INILAPAG ni Serenity ang isang pitsel ng malamig na tubig at baso sa mesa sa garden. Natigil naman si Havoc sa pagbubugkal ng lupa at mataman siyang tinignan. Naka-topless na ang lalaki habang nakasampay naman sa isang upuan ang basa sa pawis na T-shirt nito. Natigilan pa siya sandali nang makita ang kwintas na suot ni Havoc. It's a dogtag that she gave to him years ago! Nandoon din ang singsing na binigay nito sa kanya.
"U-uminom ka muna ng tubig." alok niya sa lalaki. Ngumiti naman ito at agad na tumayo saka lumapit sa kanya. Pinagsalin niya ito ng tubig sa baso.
"Thank you." kinuha ni Havoc ang baso ng tubig sa kanya, saka uminom. Napatingin ulit siya sa dogtag at sa singsing, hindi pa rin talaga siya makapaniwala nang makitang suot pa rin nito iyon.
Nang maubos ni Havoc ang ibinigay niya tubig, nagsalin pa ulit ng panibago.
"B-bakit mo sinusunod ang mga utos ng kuya ko? Halata naman na pinapahirapan ka lang niya." hindi na nakatiis si Serenity magtanong.
"Ayos lang 'yun, I deserved this, kulang pa nga ito actually. At ayos lang na pahirapan niya ako, kung iyon lang ang tanging paraan para makuha ang approval niya."
"I...I rejected you already yesterday, why are you still doing this?"
Inilapag ni Havoc ang baso sa mesa, sinalubong siya nito ng tingin, "Because I love you, Serenity. And this time, hindi na ako basta-basta susuko. I'll prove myself to you, just to give me another chance."
"Havoc, I'm scared.."
"I know baby, I'm scared too, but what can I do? Mahal kita eh," he heave a deep breathe, "Just take your time, baby. Don't pressure yourself. Basta nandito lang ako, kahit gaano katagal hihintayin kita hanggang sa ready ka na ulit. Just don't push me away, okay?"
Naluluha ang mga matang unti-unti siyang tumango kay Havoc. Sumilay naman ang ngiti sa labi ng binata, "Damn, I want to hug you right now but I'm sweaty." he chuckled. Natawa na rin siya.
Ipininunas ng lalaki ang kamay nito sa jeans nitong suot, saka tinanggal ang singsing na kasamang naka-pendant sa dogtag nito. Kinuha nito ang isang kamay niya at isinuot nito sa daliri niya ang singsing, "Nakita ko yan sa loob ng clutch bag mo noong gabing may party sa ancestral house namin. I'm so happy that all these years, you still manage to keep it. Huwag mo na iwawala ulit yan ha?" dinampian pa nito ng halik ang daliri niya kung saan nakalagay ang singsing.
"And you still have that dogtag necklace."
Nakangiting hinawakan nito ang dogtag, "Kahit kailan naman hindi ko hinubad 'to."
"R-really?" It means, kahit noong nagta-trabaho na siya sa company nito, suot pa rin nito ang kwintas na binigay niya?
"Really." They both chuckled, parang mas gumaan ang pakiramdam ni Serenity ng mga sandaling iyon. She's so happy.
"Oy mamaya na ang landian, pumasok muna kayo dito sa loob para makapag-lunch na tayo!" sigaw ng kuya Simon niya mula sa pintuan.
Itinuloy nga ng kuya niya ang pang-aalila kay Havoc nang mga sumunod na araw. Kung anu-ano ang iniuutos nito sa lalaki na walang reklamo naman na sinusunod ni Havoc. Halimbawa na lang nung magsimula umulan ng snow, pa-mano-mano gamit ang pala na pinatanggal ng kuya niya kay Havoc ang snow sa harap ng bahay nila.
Halos sa bahay na nga ng kuya niya tumira si Havoc dahil halos araw-araw talaga ito nagpupunta sa kanila. Pati nang mag-start ang klase niya, hindi na niya nagamit ang bike na binili ng kuya niya para sa kanya dahil walang palya siyang hinahatid-sundo ni Havoc.
Papalabas na siya sa university nang matapos ang klase niya, she's excited to see Havoc. Pero nawala ang ngiti niya nang makita ang lalaki na may kausap na isang babae. The girl was blonde and sexy. Hindi niya alam kung bakit parang nainis siya nang makitang halos idikit ng babae ang katawan nito kay Havoc, maagap namang umatras ang lalaki at may kung anong sinabi sa babae dahilan para umalis na ito.
BINABASA MO ANG
Havocs' Serenity
General FictionSerenity being so pure and kind while Havoc being a cold-hearted guy, they immediately have a liking towards each other. After all, they say opposites attract. (another cliché story)