Lumipas ang dalawang gabi.
At sa dalawang gabing iyon, sa rooftop sila natulog. Tiniis nila ang lamig. Buti na lamang at may mga karton doon kaya't may nagamit silang higaan upang protektahan ang kanilang katawan sa lamig ng semento.
Isang beses sa isang araw sila kung kumain. Sa tulong ng menthol flavored candies, naiibsan ang kanilang uhaw at gutom.
Naramdaman ni Issuewella ang init na dumadampi sa kaniyang mukha, medyo sumasakit rin ang mga mata niya dahil sa liwananag kahit pa ito'y nakapikit.
"May tutulong kaya sa 'tin?" boses ni Robust. "Ilang araw na tayong nandito. Ang hirap talaga."
Tumagilid siya ng pagkakahiga. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay sumalubong sa kaniyang paningin ang mukha ni Zafira.
Namamaga ang mga mata ng babae. Mahimbing ang tulog nito habang nakaunan sa backpack.
"Kung meron man, edi sana nuong isang linggo pa." Dinig niyang umingos si Atrium.
"Hays. Nauuhaw ako, may tubig ba kayo? Hindi ako nakakuha ng tubig eh."
Dahan-dahan siyang bumangon at kinusot ang mga mata. Sinuklay niya gamit ng kamay ang kaniyang buhok.
"Meron akong gatorade dito." Kinuha niya ang backpack niya at iniabot iyon kay Robust.
"Psh! Seryoso, pre? Alam mo naman na importante ang tubig 'di ba? Bakit hindi ka kumuha sa grocery store?" Stein is looking at Robust jokingly disgusted.
"Puno na kasi yung backpack ko eh," giit ng binata habang kinakalkal ang backpack.
"Bakit!? Puro ba pagkain ang mga nilagay mo? Dapat pagkain at tubig ang una mong nilagay tsss." Umirap si Stein sa kawalan.
Humaba ang nguso ni Robust. "Oh ba't ka galit? Eh sa mas importante sa 'kin ang mga sapatos eh."
Pare-parehas silang gulat na napatingin kay Robust. Hindi makapaniwala. Naalala niyang may mga hilerang sapatos nga ro'n sa grocery store na napuntahan nila. Gagi, gano'n ba karami ang kinuhang sapatos nitong si Robust kaya lobong-lobo ang bag nito?
Gigil iwinasiwas ni Atrium ang kaniyang baseball bat na may mga pako at blade sa may dulo, buti na lang at nakaiwas naman si Robust. Lumagok ito ng gatorade nang dalawang beses saka ibinalik kay Sue ang backpack.
"Gio, gutom ka ba? Gusto mong mag-almusal?" tanong ni Atrium.
"Meron akong fudgee bar choco flavor at pandan. Ano'ng gusto mo? Pili ka lang," si Stein.
Ito pa ang dahilan kung bakit hindi pa sila bumababa mula sa rooftop. Si Gio ay pinsan ni Robust, marami ang natamong sugat at pasa nito kaya't halos hindi na maigalaw ang katawan. Buti na lamang at mayroon siyang ointments at painkillers.
Tumayo siya at nilapitan ang nakaupo na si Gio. Nakasandal ang likod nito sa may kataasang semento na nagsisilbing harang upang hindi sila mahulog sa rooftop.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya habang chine-check ang mga pasa ng binata.
Ngumiti ito sa kaniya habang nakatitig ang malamlam nitong mga mata. "Medyo okay naman na. Salamat ha, Nurse Sue."
Tumango siya.
"Huwag kang masyadong ngumiti, Giordano. Hindi pa naghihilom 'yang sugat, baka tuluyang mapunit 'yang labi mo. Ha-ha-hah." Itinaas ni Robust ang kanang kamay upang makipag-high five kay Atrium. Pero inignora lamang siya ng huli na nakatingin sa kawalan.
Sa pagdaan ng bawat oras, parang nauupos na ang kanilang pasensya at pag-asa. Kingina, may tutulong pa ba sa kanila?
"—eh gago ka ba? Hindi lang naman siya ang may damit na ganon! Tsk tsk. Hindi naman unique ang mga damit e, may makakapareho ka talaga," inis bulyaw ni Gio kay Robust.
![](https://img.wattpad.com/cover/296605352-288-k584874.jpg)
BINABASA MO ANG
Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)
ActionDisinfection gone wrong *** When a contagious disease which could be transferred human-to-human through inhalation hit in the world, government thought of preventive measures to stop the spread of the virus. They issued mandatory health protocols th...