05

277 22 4
                                    

Takbo lamang sila ng takbo. Sobrang dilim dahil wala silang flashlight.

"S-si Gio! Atrium, si Gio! Tulungan natin siya!" sigaw ng sigaw si Robust at mangiyak-ngiyak na.

"Hindi natin kakayanin na mailigtas siya!" sigaw pabalik ni Atrium.

Patuloy sila sa pagtakbo, sa isa pang lagusan sila papasok. Inabangan pala sila ng taong nakasuot ng maskarang bungo sa unang lagusan na sinuong nila at malamang ngayon ay pinapatay na nito si Gio.

"May baseball bat ka! Pwede natin siyang labanan!" patuloy sa paghihimutok si Robust.

"Kita mo naman diba! Ang talim ng dala-dala niyang karit!" maluha-luha na rin si Atrium. Naalala pa rin niya ang nakakatakot na itsura no'n. Parang si Kamatayan. At, may pinagsamahan din sila ni Gio, kaya't naaawa rin siya sa sinapit nito.

Nakalabas na sila sa lagusan, lumiko sila at sa isa pang lagusan pumasok. Sinuong nila ang madilim na tunnel na hindi nila alam kung saan patungo.

"H-hindi ako makahinga..." hinang-hinang sambit ni Robust.

Natigil sa pagtakbo si Atrium at nilapitan ang kababata. Pilit niya itong inaaninag.

Patay, may asthma nga pala 'to.

Tinapik-tapik niya ang pisngi nito. "Kumalma ka, Robust. Hingang malalim."

"Pucha, edi malalanghap ko ang kadiring amoy ng imburnal na 'to," sarkastiko itong tumawa sa kabila ng panghihinang nararamdaman. Naaninag niya ang pagtaas-baba ng dibdib nito.

"Basta, huminga ka lang. Gago, walang paper bag dito, kumalma ka kasi," saad ni Atrium.

Matapos ang ilang minuto ay tila nakabawi na ng kaunti si Robust.

"Takte, nanonood dapat ako ng porn ngayon," mahinang bulong nito habang akay-akay ni Atrium.

Matagumpay nilang narating ang dulo ng lagusan. Pinauna ni Atrium sa pagakyat sa bakal na hagdan si Robust.

"Bobo, ikaw dapat ang mauna, wala akong lakas para iangat 'yung takip," sabi ni Robust.

Napabuntong-hininga siya. "Oh, hawakan mo muna 'to." Iniabot niya sa kababata ang kaniyang baseball bat. Humawak siya sa napakalamig na steel ladder at nagsimulang umakyat.

Tagumpay silang nakalabas sa manhole. Ngayo'y nasa kalsada na ulit sila at naglalakad ng halos  hindi na nakakatapak sa sementadong kalsada ang mga sapatos.

"Ssshh..." senyas ni Atrium sa panay murang si Robust.

"Tsngina, parang sa pelikula lang, pre. Kadiri, mga zombie sila?" Pisil pisil nito ang ilong. Samantalang si Atrium naman ay hawk eyes, nakikiramdam ito sa paligid. Mukhang sanay na ito sa nakakasulasok na amoy.

"What the fuck!?" Napangiwi na lamang si Atrium samantalang umiwas ng tingin si Robust na tila naduduwal nang may madaanan silang katawan ng bababe at wala na itong ulo. Mukhang bago pa lamang itong pinaslang.

Parang gripong rumaragasa ang dugo mula sa leeg nito.

—————

"Robust. Robust gising."

Niyuyugyog ni Atrium ang balikat ni Robust para magising na ito. Dahan-dahan itong nagmulat ng mata pero agad ulit napapikit dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha.

Tumingin si Atrium sa kaniyang wristwatch. "Alas otso na." Huminga siya ng maluwag. Sa likod ng isang pick-up truck sila nakatulog. Salamat sa Diyos dahil ligtas sila, sa ngayon...

Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon