H

18.9K 424 14
                                    

SINCE Havoc's mother died, hindi na naging maganda ang relasyon niya sa lolo at ama niya, especially to his father, lalo na nang malaman niya na may anak ito sa ibang babae na halos kasing-edad niya. Si Peter.

He hated him and his father for that reason. Sinubukang makipagkasundo sa kanya ni Peter pero siya lagi ang unang lumalayo. Kaya nang tumuntong siya sa legal age, agad siyang lumipat sa condo unit na ibinigay ng mommy niya sa kanya. Hindi siya humingi kahit piso sa lolo o dad niya at namuhay mag-isa. Gamit ang trust fund na iniwan sa kanya ng mommy niya, ginamit niya iyon para mag-invest sa ilang business, he even bought some stocks. Sa ganoong paraan niya pinaikot ang pera niya. Siya na rin ang nagpaaral sa sarili niya.

He thought that he's already contended on his life. Not until he met a woman that completely change his life.

He still remember that moment. Nasa La Capitale siya ng araw na iyon, pagkalabas niya ng restroom, namataan niya ang isang babae na nakatayo sa harap ng vending machine ng mga tissue at wet wipes. Havoc found himself staring to that woman. Her face looked so calm, sweet and innocent. She had a long black hair, bumagay rin ang medyo makapal nitong kilay dito. She has thick eyelashes and pair of innocent black eyes. He unconsciously gulped when he look at her natural red lips.

A smile crept his lips when he saw her pouted. He never thought that there's always a kind of woman like her. She's adorable.

Matapos kumuha ng barya sa bulsa niya, lumapit siya sa vending machine sa harap ng babae. Saka siya kumuha ng isang pack ng tissue.

"Are you going to take it or not?" tanong niya sa babae. Pilit pa niyang pinaseryoso ang boses. Nahihiyang inabot naman nito ang pack ng tissue na inabot niya.

"Thank you, mister." she said with a sweet smile on her lips. He stared him for a seconds before he decided to get out there. Sinapo niya ang dibdib niya na malakas ang kabog. What the hell was that?!

He thought that he will not see that woman again. But again. he's wrong.

"Havoc, your tita Patricia and I decided to get married." his father said while they're having a 'family dinner' on their ancestral house. Ayaw niya talaga pumunta pero pinilit lang siya ng lolo niya.

Ang Patricia naman na tinutukoy ng ama niya ay ang ina ni Peter, "So? You're marrying your mistress? What do you want me to do? To organize a party?" sarkastikong tanong niya habang patuloy lang siya sa pagkain.

"She's going to be my wife, Havoc. At least respect her." matigas na saad ng dad niya.

"H-henry, it's alright. Kahit hindi na..."

"Have you ever heard the saying that respect is earned, not given, dad? Tell me, how can I respect the person who caused my mother's death?" sagot pa niya. Hindi na ata nakapagtimpi ang ama niya, kinuwelyuhan siya nito at inundayan ng suntok sa mukha.

"Enough, Henry!" awat ng abuelo niya.

Sinapo niya ang nagdudugong labi at kilay, saka siya tumayo. "I'm done here. Do whatever you want dad, just don't expect me to accept your mistress so easily." ibinato niya ang table cloth sa upuan niya saka dire-diretsong umalis sa lugar na iyon. Nagmaneho siya nang nagmaneho hanggang sa makarating siya sa isang village. Inihinto niya ang kotse niya sa tapat ng isang mini playground.

"Fvck!" asik niya matapos suntukin ang katawan ng isang puno bago siya naupo sa isang swing. Tumungo siya habang ang dalawang kamay ay magkasalikop sa likod ng ulo niya, nakatukod naman ang magkabilang siko niya sa magkabilang tuhod niya.

"A-Are you alright, mister?"

Nag-angat siya nang tingin sa pinanggilan ng boses na iyon. There, he saw again the woman that he saw last time on mall. Anong ginagawa nito doon? Gabing-gabi na.

Havocs' SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon