Bluffink: I will use third person's POV na, kahit na POV ni Issuewella ;)
——————
"Bago ka magalit sa 'kin, ipapaalala ko lang na hindi ko pinatay si Mama." Pilit na ipinapaharap ng lalaki ang kaniyang kapatid na babae sa kaniya. "Patay na siya bago ko pa man siya napatay."
*/soft groan.
Napahawak si Issuewella sa panga nang sumakit na naman ito. Gusto niyang kausapin ang magkapatid at sabihan ang dalagita na ginawa lang iyon ng Kuya nito para sa kaniya.She saw what happened. At kung hindi iyon ginawa ni At— ano nga ba ulit ang pangalan no'ng lalaki? Uh! Basta kung hindi iyon ginawa no'ng Kuya, mapapahamak talaga sila.
Nakatakip lamang sa mukha ang babae habang umiiyak, nakaharap sa pader at wala yatang balak na harapin ang kaniyang nakatatandang kapatid.
Napatingin siya sa kaniyang sikmura na kumakalam na naman. Hindi lang iyon ang iniinda niya, masakit din ang isang bahagi ng ulo niya na natama sa semento kaninang pagbagsak niya.
"Sana hindi mo 'yon ginawa! Dapat ikinulong na lang natin ulit si Mama kesa sa patayin mo siya!" muling nag-iiyak ang babae.
"Mas agresibo na siya ngayon, Amy." Bumuntong-hininga ang lalaki.
Lumakas lamang ang iyak ng dalagita. Nakaramdam siya ng pagkabahala. Maari kasing marinig iyon ng mga nasa labas kaya' posibleng puntiryahin sila.
Kung kaya lang sana niyang aluin at advice-an ang dalawa, malamang kanina pa niya ginawa para naman maintindihan no'ng babae ang sitwasyon.
His brother did it for a purpose and for her own sake.
Napahilot siya sa sentido dahil patuloy pa rin sa pagbulyaw ang babae. For some reason, it irritate her, ayaw niya sa makikitid ang utak!
"Shut up, will you? Ginawa 'yon ng kapatid mo para hindi ka masaktan. Didn't you see? She was no longer your mother!"
Parehas na napatingin sa kaniya ang dalawa. Bakas sa mukha ang gulat habang nakatingin sa kaniyang naiiritang mukha.
The boy chuckled and poked his sister. "Narinig mo 'yon?" tila pinipigilan nitong matawa ng malakas.
Kagat-labing pinunasan ni Amy ang mukha. "Wala ka naman bingot, ate, pero bakit gano'n?" Pati ito ay mukhang gusto ring tumawa ng malakas habang nakikipagtinginan sa kapatid.
"Ano'ng problema don?"
Bumulanghit ng tawa ang dalawa. "Ano'ng mlublema no'n?" The boy mimicked her. Kapagkuway tumingin sa kapatid. "Oh, 'yan, ngumiti ka rin sa wakas gagita."
"Tumigil na kayo ha," muling aniya. Nasapo ang noo.
Muling nagbungisngisan ang magkapatid at ginaya pa talaga ang bulol na pagsasalita niya.
Nanlaki ang mga mata niya at mangiyak-ngiyak. Napuno ng galit ang kaniyang dibdib kaya't marahas siyang tumayo. Ganito talaga ang mga kabataan ngayon, tsk!
Napatingin sa kaniya ang dalawa. Natigilan.
Kahit na labag sa kalooban niyang magsalita ulit dahil sa panunukso, ipinagsawalang bahala na muna niya ang hiyang iyon at sinabing, "Aalis na ako. Salamat sa pagpapatuloy sa akin. Huwag kayong mag-alala, hindi ako galit sa paghampas niyo sa akin."
Hindi niya ikagagalit kung pisikal na saktan man siya ng kung sino. Ang mas nakakapunit sa puso niya ay ang saktan siya emotionally.
"Hoy, teka, Miss. Nagbibiruan lang kami ng kapatid ko!" rinig niyang habol ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)
AksiDisinfection gone wrong *** When a contagious disease which could be transferred human-to-human through inhalation hit in the world, government thought of preventive measures to stop the spread of the virus. They issued mandatory health protocols th...