HINDI alam ni Serenity kung dahil ba sa sobrang tuwa kaya natapos agad niya ang painting ni Havoc. Matapos 'non, ibinalita nila ni Havoc sa kuya niya at parents niya na nag-propose na ang lalaki. Natawa nga ang kuya niya nang malaman nito kung paano nag-propose sa kanya si Havoc.
After her graduation, umuwi sila sa Pilipinas ni Havoc. Dumiretso agad sila sa bahay ng parents niya at pormal na kinausap ni Havoc ang mga magulang niya. Pati ang mga ito sobrang natuwa nang mapag-usapan nila ang tungkol sa kasal.
"May napili na ba kayong simbahan kung saan niyo gusto magpakasal?" tanong ng daddy niya kay Havoc.
"Meron na po sir, pero pumipili pa kami ng date kung kailan. I want a grand wedding for us." Havoc said as he look at her.
"Grand wedding?" tanong niya, hindi pa kasi nabanggit sa kanya ni Havoc na balak pala nito na gawing engrande ang kasal nila.
"Yes, baby. Naisip ko kasi, hindi na nga masyado romantic yung proposal ko sayo so gusto ko na mas maging memorable ang kasal natin."
"Hay, sabi ko na nga ba at kayo rin ang magkakatuluyan sa huli. You're both really meant for each other!" kinikilig na saad naman ng mommy niya. Pati si Manang Saling at Mang Alan ay masaya para sa kanila.
Naalala niya tuloy si Tori, Midnight at Peter. She mentally noted na ibalita sa mga kaibigan ang balak na pagpapakasal nila ni Havoc. She want them to be there at her wedding day.
Doon na pinatulog si Havoc ng parents niya sa bahay nila. They're both having a hot chocolate on the balcony of their house, he's busy combing her hair when Havoc's phone vibrated. May bagong message na dumating doon.
"Can you read it for me, baby?" tanong ng lalaki sa kanya.
Kinuha naman niya ang cellphone ng lalaki na nakapatong sa mesa. "May password." ani niya
"Type your name."
Nang i-type niya ang salitang Serenity, namangha siya ng bumukas iyon, pero mas namangha siya nang makita ang picture niya na wallpaper nito. It's her. Kuha iyon noong nag-aaral pa sila sa Sinclair University. Naka-uniform pa siya habang may hawak siyang stuff toy na Pororo.
Mukhang napansin naman ni Havoc na natahimik siya. Sinilip siya ng lalaki, "You're really so beautiful right, baby?"
She can feel her cheeks redden, "K-kailan pa ito dito?"
"Matagal na, kahit yung lockscreen photo ng phone ko ikaw. Alam mo ba na may sarili ka pang album sa gallery ng cellphone ko? Ganoon ako kapatay na patay sayo. Nakita nga rin ni Blare yung picture mo sa phone ko eh."
"Blare?"
"Yung anak ni Olivia. Kaya nga nakilala ka niya nung nakita ka niya sa office ko."
Oh, she remembered that time. Kaya pala parang kilala siya ng bata nang makita siya nito, iyon pala ay nakita na siya ng bata sa cellphone ni Havoc.
"By the way, si Olivia yung nag-text sayo. Gusto niyang makipagkita sa..atin?" iyon kasi ang nakasaad sa text ng babae. Gusto nitong makausap sila, lalo na siya.
"Really? Baka nabalitaan na niya na nandito na tayo sa Pinas. What do you think, baby? Gusto mo ba na i-meet natin siya?"
"Oo naman, she's your friend. At sabi mo nga, you treat her like your younger sister. Gusto ko rin mag-sorry sa kanya."
Kinintilan siya ng halik sa sentido ni Havoc, "Okay, asked her kung saan niya gusto makipagkita sa atin. Dalin na rin natin yung binili nating pasalubong para sa kanila."
Matapos mag-reply sa babae gamit ang cellphone ni Havoc, pinangko na siya ng lalaki papasok sa kwarto niya. Maingat siyang inilapag ng binata sa kama niya. Tumabi sa kanya si Havoc at ikinulong sa loob ng mga bisig nito.
BINABASA MO ANG
Havocs' Serenity
Tiểu Thuyết ChungSerenity being so pure and kind while Havoc being a cold-hearted guy, they immediately have a liking towards each other. After all, they say opposites attract. (another cliché story)