09

172 22 4
                                    

"Oh, so this is your safe haven?" manghang tanong ni Stein.

Nasa loob sila ng grocery store na pinagtaguan nila Atrium, Robust, at Zafira.

"Well, this was. Pero kanina kasi may umatake sa amin," sabi ni Zafira. "Sayang. Pfftt. Marami sanang supplies dito at foods."

"Si Kamatayan-wannabe, 'no?" hula ni Gabriella.

"Huh? Kamatayan-wannabe?" Sandali itong tumingala sa kisame. "Oo nga naman pala 'no, mukha siyang si Kamatayan."

"Aa-argh! Dahan-dahan lang," reklamo ni Robust.

"Ay, sorry." Si Zafira ang gumagamot dito.

"Bumalik lang naman tayo rito para makakuha kayo ng essentials ninyo," wika ni Atrium na tinutulungan si Zafira sa pag-gamot. "Talaga kasing malalaman niya na dito tayo nagtatago. Hindi tayo dapat pumirmi rito. Kumuha na kayo ng backpack ninyo." Itinuro nito ang isang hilera kung nasaan may mga backpacks na nakahilera.

Agad silang nagsikilos at kaniya-kaniyang silid ng mga kakailanganin. Gusto niya sanang tulungan si Robust na sugatan, nurse siya kaya may alam siya. Pero kaya naman na yata ng mga kaibigan nito.

"Teka, grocery store 'to diba? Bakit may mga hindi groceries na tinitinda?" takhang tanong ni Thres.

"Oo nga. Hindi rin namin alam. Baka strategy nila para mas kumita," kibit-balikat na ani Atrium.

Pinuno nila ng essential supplies ang kanilang mga backpack.

"Guys! Huwag puro pagkain ha," paalala ni Stein.

"Yes, Master!" sabay pang sumaludo si Gabriella at Thres.

Nahagip ng paningin niya ang isang wallclock. Alas dos na ng madaling araw.

Nagpatuloy siya sa pagkuha ng mga essentials. Tumingin siya sa kaliwa't kanan. Sinigurado niyang wala makakita sa kaniya.

Kasi nahihiya siya... Heheh.

Kinuha niya ang isang pack ng sanitary pad. Sakto, malapit na kasi ang dalaw niya. It's necessary!

"Huy, ako rin." Biglang sumulpot mula sa likuran niya si Gabriella kaya't napatalon siya sa gulat. Kumuha rin ito ng pack ng napkin. Tatlo.

"Hehe. Malakas kasi ako datnan," nakangiting anito at iniwan siya para manguha pa ng supplies. 

"Okaaayy." Isinukbit ni Stein sa kaniyang likuran ang backpack. "Mine's all settled, how about you guys?"

"Okay na rin. Puno na," tugon ni Gabriella.

"Sa 'kin mabigat na, ikaw magdala nito Stein ha," si Thres.

"Ngek. Gagu."

Kahit may mga pasa sila, hindi nila iyon alintana. Ang mahalaga ay buhay sila, humihinga at may lakas pa. At hindi puti ang mga mata.

"Guys," untag ni Stein dahilan kung bakit lahat sila ay napatingin dito. "Nanonood naman siguro kayo ng zombie movies, 'diba?"

Tumango silang lahat.

"Okay. So, ia-apply natin ngayon ang survival methods na kalimitan nating nakikita sa mga movies. Para may 90% tayong chance na mabuhay."

"Uhm, like not being noisy?" tanong ni Zafira.

Tumango si Stein. Dahil sa ilaw sa grocery store, nag-gi-glint ang suot nitong eyeglasses. Inayos muna nito ang kaniyang salamin bago muling nagsalita. "Don't be loud. Kasi 'yang sila, malakas na ang pakiramdam ng mga 'yan. Go to dark places, para makapagtago—"

"Pero sa horror movies namamatay ang mga nagpupunta sa madilim," kontra ni Robust.

"This isn't a horror movie! No paranormal stuffs involved. Mga tao lang, mga taong wala ng kaluluwa." Bumuntong-hininga si Stein.

Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon