Epilogue

220 25 0
                                    

a/n: hoy? bakit ito ang inuuna mo? tsinelasin kita eh. bumalik ka sa taas, prologue muna ang basahin mo🙂.

***

Sising-sisi si Atrium sa nangyari sa kaniyang kababata. Siya talaga ang may kasalanan kung bakit ito nadamay.

Iwinakli niya ang kamay na humawak sa braso niya at pinipilit siyang patayuin. Nakaluhod siya sa magaspang at malagkit na semento, paharap sa nakatagilid na katawan ni Robust.

Panay ang hingi niya ng tawad dito gamit ang isip niya. Hindi niya halos matignan ang katawan ng kaniyang kaibigan. Nakapikit lamang siya, ang ulo ay nakayuko. Nakakuyom ang mga kamao niyang nasa kaniyang hita at tumataas-baba ang kaniyang balikat.

Wala na siyang pamilya, nawalan pa siya ng kaibigan! Tanginang buhay 'to. May mas ilulupit pa pala ang mundo.

"Atrium! Tu-tumayo ka na riyan."

Binalewala niya ang nanginig na pagsasalita ni Stein. Rinig niya rin na naaalarma ang dalawa pa nitong kasama.

"Atrium. " Sigurado siyang si Rascal iyon.

Binalewala niya ang mga iyon. Tahimik siyang nagdasal gamit ang isip, para sa kaluluwa ng namayapang si Robust.

"Atrium!"

"Shit!"

"H-hindi ko 'yata natamaan 'yung vital vein!"

----

Kahit hindi sila close ni Atrium, masakit na makita itong naghihinagpis sa harap ng walang-buhay na katawan ni Robust.

Nakatayo silang tatlo ni Rascal at Stein sa likuran ni Atrium, malaki ang distansya.

Hindi man niya ginusto, pero iyon ang dapat niyang gawin. Ramdam pa niya ang panginginig ng kaniyang kamay, paulit-ulit na nagfa-flashback sa isip niya kung pa'no niya isinaksak sa likod ni Robust ang hawak niyang kabilya na matulis ang dulo.

Kung hindi lang sa tulong ng oxygen na nasa gas mask na suot niya, malamang ay kinakapos na siya sa pag-hinga. Malakas ang kabog ng dibdib niya, nanghihina rin ang mga kamay at tuhod niya. Nakahawak si Stein sa kaniyang braso.

"Atrium! Tu-tumayo ka na riyan," ani Stein. Nanginginig.

Ikinurap-kurap niya ang kaniyang mga matang nanlalabo sa luha.

Totoo ba iyon? O namamalikmata lamang siya?

Talaga bang.... gumalaw si Robust?

Kinusot niya ang mga mata. Agad itong nanlaki nang makita ang paggalaw ng katawan ni Robust.

Shittt!! Naririnig niya rin ang tila dugong kumukulo, literal. Parang mga ugat at litid na pumuputok...

"Atrium," si Rascal.

Biglang lumiyad si Robust. Ibang-iba ang paggalaw ng katawan. Namumutawi rin ang pagdaing at angil mula sa bibig na nakanganga't naglalabas ng dugo.

"Shit!"

"Atrium!"

"H-hindi ko 'yata natamaan 'yung vital vein!" sigaw din niya. Nagkakagulo.

Nataranta sila. Pati na rin ang mga nasa van na nanonood sa pamamagitan ng bintana.

"Atrium! Tumabi ka!" sigaw ni Rascal.

*/buzzing sound

*/sparking

Nangisay at tumirik ang puros puting mata ni Robust nang tumama sa katawan ang boltahe ng kuryente. Sa 'di inaasahan, bago ito bumagsak ay naabot nito ang mga paa ni Atrium, kaya't dalawa ang nangingisay ngayon sa harap nila.

Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon