KUMATOK muna ng tatlong beses si Serenity bago siya pumasok sa faculty room ng mga professor ng Art Department. Kimi siyang ngumiti at bumati sa ilang professor na naabutan niya sa loob.
Kipkip ang box na naglalaman ng project niya, lumapit siya sa mesa ni Professor Macas. Marahan niyang inilapag ang kahon sa mesa nito. Matapos nito tignan iyon ng mabuti, isinulat nito sa grade sheet para sa mga projects nila ang grade niya saka nito iyon tinatakan at pinirmahan.
Nagpasalamat siya sa professor, akmang tatalikod na siya para umalis nang matignan niyang mabuti ang grade niya na isinulat ng guro sa papel na hawak niya. "Ma'am, excuse me po." pagtawag niya ng pansin sa professor na kasalukuyang inire-record sa laptop ang grade niya.
"Yes, Miss Moran?"
Ipinakita niya ang papel na sinulatan nito, "You must be mistaken ma'am, hindi po ba masyado mataas itong binigay niyong grade? iba po kasi yung sinabi niyo sa akin 'nung nakaraan." iba kasi sa maximum grade na sinabi nito na pwede niyang makuha ang nakasulat doon sa papel.
"The Dean told me the bullying incident that happen to you last time kaya nasira ang unang project mo, and besides, the project that you passed now was stunning, so I think I could give you a consideration."
Ang Dean? Paano naman nito nalaman ang bullying incident na ginawa sa kanila ni Missy 'nung nakaraan? Sa pagkakatanda niya, walang ibang estudyante sa area na iyon nang sinadyang patirin siya ng babae. May nag-report kaya?
"T-thank you po ma'am."
Tumango ang professor niya, "You should also thank Miss Lane siya ang nagtestify na na-bully ka nga, and also Mister Knight, siya ang unang nakiusap sa Dean para ata kausapin ako about reconsideration of your grades, even if it's not needed dahil maganda ang project na naipasa mo, hija."
Si Havoc nakiusap sa Dean? And how did he know? Bakit parang wala naman ata itong nababanggit sa kanya na alam na pala nito ang tungkol sa insidente na 'yon?
Pagkalabas niya ng faculty room, sinalubong siya nina Midnight at Tori.
"How is it? Anong grade mo?" excited na tanong ni Tori, she gasped when she saw her grade, "Good job, Serene! Sabi ko naman sayo mataas na grade pa rin ang ibibigay ni Prof Macas sayo eh." Ngumiti siya nang proud siyang niyakap ni Tori.
"Midnight, can I ask you something?" she asked her, tumango naman ang babae, "Did you perhaps tell Havoc about the bullying incident happen last time?"
"H-hindi, pero nagulat na lang din ako nung tinanong niya ako kung pwede ba raw ako mag-testify na na-bully ka nga nila Missy kaya nabasag yung project mo. I thought you're the one who told him about that." sagot ni Midnight.
"Bakit, Serene? May nangyari ba?" tanong naman ni Tori. Ikinuwento naman niya sa dalawa ang nalaman niya mula sa professor nila.
"OMG, but how did he know? Hindi kaya si Havoc din yung dahilan kung bakit nag-sorry sa'yo bigla yung dalawang babaita?"
'Yun nga rin ang naisip niya. She mentally note to herself to ask Havoc about that later. Pinauna na niya sina Tori at Midnight sa gym kung saan manonood sila ng game practice nila Havoc.
"I'll text you na lang kung saan kami nakaupo ha? Nag-reserved na raw si Captain mo kung saan tayo mauupo." bilin ni Tori.
"Sige, mabilis lang naman ako." nang maghiwalay sila ng daan, lakad-takbo siyang pumunta sa entrance ng university. Nandoon na kasi ang Nana niya dala ang mga pinakiusap niya. Ayaw naman niya itong paghintayin ng matagal.
"S-sorry po!" mabilis siyang yumukod at nagmamadaling umalis, hindi na niya natignan ang lalaking nabangga niya.
Nasa gate na nga ng university ang Nana niya nang makarating siya doon. "Sorry po Nana kung ngayon lang ako, kanina pa ho ba kayo naghihitay?" hinihingal niyang tanong sa matanda.
BINABASA MO ANG
Havocs' Serenity
General FictionSerenity being so pure and kind while Havoc being a cold-hearted guy, they immediately have a liking towards each other. After all, they say opposites attract. (another cliché story)