Walang patutunguhan ang buhay kung mawawala ang gumagabay sa iyo sa pagtahak ng daan.
Maliligaw ka kapag wala na siya at hindi mo kabisado ang pasikot-sikot.
Ang langit, kahit na alas sais na ng umaga'y para pa ring alas kwatro dahil sa kulimlim.
"Kailangan nating makahanap agad ng masisilungan."
Pero saan naman sila makakahanap? Nagkalat na ang mga infected. Nanginginig na rin ang mga kalamnan nila sa binti dahil sa sobrang pagod.
Walang katapusang pagtatago ba 'to? Walang katapusang pagtakbo? At... walang katapusang kaba?
Hindi siya fan ng horror-adventures. Ni hindi nga siya nanonood ng zombie movies eh! Romance category siya, at 'yung mga clichè love stories. Pero kahit papaano ay may alam siya sa bagay na nararanasan niya ngayon.
"Guys," mahinang boses na saad ni Stein. Siya na ang nasa unahan ngayon, kabisado rin kasi ang lugar. "Alam kong hindi 'to katanggap-tanggap. Pero... sa tingin ko maganda kung doon tayo sa Ospital na 'yon."
Umugong ang mga pagtutol. Maging siya ay napasinghal din. Pero agad naman silang matahimik nang marealize ang kasalukuyang sitwasyon.
They should be silent. They shouldn't be loud.
"Hindi maaari. Gusto mo bang magka-Covid din tayo? Gosh! Sure ako na hindi man tayo mamatay sa kagat ng zombie, mamatay naman tayo sa virus." Umikot ang mga mata ni Gabriella.
"Oo nga po, tsaka enough naman na yata ang mga nakuha nating medical supplies mula do'n sa grocery store," segunda ni Zafira.
"P-pero—"
"Manahimik ka na, Stein," saway ni Darru. "Hindi tayo papasok diyan sa Ospital. Doon tayo." Itinuro nito ang isang gusali.
"Eh isa ka rin palang bobo!—"
"Ssshhhhh!"
Pinandilatan nila ng mata si Robust dahil sa lakas ng boses nito.
"Paano kung matrap tayo riyan sa gusaling 'yan? Ha?" mahinang boses na pagpapatuloy ni Robust.
"Trust me. May nakikita akong pag-asa sa gusaling 'yan," buo ang loob na sambit ni Darru.
————
"Putaaaktee, bakit hindi tayo pwedeng gumamit ng elevator? Bakit pa tayo naghahagdan?" mahinang boses na reklamo ni Stein.
"Ssshh, ayusin mo na lang ang pakikiramdam mo sa paligid," ani Darru.
"Ang sakit na ng paa ko," reklamo ni Zafira.
Gayunpaman, sa kabila ng sobrang pagod at sakit ng katawan na nararamdaman, hindi sila tumigil sa pag-akyat sa hagdan at nakahanda ang mga sarili kung mayroon mang panganib na sasalubong sa kanila.
"I agree to that kuya wearing a dark green shirt. Why don't we use elevator na lang kasi?" reklamo na naman ni Zafira.
Tantsiya niya, ito ang pinakabata sa kanila. Sobrang dumi na ng suot nitong school uniform, mga bahid ng dugo.
"Kasi delikado gumamit ng elevator sa ganitong sitwasyon. Pa'no kung matrap tayo? Edi pahirapan tayong makakalabas niyan," paliwanag ni Stein.
Halos ma-kuba na silang lahat dahil sa sukbit nilang bag sa kanilang likod. Samantalang siya, hindi siya nagrereklamo. Siya ang pinakamatanda sa kanilang lahat, dapat siyang maging matatag.
BINABASA MO ANG
Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)
ActionDisinfection gone wrong *** When a contagious disease which could be transferred human-to-human through inhalation hit in the world, government thought of preventive measures to stop the spread of the virus. They issued mandatory health protocols th...