V

12.4K 323 4
                                    

NANG makarating si Havoc sa restaurant kung nasaan ang abuelo niya, natigilan siya nang makita na kasama nito ang dad niya. Mayroon ding isang medyo may-edad na lalaki at isang babae na parang kaedad ni Serenity ang kasama sa mesa ng abuelo niya.

"Oh, here's my grandson," saad ng abuelo niya nang makita siya, "Havoc hijo, I want you to meet Oswald Madrid and his unica hija, Olivia." pagpapakilala sa kanya ng abuelo niya.

Bilang respeto, inilahad niya ang kamay sa lalaki na nagngangalang Oswald, tinanggap naman nito ang kamay niya, "Nice to meet you, hijo. Your grandfather was right, you're a good looking guy."

"Thank you, Sir." maikling tugon niya. Pinaupo siya ng ama niya sa tabi nito kaya wala na siyang nagawa kundi ang maupo. Nagpatuloy ang tatlong lalaki sa pag-uusap tungkol sa business, samantalang tahimik lang siya at ang babae na nakaupo sa harap niya.

Halos hindi na siya makakain ng maayos dahil inaalala niya si Serenity, baka kanina pa ito naghihintay sa kanya. Pasulyap-sulyap siya sa wristwatch kung anong oras na. Kung alam niya na ganoon lang ang mangyayari, sana hindi na siya nagpunta doon. Tumayo ang abuelo niya kasama si Oswald, umalis ang mga ito sandali, sumunod naman ang dad niya na nagpaalam na magpupunta sa banyo.

He checked again his wristwatch. Hindi na siya nakatiis, pagkabalik ng dad niya sa mesa nila, nagpaalam na siya at saka siya naglakad palabas ng restaurant. Nang makapasok siya sa kotse niya, in-start niya agad iyon papunta sa lugar kung saan dapat sila magkikita ni Serenity.

Halos manlumo siya nang makita niya ang nobya sa playground na nasa loob ng village ng mga ito.

"Serenity." pukaw niya sa babae.

Napaangat ito ng tingin, a smile crept on her lips as saw him walking towards her. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa swing at sinalubong siya.

"Havoc! You came!" she said, mahigpit niya itong niyakap

"I'm sorry, baby. I'm sorry kung ngayon lang ako dumating." paulit-ulit na hinalikan ni Havoc ang sentido ng babae. He's murmuring 'I'm sorry' and 'I love you' repeatedly.

"Fvck." he cursed nang maramdaman ang panlalamig ng mga kamay ng dalaga, "Why you still wait for me at this hour? You should have go home a while ago!" angil niya dito.

Imbes na magalit, she just softly smiled at him, "Because I know you will came. Sinabi mo na hintayin kita kaya naghintay ako sayo, and I'm right. You're already here."

Havoc blew out a breath, he cup her face using his both hands, isinandal niya ang noo sa noo nito, "Damn it, baby. You're so stubborn, what am I going to do with you?"

"Treat me an ice cream?" she asked playfully. They both chuckled, then Havoc tenderly kissed her lips. She's really good to be true. Does he really deserved her? Pero kahit hindi ang sagot, pipilitin pa rin niyang maging deserving para sa dalaga.

Pero may mga bagay talaga na hindi maiiwasan mangyari. It's when he saw an article about him with Oswald's daughter. Sila lang ng babae ang nasa picture kaya kahit sino ang makakita, iisipin talaga na may namamagitan sa kanila ng babae kahit wala naman.

Sinubukan niyang contact-in si Serenity pero hindi sinagot ng nobya ang mga text at tawag niya. And that moment, he knew, alam niyang nakita na nito ang lintik na article na iyon. Nag-early out siya sa company kung saan siya nag-i-internship, saka siya dumiretso sa Sinclair University. Inabangan niya sa labas ng school ang si Serenity.

"Let's talk." ani niya nang salubungin niya ito. Binuksan niya ang shotgun seat ng sasakyan niya. Mukha namang inaasahan na ni Serenity na darating siya kaya walang imik na pumasok ito sa kotse niya.

Havocs' SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon