Dumating na ako sa bahay nina Bernadette.
"Tita nandyan po ba si Bernadette?"
"Wala siya dito, nasa club"
"Sang club po tita?"
"Arena sa may Makati"
Pagkarinig ko nun agad din akong pumunta patakbo at sumakay ng jeep.
Nang makita ko siya ay nahihiya muna akong pumasok. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Mag aapply ka miss?" tanong ng guwardiya.
"Ahh hindi po may hinahanap ako"
"Sino miss?"
"Si Bernadette"
"Ahh..si Trexie" ngiting sabi ni guard.
"Po?" nagulat ako sinong Trexie?
"Trexie palayaw niya dito pasok ka lang nandun siya sa may dressing room"sabay turo ng guwardiya.
"Ok po salamat" sabay yuko ko.
Pagpasok ko agad naman akong nagulat sa mga nakikita ko, mga babeng naka two piece lang at sumasayaw sa gitna ng entablado na may tubo sa gitna.
Habang nakatingin sa mga di kaaya-ayang pangyayari agad may lumapit sa sakin na matandang babae na mukhang manager.
"Mag aapply ka?"
Mukha ba akong nag aapply? Kainis ha kanina pa kayo nagtatanong sakin ng ganyan.
"Hinahanap ko po si Bernadette o Trexie"
"Nandun siya sa may dressing room" sabay turo.
Agad kong pinuntahan yung sinabi ng babae hay!hindi ko sana to gusto pero wala na akong mapupuntahan eh ahay!
Pagkapasok ko palang sa dressing room agad naman nagsitinginan ang mga babae. Juiceko napanganga lang ako dahil ilan sa kanila nakahubad kita ang mga dibdib habang nagbibihis ng kanilang mga costume at iba rin sa kanila ay nagsindi ng sigarilyo.
"Hinahanap ko po si Bernadette o Trexie"
"Trexie!!!may naghahanap sayo!!" sigaw ng isang babae, nasa banyo pala si Bernadette.
Maya maya lumabas na si Bernadette na naka two piece rin habang ako ay gulat na gulat rin sa sinusuot niya, nakatwo pieace rin siya tulad ng mga babaeng nagbibihis dito.
"Oh?parang naligaw ka yata?" palapit siya sakin
"Eh kasi may hihingan sana ako ng pabor" nahihiyang sabi ko.
"Ano yun?" malditang tono.
"Nagkasakit kasi si Angelo at mangungutang sana ako sayo ng isang libo para maipagamot agad siya wala na kasi akong ibang malalapitan" nakayuko kong sabi hiyang hiya ako.
"Noon ko pa sinasabi sayo na tigilan mo na yang trabaho mo na maliit pa ang sahod at saka hindi araw araw ang pera eh tignan mo ngayon may makukuha ka bang pera para maipagamot ang kapatid mo?"
"Alam kong wala wag mo muna akong pangaralan ngayon, magpapahiram ka ba?" tingin ko sa kanya.
"Oo pero pano mo babayaran na maliit lang ang sahod mo?"
"Hahanap ako ng paraan" determinadong sabi ni angela.
"Bakit subukan mo nalang kaya pumasok dito tutal sasayaw ka lang naman diyan eh"sabay tingin sa may entablado na medyo may ilaw at may sumasayaw na dalawang babae na naka split pa.
"Alam mo Bernadette ewan ko ba kung bestfriend ba kita!"may munting luha sa mga mata ni ko samantalang si Bernadette may biglang kinuha sa kanyang dibdib isang yosi at sabay sindi.
BINABASA MO ANG
DIARY ng POKPOK (Under Major Editing First)
Narrativa generaleWala na ba kaming karapatan magmahal? Puro nalang ba panghuhusga at panlalait? Ano ang gagawin mo kapag napagitnaan ka ng tatlong lalaki? Si Alex at Carl ay magkakapatid at ang kanilang ama na si Fernand. Kaya bang tanggapin ni Alex na ang taong min...