1

43.9K 789 60
                                    

SERENITY sighed while staring at the big house in front of her. Kipkip ang sketch pad niya, bumaba siya sa sasakyan habang nakatingin pa rin sa malaking bahay na nasa harap niya. Malaki iyon, two-storey type at pinaghalong kulay cream at sepia ang pintura. Mukhang bagong renovate pa. Malawak din ang bakuran, maraming puno at halaman sa paligid ng bahay.

It's beautiful. Hindi nalalayo ang itsura ng style ng bahay at paligid sa dati nilang bahay. Hula niya ay pinasadya iyon ng parents niya para hindi niya masyado ma-miss ang dati nilang tinitirhan.

"How is it, sweetie?" tanong sa kanya ng mommy niya saka siya nito inakbayan. Masyado siyang occupied sa pagmamasid sa paligid at hindi niya napanasin na nakalapit na pala ito sa kanya. She smiled to her.

"Maganda po." sagot niya, kinintilan siya ng mabilis na halik ng ina sa sentido niya.

"I'm glad you like it, pinaayos talaga namin ito ng daddy mo bago tayo lumipat dito, let's go inside? I'm excited to show you your room."

They're from Cebu, City, bago nagdecide ang parents niya na lumipat sila doon sa Manila dahil na rin sa ilang negosyo na naiwan ng grandparents niya sa dad niya nang mamayapa ang mga ito. Only child lang ang dad niya kaya wala itong choice kundi saluhin ang responsibilidad na naiwan dito.

"Come here, sweetie." yakag sa kanya ng ina matapos nito buksan ang isang pinto nang makarating sila sa ikalawang palapag ng bahay. "This is going to be your room."

The room was spacious, pinaghalong kulay amethyst at thistle ang wallpaper ng buong kwarto. There's also a queen size bed, and a book shelf kung saan nakaayos na ang mga paborito niyang libro. Nandoon na rin ang mga paintings niya na siya mismo ang gumawa at ilang canvas.

"Do you like it, Serene, sweetie?" tanong pa ng mom niya.

She nod while smiling to her, "I love it, mom. Thank you."

"That's good to hear, magpahinga ka muna habang naghahanda ako ng pagkain natin. Alam kong napagod ka sa biyahe. Mamaya ko na ipapaakyat yung iba pang luggage mo," her mom kissed her forehead then caressed her face, "I love you, sweetie. Rest well."

"'Love you too, mom."

Nang maisarado ng ina ang pinto ng kwarto niya, naglakad siya papalapit sa kama. Wala sa sariling napangiti uli siya nang maramdaman kung gaano iyon kalambot. Inilapag niya ang sketch pad sa side table, hinubad niya ang sapatos niya saka humiga sa kama. Ilang sandali pa ay nakatulog na siya.

Naalimpungatan na lang si Serenity nang marinig ang marahang katok sa pinto ng kwarto niya. Dahan-dahan siyang bumangon sa pagkakahiga habang kinukusot ang mata. Tinignan niya ang digital clock na nasa side table, doon niya nalaman na pasado alas-alas-sais na pala ng gabi. Sobrang haba ng naitulog niya.

Sumungaw ang ulo ng mommy niya sa pinto nang bahagya nitong buksan iyon, napangiti ito nang makita na gising na siya. Tuluyan nitong nilakihan ang bukas ng pinto, dala-dala nito ang ang mga luggage niya. Agad siyang bumaba sa kama at sumalubong sa ina, kinuha niya ang ilang dala nito at inilapag sa sahig.

"Dapat po nagpatulong kayo sa akin para maiakyat ang mga 'to, mom." her mother chuckled.

"Kanina pa namin iyan inakyat ng dad mo, hindi lang namin maipasok dito sa loob ng kwarto mo dahil ayaw namin maistorbo ang tulog mo."

"Thanks mom."

"You're always welcome, sweetie, sumunod ka na sa akin sa baba, nagdi-dinner na tayo."

Nang makalabas ng kwarto niya ang ina, kumuha siya ng pamalit mula sa luggage niya saka siya nagpunta sa banyo. She wash-up first before changing her clothes.

Havocs' SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon