INABANGAN ko talaga kayo rito." Tumingin siya sa akin. May kahina-hilanang ngiti sa kaniyang labi at ang kislap ng mga mata niya... parang may ipinaparating. "Gusto ko kasing ma-see ang bedspacer natin!" Humagikhik siya.
"Distansiya, Zafira. Alam mong kagagaling lang niya sa sakit." Binalingan ako ni Doc nang may ngiti sa labi.
No offense taken, Doc.
Napapagitnaan namin si Doc JD habang naglalakad patungo sa dining room.
Malaki at malawak itong bahay nila. May second floor at may anim na kwarto. Tatlo rito sa first floor, at tatlo rin sa second floor. Sigurado akong hindi lang ito ang bahay nina Doc. Mapera sila kaya pihadong may mansyon sila at iba pang mga lupa at bahay sa iba pang lugar. Siguro dito lang nila napili ngayong manirahan since malapit ito sa ospital at sa isang University.
Nagdaldal si Zafira habang naglalakad kami. Rant siya nang rant dahil nabo-bore na raw siya sa bahay na ito.
"It’s annoying too na rito, wala na akong ibang magawa. Nakakasawa na rin mag-cellphone."
"I told you to do gardening to kill time, but you disregarded my idea. Now—"
"Gaaa! Porket kasi nakakalabas ka pa kaya you can't feel me. 'Di mo alam ang feeling na maburo sa bahay. Gosh, road to two months na pero 'till now..." Bumuntong-hininga si Zafira.
Tahimik lang akong sumasabay sa bawat hakbang nila.
"Which is more important to you? Sarili mong kaligayahan o kapakanan ng nakararami?"
Mula sa peripheral vision ko, naaninagan kong sinulyapan ni Doc ang kaniyang kapatid.
"My own happiness, ngl. And other's sake. Pwede naman both." Zafira made a smirking sound.
"Pwedeng both pero hindi mo kayang gawin 'yon. Akala mo lang madali, pero kapag nasa sitwasyong iyon ka na, 'saka mo mare-realize na mahirap pagsabayin ang dalawa."
"Kuya, stop that! Nakakakilabot ka."
"What?"
Narating namin ang dining room. Naroon na’t nakaupo ang mag-asawa at kami na langata ang hinihintay.
Si Mr. Dennis Gustavo, intimidating ang kaniyang dating. Bakas sa kaniyang mukha ang kaseryosohan niya sa buhay. Kung ang ibang taong may suot na eyeglasses ay mukhang vulnerable, siya ay hindi. Ramdam na ramdam ko ang pagka-strikto niya.
Gayundin si Mrs. Zenaida Gustavo. Singkit ang kaniyang mga mata at minsan nga ay parang namamalik-mata ako na binibigyan niya ako ng matalim na tingin. Nakasandal siya sa upuan, nakahalukipkip habang pinagpapalit-palit ang tingin sa aming tatlo na naglalakad palapit sa dining table.
Nakilala ko na sila noon. Noong may program sa Ospital at naimbitahan sila bilang guest speaker. Dati rin kasi silang nagta-trabaho sa Ospital na iyon. Doctor si Tito Dennis at nurse noon si Tita Zenaida. Pero ngayon ay sa isang kompanya na sila nagta-trabaho, ang sabi ni Doc JD. Pagawaan daw ng mga disinfectant at iba pang chemicals kagaya ng herbicides, pesticides at iba pang kemikal na ini-spray.
Hinuha ko ay wala sa kalahati ng kinikita nila bilang doctor at nurse ang kinikita nila sa kompanya na iyon. Hindi ko mainitindihan kung bakit iyon ang pinili nilang trabaho kaya bahala na sila, matatanda naman na sila.
Agad akong umupo sa upuan na una kong nalapitan. Naupo rin sa katabi kong upuan si Doc JD habang si Zafira ay dumiretso sa paglalakad hanggang sa makararting sa kabilang side. Naupo siya sa tabi ng kaniyang ina na kaharap namin.
Wala na ang mga kasambahay dito kaya pihadong si Tita Zenaida ang nagluto nitong mga nakahain sa mesa.
"Until when will she stay here, Jone?" tanong ni Tita Zenaida nang hindi tinatapunan ng tingin ang anak na lalaki. Sa akin siya nakatingin, nakaka-concious kaya yumuko ako.
BINABASA MO ANG
Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)
AcciónDisinfection gone wrong *** When a contagious disease which could be transferred human-to-human through inhalation hit in the world, government thought of preventive measures to stop the spread of the virus. They issued mandatory health protocols th...