HINDI nakapagpasa si Serenity ng project nila kahapon. But luckily, her professor gave her a consideration when she saw her ruined project, para rin siyang nakahinga nang hindi siya nito pagalitan. Kaya lang, nagbigay ito ng mababang maximum grade na pwede niyang makuha dahil unfair nga naman sa mga nakapagpasa ng project on-time.
She accepted it. Hindi naman siya gaanong grade conscious pero siyempre, nanghihinayang pa rin siya sa naunang nasira niyang project. Ibibigay pa naman sana niya kay Havoc ang flower vase na iyon kasama ng ilang Calla lily na galing sa garden nila. But that's okay, she can always create a new one.
Sa katunayan nga, nasimulan na niya iyon. Tatapusin na lang niya mamaya sa bahay nila para maipasa na niya kinabukasan.
"S-Serenity.." nagulat siya nang makita sina Demi at Missy na nasa harap niya. Mailap ang tingin ng dalawa, parang nag-aalangan pang lumapit at kausapin siya. Pati sina Tori at Midnight natigil sa pagkain nang makita ang dalawa.
"Ano na naman ang bagong pakulo mo Missy? Ano? Ibu-bully niyo na naman si Serene?" iritadong tanong ni Tori.
"H-Hindi! S-sa katunayan nga, nandito kami para mag-sorry.." sabad naman ni Demi.
"T-that's true, I'm s-sorry, Serene. We promise that it won't happen again. A-again, I'm sorry." hinila ni Missy si Demi papalabas ng cafeteria pagkatapos nito magsalita.
Nagtataka niyang sinundan ng tingin ang dalawa. A silence filled between her and her friends. Mukhang pati sina Midnight at Tori nagulat sa ginawa nina Missy at Demi.
"Ano kayang trip ng mga babaeng 'yun? Lakas ng mga tama ah." ani Tori.
"Pero ang importante, nag-sorry na sila, diba?" iyon naman talaga ang importante, kahit hindi niya alam kung bakit biglang humingi ng sorry ang mga ito. Medyo natakot din siya nang ikwento ni Tori kung ano ang ginawa dito ni Missy noon. She can't and don't know how to handle bullies.
"Ang weird lang kasi, parang kahapon lang g na g sayo 'yung si Missy, tapos ngayon parang mga aso na bahag ang buntot na nag-sorry sayo?"
Medyo weird nga. But she shrugged off that idea. Ang importante ay nag-sorry na sina Missy sa kanya. It's a good thing, dahil ayaw rin naman niya na may taong galit sa kanya.
Napaaga ang dismissal nila nang araw na 'yon. May meeting kasi ang mga professor kaya pagkatapos nila mag-attendance, pinayagan na sila umuwi. Nagliligpit na siya ng mga gamit niya nang makita niya si Havoc sa labas ng classroom nila. Kasama nito sina Ruel, Owen, Alec at Harry.
Havoc was not wearing his uniform, so as his friends. Nakasuot ito ng itim na shirt, black pants at itim na leather shoes, nakasabit sa kaliwang balikat nito ang bag nito. Is his favorite color was black? Iyon din kasi ang kulay ng suot ng lalaki noong una at pangalawang beses sila nagkita. But she can't deny that color suits to him a lot, maybe because of his personality?
Naalala niya tuloy yung librong nabasa niya noon, it says that your favorite color may also tell you what your color personality is, or the understanding about how a color can make you feel.
Havoc was a serious type person, nevertheless, she still like him a lot. He's her favorite person, aside from her family and Leonardo though.
Mabilis na pinatakan ng halik ni Havoc ang noo niya nang makalapit siya dito. She sweetly smiled at him as he wrapped his arms to her waist.
"Anong meron? Bakit ata nakabuntot kayo sa Captain niyo ngayon?" tanong ni Tori na nakasunod na pala sa kanya.
"Sabi ni Captain gusto niya raw igala si Serene sa mall, especially sa arcade. Wala naman kaming ibang gagawin kaya sasama na lang kami." sagot ni Ruel.
BINABASA MO ANG
Havocs' Serenity
General FictionSerenity being so pure and kind while Havoc being a cold-hearted guy, they immediately have a liking towards each other. After all, they say opposites attract. (another cliché story)