O

12.7K 359 5
                                    

SERENITY broke up with Havoc.

Paulit-ulit na sinubukan niyang contact-in ang babae pero out of coverage ito. She even deactivated her social media accounts. Nang pumunta siya sa bahay ng mga ito, walang tao doon. Halos buong magdamag siyang naghintay pero walang Serenity na nagpakita, walang Serenity na dumating.

He was graduated as a Summa Cum Laude, he's supposed to be happy and celebrating with Serenity but she left him. Sinubukan niyang hanapin ito pero bigo siya. Pati ang mga kaibigan nito walang alam kung nasaan ang babae. He tried to contact her parents pero hindi rin sumasagot ang mga ito. Ilang araw siyang walang maayos na kain at tulog. Puro alak lang ang laman ng sikmura niya. Ilang beses na rin siyang napapaaway sa mga bar at natutulog sa presinto.

Paulit-ulit niyang inisip ang tamang sagot at possibleng dahilan kung bakit makipaghiwalay sa kanya si Serenity ng ganun-ganun na lang. Saan ba siya nagkulang? May mga bagay ba ito na ayaw sa kanya? He doesn't understand why.

Halos mabaliw na siya sa kakaisip kung bakit.

"Umayos ka nga, Havoc! Ano ba ang nangyayari sayo?!" bulyaw sa kanya ng abuelo niya matapos siya nito ilabas sa kulungan, dinala siya nito sa ancestral house nila, "Tignan mo nga iyang sarili mo sa salamin, natutulog ka pa ba? Naliligo ka pa ba?!"

"I don't fvcking care—"

"But I care! Ayusin mo naman iyang sarili mo, bakit ka ba nagkakaganyan?!"

Unti-unti nang nanghina si Havoc, his defenses started to break down. Marahas siyang napasabunot sa buhok niya, unti-unting lumabo ang mga mata niya dahil sa luha, "She...she left, 'Lo. Iniwan na niya ako, ayaw na niya sa akin."

Napahagulgol siya ng iyak. It hurts so much. Sobra siyang nasasaktan sa biglang pag-iwan sa kanya ni Serenity. Ang mas masakit pa doon, hindi niya alam kung bakit na lang siya basta hiniwalayan at iniwan ni Serenity.

He tried to find her again. Pero makikita ba niya ang taong ayaw magpakita? Until one day, he decided to accept his grandfather's order, ang kumuha siya ng Master's Degree sa US.

Nakaupo si Havoc sa gilid ng kama. He stared at Serenity's picture on his phone. Napaiyak na naman siya. He started to composed a text message for her. For one last time.

From : Havoc
I'm going to states, today's my flight. I will wait for you until 2:00 pm here at my condo unit. If you didn't came, it means you're serious that we're done.

He waited, silently praying for Serenity's appearance, pero halos umabot na nang alas-sais ng gabi, wala pa rin si Serenity. Nagdesisyon siya na umalis na.

Tumira siya nang mag-isa sa US habang nag-aaral siya. Ilang ulit niyang sinubukan na burahin sa isipan niya si Serenity pero hindi niya magawa. He still love her so much.

Hanggang sa makabalik na ulit siya sa Pilipinas at ipina-handle na sa kanya ng abuelo niya ang kompanya nila. Natuto siyang makipagsabayan sa mga businessman na katulad niya, pinatunayan niya na hindi niya kailangan ng tulong kahit kanino para mas lalong mapalago ang kompanya nila. Inilipat na rin sa pangalan niya ng abuelo niya ang Recording company ng namayapa niyang ina. Siya na rin ang nagma-manage 'non.

Naging mas close din sila ni Olivia, he treat her like his own little sister. Ninong din siya ng anak nito na si Blare. Nalaman din niya na namatay na ang ama ni Olivia.

"Oh, she's so beautiful, Dada, who's she?" tanong sa kanya ni Blare nang makita nito ang folders ng mga picture ni Serenity sa cellphone niya.

"She's my girlfriend." huli na para mabawi ang sinabi niya sa bata. Ewan ba niya, basta na lang nanulas iyon sa labi niya.

Havocs' SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon