07

192 24 1
                                    

"Paubos na ang supplies natin," walang-buhay na sambit ni Gabriella.

Bigla itong napahawak sa bibig na para bang naduduwal. Malalaking hakbang na nagtungo ito sa lababo at doon sumuka.

Linapitan ito ni Thres at hinaplos ang likod. "Ayos ka lang? Madalas kang magduwal."

"Dahil 'to sa masangsang na amoy. Kadiri kasi e."

"Haaayy. Hindi ka pa nasanay."

Ang bahay na pinagtataguan nila ay maliit lamang. Parang kwarto lamang ito na kasya ang wala sa sampung katao.

May mga bed deck. May lutuan at lababo. May isang CR. Isang kwarto lamang pero kumpleto.

"Miss? Until now, we doesn't know your name. There's no harm telling it, right?" sabi ni Stein.

Takot siya. Palagi. Tiyak niyang kukutyain siya ng mga ito. She don't want to give a shit.

"Okay guys." Pumalakpak ito upang kunin ang atensyon ng ibang kasamahan na abala sa kaniya-kaniyang buhay. "Let us introduce ourselves to her."

"Why bother?" Umirap si Katkat na kasalukuyang ginagamot ang sugat ni Darru.

"I'm Thres. 20 years old. Fourth year college like them. I aready told her my name earlier. I'm just waiting her to say her name too, pero wala ata siyang balak." He shrugged.

"I'm Darrusalam. Call me Darru only."

"Gabriella's my beautiful name, a beauty like me." Ngumiti sa kaniya ang dalaga. Lumapit ito kay Darru na may dalang kahon ng first aid kit. Ginamot nito ang sugat sa ulo ni Darrusalam.

"I'm Stein," pagsasalita ng kaharap niya.

Nagdadalawang-isip siya. Magpapakilala ba siya? Syempre gusto rin niyang makipagkilala!

Pero natatakot siya. Gaga, she's disabled. Daig pa niya kasi ang batang bulol.

"Uhh, uhmm..." Huminga siya ng malalim. "A-ako si Issuewella."

Nakakabinging katahimikan. Napakagat siya sa kaniyang labi.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"

"KATKAT!!!"

Mangiyak-ngiyak siya. Pssshh! Bakit ba ganito? Palagi na lang siyang umiiyak. Hindi na siya bata para umiyak dahil lang kinukutya, pero masakit pa rin sa damdamin.

"Katkat! Tumigil ka potaaa!" sigaw ni Gabriella.

Natigil ang halos gumulong na sa kakatawang si Katkat. Napatingin siya sa mga kaibigang sobrang sama ang tingin sa kaniya.

"Panget niyo ka-bonding." Umayos ito sa pagkakaupo.

"Don't mind her, Issuewella— wait, can I call you Sue?" si Stein.

Tumango siya nang nakangiti kahit na namumula ang kaniyang mga mata.

May naramdaman siyang umakbay sa balikat niya. Nang tignan niya kung sino 'yon ay ngumiti siya ng kimi. Si Thres, nakangiti sa kaniya.

"It's okay. Having a short tongue saves you from sin of saying bad words," anito.

Natapos ang buong araw na wala silang ginawa kundi ang magkulong sa kwartong iyon. Natatahimik sila sa tuwing may naririnig na galit na ungol at mga naglalakad sa labas.

"Dinner's ready," anunsyo ni Stein.

"Jusko, mapupurga ako sa noodles," reklamo ni Darru.

"Sige, Darru. Gusto mo ng karne? Sige, labas ka. Lumabas ka, tas manguha ka ng karneng nagkalat diyang sa kalsada. Marami diba, maraming karne riyan sa labas," sarkastikong saad ni Gabriella.

Inirapan ito ni Darru. "Hindi ako cannibal."

Nakasalampak sila sa sahig dahil wala namang mesa at mga upuan. Ang iba naman ay sa kama naka-upo habang kumakain.

"Alam niyo, pansin ko lang na... Si Kamatayan-wannabe, sa gabi lang siya lumalabas at umaatake. Diba?" hinuha ni Stein.

"Oo nga. At tsaka, may hula ako na ang purpose niya... pumatay ng mga taong hindi pa infected," segunda ni Thres.

"My gosh. Baka isa 'yong baliw na nakatakas mula sa isang mental facility. Then nagkataon na natyempuhan niya ang apocalypse, kaya pumapatay siya for a reason. Para... hindi na dumami ang zombies, pinupugutan na lang niya ng ulo ang mga taong survivor. It's his way to stop the widespread of this," si Katkat.

"Kung gano'n, hindi lang talaga ang mga infected ang dapat nating pag-ingatan. Pati si Kamatayan-wannabe. Gabi na oh, tiyak aatake na naman ang baliw na 'yon," sambit ni Darru.

"Ah basta ako, 'pag naging zombie ako huwag kayong mag-atubiling pugutin ang ulo ko ha."

Tunog ng ibinagsak na kutsara. Kasunod no'n ay ang nakakabinging katahimikan dahil sa sinabi ni Stein.

"Stein, huwag ka namang magsalita ng ganiyan," tila naiiritang sabi ni Thres.

"Lahat tayo makakaligtas dito. Tayo ang final group." Tumayo si Gabriella at naglakad patungo sa lababo, inilagay doon ang kaniyang pinggan.

"What? Tss. Tanggapin na natin, isa sa atin ang mamatay sa gabing 'to. Kahit pa hindi tayo lumabas, may posibilidad pa rin na mapatay tayo ng baliw na si Kamatayan-wannabe. Gano'n sa mga zombie movies. May mga namamatay at nagiging infected."

"I'm sure mayro'n pa namang safe place," wika ni Darru, nakatingin sa kisame.

Naisip niya ang kaniyang pamilyang nasa probinsya. Umabot kaya sa probinsya ang mga infected? Sana naman hindi. Puros mga gawa sa kahoy at light materials pa naman ang bahay doon. Walang mapagtataguan kung sakali.

Naghanda na sila para matulog. Good thing at lima ang double deck kaya mayroon siyang space. Magkatabi ang dalawang sila Katkat at Darru, the rest ay tig-iisa ng kama.

Nasa itaas siya, samantalang si Gabriella ay nasa ibaba. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang weapon na pangprotekta sa sarili. Inilagay niya sa ilalim ng kaniyang unan ang carving knife.

————

Sa gitna ng madilim na gabi, naglalakad siya at naghahanap ng mga taong survivors.

Sa likod ng kaniyang maskarang bungo ay isang mala-demonyong ngisi. Malinis ang talim ng kaniyang karit, palatandaang wala pa siyang nahahanap na survivor sa gabing ito.

Dahil sa mga naiwang bukas na ilaw sa mga kabahayan, may liwanag ang paligid subalit may ilang parte na madilim.

Maya-maya pa ay may nakita siyang kumakaripas ng takbo. Isang lalaki. May dala-dala itong flashlight at tumatakbong parang isang asong tumatakas mula sa bayolenteng may-ari.

Nang matapat ito sa ilaw ay nakita niya ang dami ng galos at dugo nito sa katawan. Pero alam niyang tao pa rin ito sapagkat hindi pa purong puti ang mga mata.

"Kawawa naman. Mukhang hinang-hina na siya. Kailangan ko ng wakasan ang paghihirap niya," sambit niya sa sarili bago naglakad palapit sa lalaki.

Tumayo siya sa likod ng aligagang lalaki. Nanginginig ito sa takot at nakita niyang basa ang pantalon nito. Naihi yata sa takot.

Inihanda niya ang kaniyang karit.

"Ikamusta mo ako kay Satanas," saad niya bago pinugutan ng ulo ang lalaki.

Nalaglag ang flashlight nito. Gumulong ang ulo nito sa pavement. Nang tignan niya, bakas sa ekspresyon ng mukha ang takot at gulat, nakadilat pa ang mga mata.

Naglakad siya palayo roon nang marinig ang mga infected na papalapit.

Napangisi siya sa sarili. Hindi siya titigil hangga't hindi niya naabot ang kaniyang quota sa gabing iyon...

Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon