15

151 22 2
                                    

"Bakit ka kumuha ng cup noodles? Eh wala namang mainit na tubig. Makakain ba 'yan ng hilaw?" Gio tsk-ed at Stein.

"Lutang kasi ako no'n. Tsaka pwede naman 'tong kainin ng hilaw e. Gan'to oh." Kumuha si Stein ng isang piraso ng noodle mula sa cup tsaka sinubo at nginuya.

Napangiwi sila at nag-iwas ng tingin.

"Masarap din kaya," giit pa nito.

Nagpatuloy na lamang siya sa pag-kain ng chocolate. Tipid na tipid siya kung kumain. Maging ang kaniyang mga kasamahan. Dahil hindi pa nila alam kung gaano pa sila magtatagal dito.

Ipinikit niya nang mariin ang kaniyang mga mata. Kumikirot kasi ito at medyo makati, dala ng masyadong pag-iyak niya.

Robust groaned. Nahiga ito sa karton at niyakap ang backpack.

Hindi kagaya nitong nagdaang dalawang araw, natatakluban ng kulay grey na ulap ang kalangitan kaya't hindi na nila kailangang mano-manong mag-payong gamit ang mga karton o backpack.

Hanggang ngayon ay may sunburn pa rin si Stein. May pagka-tisoy kasi ito, kaya naman nang masyadong mababad sa init ng araw ay hindi lang namula ang balat, nagkasugat-sugat pa.

Wala pa naman siyang nakuhang ointment para sa sunburn.

Lumipas ang mg oras nang wala silang ginawa kundi ang humilata sa karton o kaya naman ay tumunganga. Paminsan-minsan nilang rinig sa baba ang mga galit na ungol at angil ng mga infected pero hindi sila masyadong nangangamba lalo pa't hindi naman nakaka-akyat ang mga ito para bulabugin sila.

"G-guys..."

"Bakit, Atrium?" boses iyon ni Robust.

Maging siya ay napatingin din kay sa binata. Nakatingin ito sa kung isa pang building.

"Shit. Nakita niya tayo," nagpa-panic na sambit ni Stein.

"S-siya 'yon! Alam niyang nandito tayo! Papatayin niya tayo!" aligagang sigaw ni Gio. Nilapitan ito ni Robust upang pakalmahin.

Binalot ng kaba at takot ang sistema niya nang makita ang isang bulto ng taong nakasuot ng maskarang bungo, sa may bintana ng isang building. Hindi man kita ang mga mata dahil sa maskara, alam niyang sa direksyon nila ito nakatingin.

Umalis ito mula sa bintana. At hindi na nila nakita kung saan iyon nagtungo.

Maga-gabi na. Hindi na nila kita ang araw. Madilim na rin ang paligid. Palatandaan na... nasa panganib na naman sila, dahil kay Kamatayan.

————

Napangiti siya. Mabuti na lamang talaga at nalagyan niya ng sticker locator ang relos ng kaniyang anak. Madali niya itong mahahanap. At syempre, may bonus pang mga survivor... na kailangan niyang patayin.

Isinuot niya ang itim na gloves, pagkatapos ay kinuha niya ang kaniyang na karit.

Isang gabing exciting na naman ito para sa kaniya.

Habulan.



Pagmamakaawa.



Dugo.



Bakit nga ba... mas gusto niyang patayin ang mga buhay pa, kaysa sa mga infected?

Ngumisi siya.

Kumagat na ang ganap na kadiliman. Kailangan na niyang humayo, at pigilan nag pagkalat pa at pagdami ng mg infected.

————

Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon