Nakatingin halos silang lahat na nasa loob ng van kay Issuewella. Napapantastikuhan. Habang si Atrium naman ay may pag-aalalang nakatingin sa babae.
'Nababaliw na ba siya?' tanong niya sa sarili.
Tila natakot ang batang lalaki kaya't napayakap ito sa tiyuhin. Patuloy lang sa paghagulhol si Sue. Patuloy naman itong inaalo ni Stein. Inabutan ni Aling Robina ng tubig si Stein upang ipainom kay Sue.
"Baka mabaliw 'yan..." bulong sa kaniya ng katabing si Gio.
Tinitigan niya ito gamit ang pagod niyang mga mata. May mga marka pa rin ng pasa ang mukha nito, pero buti naman at hindi na namamaga.
Hindi siya nagsalita at inilipat na lamang ang tingin sa kisame ng sasakyan. May led light doon na nagsisilbing liwanag nila. Kataka-takang nang una nilang nakita ang van kagabi ay wala namang liwanag mula sa labas samantalang ayon kay Rascal ay palaging nakabukas ang LED light na nasa kisame. Hindi raw kasi nakakatulog ang sanggol kapag madilim ang paligid.
Wala siyang masabi sa van na iyon kundi.... ang mahusay na pagkakaimbento.
"Shucks. Kuya Ras, wala na tayong tubig," anunsyo ni Gwendina.
Inabot ni Rascal ang isang ecobag, at inilabas mula ro'n ang isang medyo may kalakihang water bottle na walang laman. Pero sa ayos nito ay mukhang hindi naman ito ordinaryo lamang.
Tatlong bote ang inilabas ni Rascal. Ang isa ay iniabot kay Robust at ang isa naman ay sa kaniya.
"Tara. Samahan niyo 'kong magsalok," anito.
"Aba, wait lang Kuya. Dapat niyo munang i-discuss kung anon ang gagawin niyo. Hindi na kayo makakapag-usap kapag nasa labas na kayo," biglang saad ni Gwendina.
"Yang mga hawak niyong bote, Life Saver Water Bottle ang tawag diyan," panimula ni Aling Robina. "Mayroon 'yang filter na siyang magsasala sa mga bacteriang mula sa tubig na kukuhanin niyo."
"Kahit na virus at fungi, kaya ring matanggal sa 750 ml na tubig sa loob lamang ng animnapung segundo," dugtong ni Gwendina.
Napakamot sa ulo si Robust. "Ilan 'yung animnapu, pre?" Nakabaling ito sa kaniya.
Inismidan niya lamang ito.
"Bobo. Edi sixteen," sagot ni Gio.
"Woah? Talaga? Sixteen seconds lang?" manghang tanong ni Robust habang sinuri ang hawak na bote.
"Hindi. Sixty seconds," wika ni Rascal. Nasa tono ng lalaki ang pagka-asar.
Dalawang tanga ba naman ang nag-uusap.
Pero kahit tanga ang dalawang kaibigan niya, ayaw naman niyang mawala ito sa kaniya.
"Maghahanap tayo ng poso, doon tayo kukuha ng tubig," muling pagsasalita ni Rascal.
Madali lang naman iyon para sa kaniya. Taga-rito siya sa lugar na iyon at alam niya kung saan may malapit na poso.
————
Basa ang sementong tinatahak nila. Kalat-kalat ang mga naagnas na laman-loob. Mga tuyong dugo, at mga buto.
BINABASA MO ANG
Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)
AksiyonDisinfection gone wrong *** When a contagious disease which could be transferred human-to-human through inhalation hit in the world, government thought of preventive measures to stop the spread of the virus. They issued mandatory health protocols th...