*Krrrr Krrrr*
Mariing siyang napapikit nang tumulo ang luha niya.
"Thres... hindi na 'yan ang papa mo," bulong ni Stein.
Hindi niya mapigilang mapahagulhol. Sigurado siyang ang papa niya iyon, kahit pa na puno ito ng sugat at dugo, alam niyang iyon ang ama niya.
"Humanda tayo, anumang oras pwede niyang sugurin si Sue. Kailangan natin siyang maunahan," sabi ni Darru.
"Hindi natin siya papatayin," sambit niya.
"Ano?! Baliw ka ba—"
"Sa mga movies, may nahahanap na cure. Pwede natin siyang ipreserve, para kapag may cure na..." putol niya sa iba pang sasabihin ni Stein.
Napasabunot sa sariling buhok si Robust. "Dude, as you observed, naagnas na ang katawan niya!"
Napahikbi siya. Ang tatay niya lang ang pamilya niya, wala na siyang nanay dahil namatay ito noong nakaraang taon dahil sa cancer sa ovary. Wala rin siyang kapatid, tanging tatay lang ang meron siya.
Sana pala, hindi na siya tumakas sa bahay nila nang gabing iyon. Siguro, kung hindi siya umalis sa bahay nila, hindi mapupunta rito ang papa niya. Baka pinahanap na naman siya nito kasi. Kung nasa bahay lang, may posibilidad na makaligtas ito dahil may mga baril ito doon. Isa kasing retired military ang kaniyang ama, at maraming baril na koleksyon sa kwarto nito.
"Aaaaaaahhhh!!!!" Umalingawngaw ang takot na takot na sigaw ni Issuewella. Nabitawan nito ang kabilyang hawak dahil ang mga kamay nito ay nakahawak sa naagnas na braso ng matandang infected na nakapulupot sa leeg nito.
Agad na nagsikilos ang mga kasamahan niya. Pero siya.... nakapako lang sa kinatatayuan. Namimilisibis ang luha.
Lalaki siya. Pero hindi talaga niya mapigilang mapaiyak.
Sigawan.
Pero ang utak niya ay lutang. Ni hindi niya tinutulungan ang mga kaibigan.
"Huwag niyo siyang sasaktan!!" Tumakbo siya at itinulak si Darru nang akmang tatagain na nito ang leeg ng kaniyang infected na ama.
"Papa, papa ako po 'to!" mangiyak-ngiyak niyang sambit habang tinututukan ng flashlight ang mukha ng ama.
"Tsngina, Thres, hindi na siya 'yan!" bulyaw naman ni Stein.
Nakabuka ang bibig ng kaniyang ama. Ang mga ngipin nito ay iba na kaysa sa normal na ngipin. Bukod sa puno ng mangitim-ngitim na dugo ang bibig nito, parang nabubulok na rin ang bibig nito. Ang mukha ay agnas na at lumilitaw na ang ibang parte ng bungo.
"Thres!"
Sabay-sabay na nagsigawan ang kaniyang mga kasamahan.
Sakit. Sumisigid sa kalmnan at mga ugat niya ang kakaibang sensasyon.
Lumilikha ng kadiring tunog ang pagngat-ngat ng kaniyang ama sa kaniyang leeg. Amoy na amoy niya ang kasangsangan nito. Ramdam niya rin ang malapot nitong kamay na nakakapit sa kaniya.
"P-papa...."
Magkasabay silang bumagsak sa sahig. Lumipas ang ilang segundo, wala na siyang maramdaman kundi ang pagkibot ng kaniyang mga ugat na tila ba lalabas na. Ang pagsakit ng kaniyang ulo na parang may nagrarambulan sa loob no'n.
———
"Thres!"
Magkakasabay na sigaw ng magkakaibigang Gabriella, Stein, at Darru.
Kitang-kita nila kung paano naging infected ang kanilang kaibigan.
Wala silang nagawa...
Nanginginig na tumayo si Issuewella ang pinulot ang kabilyang nahulog niya kanina.
"H-halika na kayo," aniya.
Pero mukhang hindi pa rin nakakabawi ang mga ito. Maging sina Atrium, Robust at Zafira.
Napatingin siya sa mag-ama. Nangingisay na si Thres, pero patuloy pa rin sa pagngatngat ang ama nito, parang kinakain ang leeg ng anak.
Nanginginig ang mga kamay, hinawakan niya ang balikat ni Stein.
"U-umalis na tayo...." aniya.
Kahit hindi pa gaanong nakakabawi, naglakad na sila upang bumaba sa hagdanan.
"H-hindi ba natin sila papatayin?" Sumisinghot na tanong ni Stein sa kalagitnaan ng hagdan. "P-p-para mata-p-pos na ang paghihirap nila..."
Napatingin ang mga kaibigan nito sa mag-amang ngayon ay nakatayo na. Parehong duguan at ang masaklap, halos humiwalay na ang ulo ni Thres mula sa katawan dahil sa malaking wakwak ng leeg nito.
"Ang bobong Thresaurus talaga," mahinang sambit ni Darru. Bakas sa mukha nito ang kalungkutan.
Nawalan na nga ng girlfriend, nawalan pa ng kaibigan.
Narinig niya ang mga impit na iyak. Pati na rin ang daing na nasasaktan.
Nagsitalsikan ang preskong dugo mula sa dibdib ni Thres. Pero walang dugong lumabas mula sa dibdib ng ama nito kahit pa na nakabaon na sa naagnas nitong dibdib ang matulis na pana.
Napatingin si Issuewella kay Robust.
Nakayuko na ito ngayon matapos na asintahin gamit ang crossbow arrow ang mag-amang infected.
BINABASA MO ANG
Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)
AksiDisinfection gone wrong *** When a contagious disease which could be transferred human-to-human through inhalation hit in the world, government thought of preventive measures to stop the spread of the virus. They issued mandatory health protocols th...