01

611 30 4
                                    

Mas nakakatakot na ang virus, at... mas pahirapan na ang buhay.

"Lumayas ka na! Ayaw naming magkaroon din ng bayrus na siguradong ikaw ang magdadala!"

*/tunog ng mga tumitilapon na nga gamit at tumatama sa semento.

Patuloy si Aling Fatima sa paghahagis palabas ng mga gamit ko mula sa apartment niya.

Hindi ako makasagot at makapag-makaawa na huwag niya akong paalisin. Nakayuko lamang ako at panay ang lunok upang mapigilan ang pag-iyak habang pinupulot ang mga gamit ko.

Handa naman akong magbayad eh, para lang huwag niya akong paalisin. Pero sa tingin ko ay kahit na bigyan ko pa siya ng ginto, hindi pa rin uubra. Papalayasin pa rin niya ako alang-alang sa kaligtasan nilang mag-anak.

Napangiwi ako dahil kanina pa ako palakad-lakad. Ang bibigat pa naman nitong mga dala-dala kong gamit.

———

BASAG ang cellphone ko.

Nakarating ako rito sa Baranggay Malubago, katabing baranggay lamang ito ng Baranggay Sinampan (ang baranggay kung saan naro’n ang datinv apartment ko.) Nakakainis si Aling Fatima, napagasto pa ako sa pasahe. Kokonti na nga lang ang pera ko eh. Kapapadala ko pa lang kasi ng pera sa probinsiya, para sa panggasto sa palayan ni Papa.

Napatingala ako sa langit. Madilim at kitang-kita na ang mga nagkikislapang bituin.

*/sighs. May mga nadadaaanan nga akong mga restaurants at karinderya, kaso nga lang, closed. Mabuti at mayroon akong isang menthol candy sa bulsa, 'yon na lang ang pinagtiisan kong pampawi ng gutom.

Hanggang sa lumalim ang gabi. Ni hindi pa ako kumakain kaya't kumalam na ang sikmura ko ng matindi.

Narating ko ang isang bangketa. Naupo ako sa may gilid kung nasaan ang mga basura. Parang ghost town ang lugar dahil walang katao-tao sa kalsada bukod sa akin. Wala ring mga pulubi...

*/grunt and growl from behind.

Napahawak ako sa tiyan ko, thinking that my stomach is growling, I breathe deeply.

Maya-maya ay parang nagiging iba ang tunog. Parang... hindi naman iyon galing sa tiyan ko.

May naamoy akong masangsang kahit na naka-facemask ako, pero normal naman yata iyon diba dahil mga basura ang nasa likod ko.

Subalit, weird talaga kaya dali-dali akong lumingon.

*/nakakadiring tunog na parang kumukulong tubig.

tapungina! Mabilis akong napatayo at napaatras.

Isang babaeng punong-puno ng sugat at purong kulay puti na ang mga mata ang gumagapang papalapit sa akin. 'Yung ngipin niyang manilaw-nilaw ay nangingitngit na para bang gigil na gigil siyang kagatin ako!

Napahawak ako sa bibig. Kawawa siya dahil mukhang nahulog sa wheelchair, pero peachyngina! Nakakatakot siya dahil parang asong handang manakmal!

Hinakot ko ang mga gamit ko at dali-daling nagtatakbo. She growled as if she was calling her comapanions.

Habang tumatakbo ay napapalingon ako sa kaniya, dahil sa mga street lights ay kita ko pa rin siya. Gumagapang, umuungol na umiigik, at ang mga kamay ay nakataas na parang gusto akong abutin.

Dinig na dinig ko ang sarili kong mabibilis na yabag. Mariin akong napapikit at nagpatuloy sa pagtakbo.

Lumingon-lingon ako sa paligid pero walang tao. Nakabukas naman ang mga ilaw. Pero ayaw kong mambulahaw at baka maipa-baranggay pa ako.

Nang medyo makalayo ay napalingon ako.

Totoo ba ito? Bakit gano’n?

O baka naman may nag-shoshooting lang? Tapos pinagtatawanan na ako dahil para akong tanga na takbo ng takbo!

Ibinaba ko ang mga gamit ko bago marahan na naglakad pabalik sa pinanggalingan ko, kung nasaan ang babaeng gumagapang. Pero wala na ito ro’n.

Nakahinga ako ng maluwag, baka prank lang. Hays. Pumihit na ako at nagsimulang maglakad sa kung nasaan ko iniwan ang mga gamit ko.

*/grumbles and rapid unsteady footsteps.

Bumilis ang kabog ng dibdib ko at sinundan ng tingin ang marka ng dugo na nasa kalsada. Nilapitan ko ito, sinuri kung totoo ba.

*/gasps.

Nanginginig ang mga kamay at nanlambot ang mga tuhod ko.

Malakas akong napatili kaya't mas naging mabilis ang mga galaw ng mga nakakatakot na itsura ng mga taong ngayon ay tila wala na sa tamang katinuan. Puno ng sugat ang kanilang katawan, kahit na malayo ay amoy na amoy ko ang sangsang nila. Parang tumatagos sa facemask ko.

Nabubulok na ibang parte ng katawan nila.

Nagtatakbo ako papunta sa kung saan ko inihulog ang mga gamit ko, pero napahinto nang makitang may mga nakaabang rin ang naro'n at tila ba hinihintay ako.

Dahil sa matinding takot ay nagtitili ako habang tumatakbo paliko sa isang eskinita. I felt an adrelanine rush plus my nervous system betraying me! Maging ako yata ay nawawala na sa tamang katinuan at namamawis ang mga kamay at paa ko.

Tumakbo ako nang tumakbo. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga mumunting likido. Napatingala ako.

Shit. Uulan! Mahina pa naman ang immune system ko. 'Yung tipong maulanan lang ako ng konti, aapuyin na agad ako ng lagnat nang wala pang isang oras.

Ilang beses akong suminghap at walang pakundangang pinasok ang isang bahay dahil hindi naman iyon nakalock.

"Aaaaaaa—"

Isang naputol na matinis na tili ang narinig ko bago ko maramdaman ang pamamanhid ng aking mukha.

Maya-maya ay sumigid ang sakit.

*/loud thud

Nawalan ako ng balanse at nabuwal, dahilan para tumama ang gilid ng ulo ko sa malamig at maalikabok na semento.

May naaaninagan akong munting ilaw, pero napakalabo no'n. Pati ang mga boses na naririnig ko ay malabo rin, pero ang alam ko ay may mga nagsasalita.

Maka-ilang beses kong ikinurap-kurap ang mata. Napatihaya ako at ibinaling-baling ang ulo pero malabo talaga at sobrang sakit!

Sinubukan kong huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Pumikit ako upang mabawasan ang hilo— pero tuluyan tuloy akong nakatulog.

Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon