29

20.2K 511 66
                                    

"L-LEONARDO?" natutop ni Serenity ang bibig nang malapitan ang pusa, "Oh my God! It's really you! Paano ka nakarating dito?" aniya nang matapos buhatin ang pusa at makita ang collar nito. Hinaplos-haplos pa niya ang balahibo nito.

Impit siyang napatili nang may biglang bumuhat sa kanya mula sa likod. Nakapaikot ang braso nito sa bewang niya. Pero mas nagulat siya nang biglang lumabas si Havoc mula sa likod ng isang puno. Humahangos itong lumapit sa kanila.

"Get your hands off her!" bulyaw nito sa bumubuhat sa kanya saka nito iyon inundayan ng suntok. Nabitawan siya ng lalaking bumuhat sa kanya at bumagsak ito sa lapag.

Akmang susuntukin ulit nito ang lalaking nasa lapag nang makilala ito, "Havoc! No! Stop it!"

Nabitin naman naman sa ere ang kamao ni Havoc. "What?! Why?!"

"He's my brother!"

"Brother? Fvck-"

"Fvck! Ang sakit 'non ah!" hiyaw ng kuya Simon niya nang makatayo ito mula sa pagkakabagsak sa lapag. Ibinaba nito ang hood ng jacket na nakatabing sa ulo nito habang sapo ang gilid ng labi.

"Who the fvck is he, Serene?" madilim ang mukhang tanong ng kuya niya. Masama ang tingin nito kay Havoc.

"H-he's Havoc, kuya."

Nagsalubong ang mga kilay ng kapatid, inaalala nito kung saan narinig ang pangalan na binanggit niya. "Havoc? You mean..that Havoc?" pinagkadiinan pa ng kuya Simon niya ang word na that. Tumango siya sa kapatid.

"What the fvck you doing here? Paano ka nakapasok sa bahay ko?" maangas na tanong ng kuya niya kay Havoc.

"I'm here for Serenity."

Nagulat siya sa sinabi ng lalaki pero hindi niya ipinahalata. Bakit naman siya nito pinuntahan doon?

"I'm sorry kung pumasok ako sa bakuran niyo nang walang palaam. " dagdag pa ni Havoc. Her brother scoffed.

"Sorry? trespassing ka ah! At hindi mo pa sinasagot yung tanong ko, paano ka nakapasok?"

"Umakyat ako sa pader niyo. And I'm sorry if I punched you, I thought you're going to harm Serenity." tumingin sa kanya si Havoc. And she was almost taken back when she saw longing on his eyes while looking at her.

"Harm her? I'm going to surprised her!"

"I'm sorry for trespassing at your house, but can I talk to Serenity privately?"

"No-"

"Kuya." lumingon siya sa kapatid. Tumitig ito sa mga mata niya, huminga ito nang malalim saka unti-unting tumango. Dinampian siya ng halik ng kuya niya sa noo bago ito pumasok sa loob ng bahay dala si Leonardo.

An awkward silence filled between her and Havoc for a minute. They're just standing there, while he's intently staring at her.

"Iniwan mo na naman ako nang walang paalam." he said, a faintly smile crept on his lips, "But that's okay. I know you needed space."

"Paano mo nalaman na nandito ako?"

"I asked your parents."

"What are you doing here, Havoc?"

"I want you back."

Gulat siyang napatingin sa lalaki. Is he serious? She thought he's there for properly closure, pero hindi. He wants her back. Pero paano ang asawa nito? ang anak nito?

"A-ano bang sinasabi mo?"

"I know it may sound selfish but I want us to 'us' again. Kung hindi pa sapat ang four months na space simula nang umalis ka sa Pilipinas, ayos lang, willing akong maghintay kahit gaano katagal-"

Havocs' SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon