WHEN Havoc said that he became possessive when it comes to Serenity, it's true. Alam sa buong Sinclair University kung gaano kaimportante sa kanya ang babae, nakabuti rin siguro na kilala siya sa buong school kaya walang ibang nangahas na manligaw o nagpakita ng interes kay Serenity.
Not until he saw his half-brother, Peter, staring at his Serenity nang magkaroon ng game practice sa pagitan ng mga team nila. He doesn't like it. At nang matapos ang game, nang makita niyang nakatingin na naman si Peter kay Serenity, hindi na siya nakapagpigili. It was like something inside him snapped.
"She's mine so back off, ano? Tutulad ka na sa nanay mo na mang-aagaw?" inis na saad niya sa lalaki. He punched him, nakipagpalitan naman siya ng suntok sa lalaki hanggang sa awatin na sila ng mga ka-teammates nila.
"Havoc." he heard Serenity's gentle voice. Lumingon si Havoc sa babae.
"I think we should go now." she said, she gently smile at him. Binitawan naman siya nila Ruel bago lumapit siya lumapit dito, he caressed her hair, he deeply sighed then peck on her forehead. It makes him calm, doing that. That he realized that Serenity can make him calm, she can tame the beast in him. They intertwined their hands, kinuha niya ang mga gamit nila at lumabas ng gym.
Akala niya nagkakaliwanagan na sila ni Peter, pero hindi pa rin pala. Nakaramdam na naman siya nang inis nang makita ang lalaki na kausap si Serenity sa labas ng university. But there's a part of him feeling scared. Naalala na naman niya ang ginawang pambabae ng dad niya noon, ang pag-iwan nito sa mommy niya. Damn.
"Serenity." tawag niya sa babae. Isinara niya ang pinto ng kotse niya nang makalabas siya at lumapit kay Serenity, "I told you that don't trust strangers, isn't?" He hold her hand and glared to Peter.
"And you, I already told you before, she's mine, so back off." pagkatapos niya sabihin iyon, hinila na niya si Serenity papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ito ng pinto sa shotgun seat, marahan niyang isinara ang pinto nang makasakay ito saka siya umikot papunta sa driver seat.
A silence filled between them. Wala ni isang nagsalita sa kanila ni Serenity hanggang sa maihatid niya ito sa bahay nito. Nang makababa ang babae, wala siyang imik na umalis. Nang makalayo sa bahay nila Serenity, itinigil niya sandali sa tabi ng kalsada ang kotse niya. Mariin siyang pumikit at pilit iwinaksi ang nasa isip, sandali niyang isinubsob ang mukha sa steering wheel ng kotse niya bago siya umuwi.
Nang makauwi siya sa condo unit niya, he received a call from his grandfather, Horacio Knight.
"Hello, 'Lo?" saad niya ng iangat ang tawag nito.
"It's my birthday tomorrow, you should be here. Wear some formal suits."
"I can't—"
"You're coming here tomorrow Havoc, whether you like it or not, darating ang ilang investors at clients ng Knight Enterprise, I will formally introduce you to them." hindi na siya hinintay ng abuelo niya makasagot, ibinaba na nito ang tawag. His grandfather was so strict, isa rin ito sa dahilan kaya umalis siya sa ancestral house nila at bumukod ng bahay. Hindi lang siya tuluyan makawala dito dahil sa Recording Company na naiwan ng mommy niya, gusto niyang mapasakanya iyon, but too bad, naiwan iyon sa abuelo niya and his father can't do about it.
He turned off his phone. Baka kasi tawagan naman siya ng dad niya. Nawala sandali sa isip niya si Serenity. Kinabukasan, maaga pa lang pinasundo na siya ng lolo niya sa mga tauhan nito, talagang sinigurado talaga na pupunta siya sa party nito. Nang makarating sa ancestral house nila, dumiretso agad siya at nagkulong sa dating kwarto niya.
Dumating ang hapon, napilitan na rin si Havoc maghanda para sa party ng abuelo niya. Nang magsimula ang party, like his grandfather said, pormal siya nitong ipinakilala sa mga bisita nito. Hindi niya magawang ngumiti dahil napilitan lang naman siya pumunta doon.
BINABASA MO ANG
Havocs' Serenity
General FictionSerenity being so pure and kind while Havoc being a cold-hearted guy, they immediately have a liking towards each other. After all, they say opposites attract. (another cliché story)