22

16.2K 557 81
                                    

ASK help to Havoc. Easier said than being done. Tori has a point, kaya lang hindi naman kadali ang lahat ng iyon. At kung magkikita man sila ulit ng lalaki, hindi niya alam kung ano ang una niyang sasabihin dito. At isa pa, ano na lang ang sasabihin nito sa kanya? Matapos niya ito iwan nang walang paalam, bigla siyang magpapakita makalipas ng ilang taon na parang wala lang?

Pero inaalala naman niya ang company nila. Inaalala niya ang dad niya, pati na rin ang libo-libong empleyado na nagtatrabaho at umaasa sa kompanya nila. Kung hindi siya gagawa agad ng paraan, tuluyang mawawala sa kanila ang kompanya nila. She will dissapoint her father, at maraming tao ang pwedeng mawawalan ng trabaho.

Serenity heave a deep sigh.

"Ang lalim naman nang buntong-hininga na iyon, hija," saad ni Manang Saling, inilapag nito sa mesa ang isang tasa ng hot chocolate, "Nagdala si Allan ng tablea galing sa Cebu kaya ginawa ko nang hot chocolate, inumin mo muna iyan at baka pa lumamig."

"Thank you po, Manang." kinuha niya ang tasa at sumimsim ng tsokolate.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, hija." saad pa ng matanda nang mapansin nito na natutulala na naman siya.

"Nag-iisip ho kasi ako ng paraan para maiahon ulit yung kompanya at hindi ho tuluyang...ma-bankrupt."

"Nasabi nga sa akin ng mommy at daddy mo ang tungkol sa bagay na 'yan. Sana nga rin at mahuli na yung dating empleyado sa kompanya niyo na nagnakaw ng pera sa inyo," naupo ito sa harap niya, "Pero napansin ko na may iba pang gumugulo sa isip mo."

Ibinaba niya ang mug ng hot chocolate sa mesa, "Ang totoo ho kasi niyan Manang...n-nagkita ho ulit kami ni Tori, nabanggit ko ho sa kanya yung problema ng kompanya, she suggested po na lumapit ako kay....Havoc para humingi ng tulong."

"Magandang ideya nga 'yun hija, saka may pinagsamahan naman kayo dati, baka matulungan ka nga niya. Mahal na mahal ka ng binatang iyon dati, hindi ko nga alam kung bakit kayo naghiwalay."

She awkwardly smiled to the old lady. Hindi naman niya ito masisisi, hindi naman kasi nito alam ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay noon kay Havoc.

"Parang dati lang noong naghiwalay kayo bago ka maaksidente, palagi iyong nagpupunta dito sa bahay niyo. Lasing at hinahanap ka. Kaya nga nang pansamantalang pinauwi kami ng mga magulang mo doon sa Cebu nang nagdesisyon sila na dalhin ka sa Texas, nakiusap din sila na kung sakaling hanapin ka ulit ni Havoc, huwag daw namin sabihin kung ano talaga ang nangyari sayo at nasaan ka."

"I-Iyon ho kasi ang bilin ko sa kanila manang bago ako maaksidente. At para rin ho iyon sa ikabubuti ni Havoc."

"Nakabuti nga ba talaga?"

"Oo naman ho, nabalitaan ko na successful businessman na siya ngayon, kung siguro ho na hindi ako nakipaghiwalay sa kanya noon, magiging distraction lang ako at hindi niya maaabot ang bagay na mayroon siya ngayon."

Lumambong ang mga mata ng matanda, sumilay ang mapait na ngiti sa labi nito, "Hindi ko lang alam hija, nang minsang mapanood ko kasi siya sa TV, parang, para bang nag-iba ang aura ng batang iyon. Mukha na siyang suplado dati pero parang mas lumala ngayon. Tinawag nga rin siyang—teka ano ba sa ingles ang salitang iyon?—Ah, ruthless, iyon nga."

"R-ruthless?"

Tumango ang matanda, "Tama. Kaya kung hihingi ka ng tulong sa kanya, pag-isipan mo rin ng mabuti. Pero halos magli-limang taon na rin ang lumipas, sigurado ako na kailangan niyo na rin magkausap ng maayos."

Nagpaalam na rin si Manang Saling na tatapusin lang nito ang pagliligpit ng ilang gamit sa komedor bago siya iwan sa library ng bahay nila. Malalim pa rin ang iniisip ni Serenity hanggang sa makaalis ang matanda.

Havocs' SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon