"Philippine Army ang Dad mo Darru, 'di ba?" tanong ni Gabriella sa kaibigan.
Ngumisi si Darrusalam. "Oo, at naturuan na niya ako kung paano magpalipad ng helikopter."
Nabuhayan ng loob si Gabriella. Wala na siyang ibang hangad kundi ang kaniyang kaligtasan. Wala siyang ibang gusto kundi ang makalayo sa lugar na iyon sapagkat tiyak niya na sa ibang lugar, walang apocalypse na nagaganap. Pagod na pagod na siyang tumakbo, lumaban at magtago. Hindi na rin niya kayang tiisin ang masangsang na amoy ng paligid. At baka mapahamak nang tuluyan ang batang nasa sinapupunan niya. Ang anak nila ni Darru.
"Great. Kung gano'n makakaalis na tayo rito!" masiglang wika ni Zafira.
"But... th-this would be risky..." nag-aalalang gagad ni Gabriella. Tumingin ito kay Darru, nangungusap ang namamagang mga mata. "You know my condition, pa-paano kung... paano kung mag-crash?" halos pabulong na lamang ang pagkaka-sambit no'n ng dalaga.
Napalunok si Darru at agad na lumapit kay Gabriella. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ng babae 'saka matiim na tinignan sa mga mata. "I'll make sure that you." Tumingin ito sa tiyan ni Gabriella. "... And our baby would survive. I'll make sure, hmmm? Magtiwala ka lang," bulong nito.
Hindi narinig ni Zafira ang usapan ng dalawa, nakatingin kasi ito sa gawi nila Issuewella at Atrium.
"Are they fighting?" pabulong na tanong ni Zafira sa sarili. Nakikita kasi niya ang dilim ng ekspresyon ni Atrium habang kausap si Issuewella at parang sinisinghalan ng lalaki ang kausap.
"— mas sigurado kung tayong dalawa lang ang sasakay sa helikopter. Mas magaan, mas maayos kong mapapalipad nang hindi kumplikado."
Napamulagat si Zafira at tila nagbalik sa reyalidad nang marinig niya iyon. Malalaki ang mga matang napatingin siya kay Gabriella at Darrusalam.
"K-kuya... you're not p-planning to leave us... right?" kinakabahang tanong niya.
Walang kaemo-emosyong binalingan siya ni Darru. "I think I can't make that helicopter fly if it's fully loaded."
Napailing-iling si Zafira. "No, nothing must be left behind."
"Little girl, this is a survival and not a team game. Delikado kung papaliparin ko ang helikopter na marami ang sakay, hindi ko alam kung maco-control ko," he said firmly.
"P-pero—"
"Isama natin siya, Darru," sabad ni Gabriella.
Mas lalo pang nagsalubong ang kilay no Zafira. "No! Don't betray us!" Napahikbi ang dalagita. "Huwag natin silang iwan, please, ate, kuya...."
————
“Atrium!" hingal na hingal na sigaw ni Robust.
Hindi na nito nakayanan ang bigat kaya't nasubsob ito sa malagkit na sahig at nadaganan pa ng lalaking kaniyang akay-akay.
"Shit!" Nanlalaki ang mga matang patakbong lumapit si Atrium sa dalawang lalaking nakasubsob sa sahig. "Ano'ng nangyari, Robus— Gio?!"
Ipinatihaya niya si Gio upang maalis ang pagkakadagan nito sa humahangos na si Robust. Tinulungan niyang makatayo ang kaibigan.
"Ano'ng nangyari??" nag-aalalang tanong niya. Napatingin sa walang malay na si Gio. Bumalatay ang awa sa kaniyang mukha nang makitang puro pasa ito at halos kulay ube na ang balat.
"A-akala ko kasi si Thres.... tignan mo kasi! Kapareho ng suot!"
Tama nga ang sinabi ni Robust, ang suot ni Gio ay ang jacket ni Thres, pero malinis ito.
Pinagtulungan nilang buhatin ang binata hanggang sa makarating sila sa pintuan ng rooftop.
"Shit, ano 'yun? Tunog ba 'yon ng helicopter?" tanong ni Robust.
![](https://img.wattpad.com/cover/296605352-288-k584874.jpg)
BINABASA MO ANG
Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)
AcciónDisinfection gone wrong *** When a contagious disease which could be transferred human-to-human through inhalation hit in the world, government thought of preventive measures to stop the spread of the virus. They issued mandatory health protocols th...