MALAYA si Serenity na natititigan si Havoc na nagmamaneho sa tabi niya. Wala siyang emosyon emosyon na nababanaag sa mukha nito, para lang noong una silang magkita noon sa mall, mapait siyang napangiti.
Ilang sandali pa, nakarating na sila sa tapat ng bahay nila. Wala pa ring imik si Havoc.
"H-havoc..can we talk—"
"Just get out."
Nasaktan siya sa inasal ng lalaki sa kanya. He's cold, so cold. Akala niya, kakausapin na siya ni Havoc dahil pinasakay siya nito sa sasakyan nito. But seems like she's wrong.
She heave a sighed.
Tahimik na tinanggal niya ang suot na seatbelt, saka siya lumabas sa kotse nito. She must be fool, dahil hinintay at hiniling niya na pigilan siya ng lalaki, but it didn't happen.
Pagkababa na pagkababa niya sa kotse, mabilis na pinaharurot ni Havoc paalis ang sasakyan nito. Naiwan siyang nakatayo doon, nangingilid ang mga luha habang tinatanaw ang papalayong sasakyan ng lalaki.
Maagang naghanda si Serenity kinabukasan, marami pa kasi siyang kailangang asikasuhin sa office. Actually, hindi naman siya nakatulog ng maayos matapos ang encounter nila ni Havoc kagabi. Ni hindi na nga rin siya nakakain ng dinner dahil wala siyang gana kumain.
Napansin pa ni Mrs. Suen ang pangangalumata niya nang makarating siya sa office. "Are you alright, Miss Moran? Parang kulang ka sa tulog ah, don't over worked yourself, baka pagalitan ako ng daddy at mommy mo."
She gave her a reassuring smile, "Ayos lang po ako."
"Since hindi ka naman nagkakape, ipagtitimpla na lang kita ng hot chocolate."
"Thank you."
She checked her emails, ilang sandali pa, nakabalik na rin si Mrs. Suen.
"Miss Moran, Mr. Salez called. Hindi daw siya makakarating sa meeting niyo mamaya pero magpapadala na lang siya ng representative." saad ng babae sa kanya matapos nito ilapag ang isang mug ng hot chocolate sa mesa niya.
Mr. Salez was one of the former investors on their company. She will try to convince him, na sana ay mag-invest ulit sa kumpanya nila kung sakali.
Naisip niya kasi na kung sakaling bumalik ang ilang dating investors nila sa kompanya, marami ulit na ibang companies na magtitiwala sa kanila. Magkakaroon ulit sila ng mas maraming clients at pwede nilang mabayaran ang iba pa nilang utang habang gumugulong ang case tungkol sa embezzlement issue ng dating tauhan sa kompanya nila.
"Thank you po, I'll take care the rest."
She answer some calls and do paper works. Hanggang sa sumapit ang oras ng meeting niya. Iniligpit niya ang mga gamit niya at nagbilin kay Mrs. Suen bago siya umalis.
Nag-taxi siya papunta sa restaurant kung saan niya kikitain ang ka-meeting niya.
"Good evening ma'am, any reservation?" salubong sa kanya ng receptionist.
"Yes, I have a meeting with Mr. Salez associate?"
"He's already here ma'am, this way please."
"Thank you." she smiled to her, saka siya lumakad pasunod dito. Huminto sila sa isang mesa kung saan may nakaupo na isang lalaki, sa tingin niya mga nasa late twenties na ang edad nito. Nagpasalamat pa siya sa receptionist bago ito umalis.
"Good evening, Sir. I'm Serenity Moran, Moran Ads representative." kimi siyang ngumiti at inilahad ang kamay sa lalaki.
Tumayo naman ang lalaki at malawak ang ngiti na tinanggap ang kamay niya, "Pleasure to meet you, Miss Moran. I'm Mirco Salez, son of Mr. Salez and his representative. Let's take a sit?"
BINABASA MO ANG
Havocs' Serenity
General FictionSerenity being so pure and kind while Havoc being a cold-hearted guy, they immediately have a liking towards each other. After all, they say opposites attract. (another cliché story)