Prologue
"Adam parang ayaw ko nang tumuloy." Wika ko habang yakap-yakap ang baywang ni Adam.
Naka-angkas na ako sa BMW niya na motorcycle. Suot ko na ang half-helmet na binigay niya sa akin at siya naman ay nagsusuot pa ng kanyang sariling hemet pero naka-andar na ang makina ng motor niya.
"Why?" tanong niya at nahimigan ko ang tampo sa boses niya.
"Kasi ipapakilala mo ako sa papa mo, Adam. Sinong hindi kakabahan n'yan?" anang ko at humigpit ang pagkakayakap ng kamay ko roon sa baywang niya.
Binaon ko ang mukha ko sa likuran niya at hilanghap ko ang panlalaki at mamahaling pabango ni Adam. Naging familiar na sa akin itong amoy niya sa halos araw-araw naming pagsasama. 'Di man kami klasmet at iba man ang pinapasukan naming school, 'di naman pumapalya si Adam na maghintay sa akin sa gate ng school ko.
Nag-aaral kasi si Adam sa ibang pribadong paaralan samantalang ako ay sa isang public school lang.
"Don't worry my father won't bite you, Lex." aniya at ginapang niya ang kamay sa braso kong nakayakap sa baywang niya.
Nakiliti ako roon at pinamulahan sa mukha. 'Di pa rin talaga ako nasasanay sa ganitong klase na bagay. Kung bagay si Adam kasi ang first boyfriend ko.
"Alam ba ng papa mo Adam na bakla ang... karelasyon mo?" May pananant'ya kong tanong kay Adam.
Ramdam at dinig ko ang pagpatay niya sa makina no'ng motor niya. Lumuwag ang pagkakayakap ko sa kanya at kakalas na sana ako sa pagkakayakap sa kanya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at iginapos niya ulit iyon sa kanyang baywang. Sumubsob ulit ang mukha ko sa likod niya at tumama pa ang helmet sa kanyang likod.
"Sorry-"
"Daddy knows nothing about my whereabouts Lex. He is very busy with his business. And I don't mind it. That is why whether Dad likes you or not. I don't give a damn. I just want you to meet him." Adam solemnly said as he planted a tender kiss on my hand.
"Adam..."
"Hmm."
"Mas lalo ako kinabahan. Parang strikto ata ang daddy mo. Natatae na tuloy ako sa kaba rito."
Tumaas-baba ang balikat ni Adam sa kanyang tawa kaya kinurot ko ang tagiliran niya.
"You have me, Lex. So don't worry too much."
Pagkatapos nang pag-uusap naming iyon ni Adam ay dahan-dahan na kaming umusad tungo sa kanilang bahay. Si Adam ay nakatira sa isang exclusive na subdivision dito sa syudad at may kalayuan iyon sa school. Matagal kaming nakarating sa kanila dahil na rin mabagal ang kanyang pagpapatakbo. Kinukurot ko kasi kapag napapabilis na ang takbo namin. Ayaw ko pa mamatay. Magpapakasal pa ako sa kanya. Magiging Mrs. Descartin pa ako. Kinilig naman ako sa sariling imahinasyon. Ang sarap siguro sa feelings kung ikakasal kami ni Adam. Kahit na 'di dito sa Pinas kahit sa ibang bansa.
Pagkarating namin sa kanilang bahay ay halos 'di ko na maitikom ang bibig ko sa sobrang pagkamangha ko sa bahay nila Adam. Dalawang palapag ang kanilang bahay. Sa labas pa lang ay nakikita ko ang floor-to-ceiling na mga bintana sa kanilang second floor at ang veranda roon.
"Come on, Lex." Aya ni Adam sa akin sabay kuha sa kamay ko.
Nakanganga pa rin akong tumango sa kanya. 'Di pa rin maka-get over sa pagkamangha ng kanilang bahay— mansyon.
Tinulak ni Adam ang kanilang double doors na gawa sa Mahogany at humigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay. Kinakabahan ako. Iyong pagkamangha ko sa labas kanina ay napalitan ng kaba. Takot.
BINABASA MO ANG
BEWITCHED 1 (BL)
General Fiction(Former title: My Boyfriend's Father) BxB • SPG Disclaimer: This is written in Taglish. Read at your own risk. Highest Rank Achieved #1- boyxboy (February 27, 2022) #1- boyxboy (March 9, 2022) #2- pinoy (March 11, 2022) #1- pinoy (Marc...