Part 2

18.1K 439 112
                                    

2

Lex POV

"Ayaw mo na?" tanong ni Adam sa akin nang binaba ko na ang kutsara ko at uminom ng tubig.

Nandito kami ngayon sa paborito namin—ay hindi. Dito ang paboritong kainan ni Adam tapos ako ay nadala lang niya rito. Kaya naging paborito ko na rin. 'Di naman talaga ako sanay sa mamahalin na restaurant o kainan kasi mahirap lang ako. Oo. Ako. Kasi mag-isa lang ako sa buhay.

Laking orphan ako. At nang mag- 21 ako ay lumabas na ako doon. Thankfully nga mayroon akong scholar at sponsor na siyang gumagastos ngayon sa pag-aaral ko. 'Di ko kilala ang sponsor ko. Sinabi lang iyon ni Sister Jane, ang head ng orphan house ng pinanggalingan ko na may nag-sponsor daw sa akin, actuallymarami naman kami na nag-aaral ngayon na iisa lang ang sponsor. Siguro mayaman at matulungin lang talaga ang tao kung sino man ito. Thankful ako sa sponsor ko dahil kung hindi dahil sa kanya baka 'di na ako ngayon nag-aaral. At baka kung saan na ako ngayon.

Tiningnan ko ang plato ko na may tira pa roon. Sayang nga kasi ang mahal ng mga pagkain dito. Ang isang serve ng ulam ay halos budget ko na sa isang linggong kainan ko.

"Busog na ako, Adam. Sabi ko naman kasi sa'yo isang serve lang dinalawa mo pa." Ungot ko.

"Hmm, akin na lang ang tira mo." aniya saka kinuha iyong tira kong pagkain.

"Bukas pala Adam baka matagalan ako sa school kasi sisimulan na namin ang Research 2 namin." wika ko habang hina-halo ang halo-halo sa harap ko.

Sa edad kung dalawampu't isa ay grade 12 palang ako dahil nahinto rin kasi ako sa pag-aaral dahil na rin kinulang ang budget ng orphanage sa amin noon.

"Hihintayin na lang kita." Offer niya at sinumulan nang kainin iyong tira ko.

"Naku h'wag na, Adam. Siguro sa makalawa na lang tayo magkita, hmm."

Kinunutan niya ako sa noo niya at binaba ang kobyertos.

Ngumuso ako sa kanya.

"Susunduin na lang kita sa apartment mo bukas."

"May 7:00am kang klase Adam. Tapos ako 8:00am ang starting ng klase namin."

Bumuntonghininga siya.

"Fine. Pero pupunta ako sa apartment mo bukas ng gabi."

Dalawang beses akong tumango sa kanya.

Pagkatapos noon ay nilantakan ko na ang halo-halo. Napapapikit pa ako sa sarap nun.

"Akala ko busog ka?" si Adam na natatawa sa akin.

Ngumiwi ako.

"Paborito ko ang halo-halo, Adam."

"I can see it, potato." Wika niya saka hinuli ang nguso ko at saka iyon piningot.

"Adam." May inis kong wika nang pakawalan niya ang nguso ko.

Ang inis ko ay nawala nang dinilaan niya ang daliri na siyang ginamit niya nung piningot ang aking nguso. Mabilis na namula ang pisngi ko sa ginawa ni Adam. Bakit parang ang sexy ata ng ginawang iyon ni Adam?

"Feed me." Utos niya sa akin.

"Nang halo-halo?" tanong ko.

"Hmm."

"Nakakahiya Adam. Ang daming tao rito." Halos pabulong kong saad sa kanya at pinagmamasdan ko ang mga taong kumakain din.

Mostly couples din ang mga nandirito pero sila ay boyfriend-girlfriend o baka iyong iba ay mag-asawa na. Parang kami lang ata ni Adam ang boyfriend-boyfriend.

BEWITCHED 1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon