2

27.1K 823 146
                                    

NAPAHINTO si Serenity sa paglalakad nang makasalubong niya ang Nana Saling niya nang makababa siya sa huling baitang ng hagdan, may mga dala itong garbage bag, mukhang magtatapon ito ng basura sa labas ng bahay nila.

"Saan ka pupunta, hija?" tanong nito sa kanya.

"Mag-iikot lang po kami ni Leonardo sandali sa labas, Nana." aniya habang marahang hinahaplos sa ulo ang pusa na hawak niya. It's Siberian cat breed, padala iyon sa kanya ng kuya niya, like a congratulatory gift dahil nalaman nito na pinayagan na siya ng parents nila na mag-aral siya ng face-to-face sa isang university.

Kuntodo bilin nga sa kanya ang kapatid tungkol sa mga do's and dont's na mga bagay-bagay kapag daw nasa campus na siya noong huling magkausap sila thru video call.

"Pero gabi na hija, baka kung mapaano ka pa sa labas." bakas sa boses ng matanda ang pag-aalala.

"Magba-bike naman po kami Nana, saka maayos po ang security system nila dito sa village kaya safe po, sandali lang po kami babalik din kami agad." Alas-siete pa lang naman ng gabi, wala naman siyang ibang gagawin sa kwarto niya lalo pa at hindi pa siya inaantok.

"Nag-aalala lang naman ako, baka kasi maligaw ka."

Natatawang lumapit si Serenity sa matanda, naglalambing na iniyakap niya ang isang braso sa bewang nito. "Hindi po ako maliligaw Nana, diba po ilang beses na ako isinama ni mommy paikot nitong village para mag-exercise?"

Gusto niya rin magpahangin, at isa pa, sinamantala niya rin na wala ang parents niya sa bahay. May pinuntahan kasing business trip ang mga ito at bukas pa ng hapon makakauwi. Kapag naman kasi nandoon ang mga magulang niya sa bahay, mahihirapan na naman siya lumabas ng bahay mag-isa at magpaalam.

Bumuntong-hininga ang matanda, "Sige na nga, pero sandali ka lang ha? Mag-iingat ka."

Malawak na napangiti si Serenity nang marinig ang pagpayag ng matanda. "Thank you po, Nana! I love you!" mabilis na hinalikan niya sa pisngi ang babae, naglakad siya papunta sa garahe ng bahay nila kung nasaan ang bike niya.

Maingat na inilagay niya si Leonardo sa basket ng bike, nang masigurong ayos na ito sa pwesto nito, nagsuot na siya ng helmet.

"Behave ka lang, Leonardo ha? Maglilibot lang tayo sandali." bilin niya sa pusa niya habang hinahaplos ang mabalahibong baba nito. Hindi mapigilan ni Serenity na mapahagikgik nang mag-meow sa kanya ang pusa na para bang naintindihan nito ang sinabi niya.

Malamig na panggabing hangin ang sumalubong sa kanya paglabas niya ng gate ng bahay nila, buti na lang at naka-jacket at jogging pants siya kaya hindi siya masyado nalalamigan. She's also wearing a pair of white Chuck Taylor shoes. Nagsimula siyang paandarin ang bisikleta, she also unconsciously smiled when she take a look at her cat, behave lang kasi ito habang nakaupo sa basket katulad ng bilin niya.

Iilan lang ang mga taong nakakasalubong niya sa daan. Tahimik din ang paligid. Na-enjoy din niya ang pagtingin sa iba't-ibang disenyo ng mga bahay na nadadaanan niya.

Napatigil lang siya nang may madaanan na maliit na playground. Excited na isinandal niya ang bike niya sa isang poste ng ilaw, binuhat niya ang pusa niya saka siya lumapit sa slide. Mayroon din doong swing at iba pang recreation special equipment para sa mga bata. Nadaanan na nila iyon noon ng mommy niya nang sumama siya minsan dito mag-jogging paikot sa village. Hindi lang siya nakalapit dahil nahihiya siya sa mommy niya magsabi.

Pero kasi kahit kailan, hindi pa siya nakasubok maglaro sa public playground kaya hindi niya mapigilan ang hindi ma-excite. "Leonardo, ita-try lang natin yung slide ah? it's looks exciting right?"

She giggled when her cat meow at her again. Maingat na binuhat niya ang pusa niya saka siya umakyat sa hagdan, nang makaakyat siya sa taas, nag-slide siya habang yakap pa rin ang pusa niya.

Havocs' SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon