumakad papalayo si manang belen at binalik ko ang tingin ko sa papalit na paglubog ng araw.
"kung nandito ka lang sana alex yinakap muna ako at sabay natin tatanawin ang papalubog na araw"tumulo bigla ang mga luha ko.
"kaya ba kitang iwan alex para sa ikakabuti at ikakatahimik ng pamilya mo?"napaupo ako sa mga damuhan.
pinikit ko ang mga mata ko at inaamoy ang sariwang hangin at dinalat ko mga mata ko at unti unti ng lumulubog ang araw.
"hindi ko pa kaya alex"
*ALEX POV*
San kaya ngayon si angela?naisip niya rin ba ako?
"hoy!tulala ka naman"siniko ako ni carl nandito siya sa office ko ngayon.
"naisip ko kasi si angela"malungkot kung sabi.
"bakit?san ba siya ngayon?"habang kumakain ng mansanas si carl.
"iwan ko sabi niya gusto niya magisa"nakasimangot kung sabi.
"baka gusto na muna niyang hanapin ang sarili niya"
"bakit naman?ano pa ba ang hahanapin sa sarili niya?tomboy ba siya?"agad napatawa sakin si carl.
"hahahaha gago iwan ko bastat hintayin mo nalang yun alam kung mahal ka nun"sabay hawak sakin ni carl sa balikat.
"oo syempre mahal ko rin yun"
biglang may kumatok sa pintuan."please come in"agad namang binuksan at agad akong nagulat sa bisita ko.
"you wont miss me?"paglalanding sabi ni zeena anyway shes my ex girlfriend.
"what the hell are you doing here?"galit kung sabi.
"kakarating ko lang dito ganyan na ang isasalubong mo sakin? para namang wala tayong pinagsamahan di ba carl?"sabay kindat ito sa kapatid ko.
"oh!welcome back zeena!"sabay hug nila sa isat-isa.
"mabuti pa yung brother mo san na yung welcome kiss ko?"
"sorry zeena im busy"agad kung tinignan yung mga papeles ko nagbusy busyhan agad ako.
"looks like we have best actor here hahaha hindi ka pa rin nagbabago yan na miss ko sayo eh"umupo ito sa table niya damn!
"ano ba ginagawa mo dito?anong kailangan mo?"i stared at him para matigil na siya.
"kinakamusta ko lang yung ex ko"ngiting pang akit.
"okay then im fine so what?"
"lets have dinner?"
"sorry im busy and i already have girlfriend"deresto kung sabi para matigil na siya.
"i dont care i just want to have time with you,please?"nag puppy eyes pa siya tsk!
"okay pagbibigyan kita sa gusto mo ngayon at ito lang ang panghuli na makikita kita"i know it sounds hurt but it much hurt of what she did before.
"ouch!ang sakit naman niyan okay fine sunduin kita dito 7pm okay?"ngiti niyang sabi at bumaba na siya sa pagkaupo niya sa table ko.
"okay"tipid kung sabi.
ayaw kung malaman ni angela na nakikisalamuha ako ng ibang babae baka pagsabihan pa niya ako na lumalandi ako habang wala siya.
BINABASA MO ANG
DIARY ng POKPOK (Under Major Editing First)
Ficción GeneralWala na ba kaming karapatan magmahal? Puro nalang ba panghuhusga at panlalait? Ano ang gagawin mo kapag napagitnaan ka ng tatlong lalaki? Si Alex at Carl ay magkakapatid at ang kanilang ama na si Fernand. Kaya bang tanggapin ni Alex na ang taong min...