16

144 22 0
                                    

Namangha sila nang ikwento ni Rascal ang tungkol sa van na kanilang kinalalagyan.

 

Astig!



Yun ang pare-parehong nasa isip nila.



Pero... hanggang saan sila kayang protektahan ng van na ito?



Niyakap ni Issuewella ang batang lalaki at tinakpan ang mga mata nito. Ang sanggol naman ay iyak ng iyak.



Sa labas kasi, kitang-kita nila ang pag-aaligid ng isang bulto na nakasuot ng costume ni Kamatayan.



"Tangina kasi, bakit ba hindi na lang 'yung mga infected ang patayin niyang si Kamatayan wannabe?" naiinis na saad ni Stein.



Muling kumatok sa bintana si Kamatayan. Lahat sila'y nakatingin dito nang matalas. Kung sana ay nakamamatay lang ang tingin para bumulagta na ang walang-hiyang baliw na 'yan.



Ipinilig-pilig nito ang ulo, wari'y nang-aasar. Tsaka muling naglakad-lakad palibot sa kanilang van.



Napasigaw silang mga babae nang bigla nitong hatawin ang bintana.



Isa.



Dalawa.



Tatlo.



Apat.





Apat na hataw. Pero ni lamat sa salaming bintana ay wala.







Walang nangyari. Hindi nabasag.







"Shit."





"Baliw talaga ampucha."





"Woa. Ang astig talaga nitong sasakyan."





Bagamat hindi nabasag ang bintana ay hindi pa rin maalis ang kaba sa kanilang dibdib.







Napailing-iling si Kamatayan-wannabe. Mukhang dismayado.







Hah! Yan, dismayado sa sarili. Bobo. Tanga. Inutil. Walang-isip.





Minura-mura niya sa kaniyang isip ang pangit na nagtatago sa maskarang bungo. Marami itong pinatay na inosente. Imbes na tumulong, mas pinipili nitong kumitil ng buhay.





Napatili na naman sila nang muli nitong paghahamapsin ang bintana. Mas malakas.





Tila gigil na gigil ito.









"BUUUWAHAHAHAHAHA!!!"







Umalingawngaw ang tawanan.











"Oh, putanginamo, karma! Wooh!"





Malakas na tawanan ng mga kasama niyang lalaki.





Naputol kasi ang hawakan ng karit na dala ni Kamatayan-wannabe.





Mga gasgas mula sa dulo ng karit lang ang tinamo ng van.





Sinipa-sipa pa ng walang-hiya ang kanilang van. Bahagya itong umalog kaya't naalarma sila.





*/groans from distant.





"Grrrrr. Urrgghh aarrkkkk krrr"





Napaatras ito. Napalinga-linga sa paligid. Naghahanap ng mapagtataguan.





Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon