Part 8

15.3K 473 150
                                    

8

Lex POV

"Oh! I'm sorry to burst your bubbles of hopes and love, Lex. I am. I am the real girlfriend of Adam. Adam can't love someone like you, fag." Maarte at parang nandidiring anang ni Mira sa akin.

Tiningnan ko nang maigi si Mira kung nagbibiro ba siya o niloloko lang ako. Nag-aabang ako na baka bawiin niya ang sinabi niya pero tinaasan niya lang ako sa kilay at pinagkrus ang braso sa harap ng malulusog na dibdib.

Ngayon ko lang napagtanto na ang babaeng kahalikan ni Adam doon sa bar ay kagaya ng gupit at kulay ng buhok ni Mira.

Sumikip ang dibdib ko at para akong kinakapos sa hangin. Hindi ako makahinga ng maayos at nanlalabo ang panginin ko sa mga luhang bumabadya. Hindi ko alam kung madali ba akong lumuha dahil mainit ang pakiramdam ko dahil sa lagnat o dahil sa sakit na naramdaman ko ngayon.

Lumabas ang mga luha sa mata ko at sinunod ko iyon ng punas kaso mabilis ang bawat patak nun. Humikbi ako. Bakit nagagawa ito ni Adam? Pinagsabay niya ba kami ni Mira? Pinagsabay niya ba kami pero si Mira ang mas pinangakuan niya kasi babae at ako bakla?

"Hindi ako nainiwala sa'yo, Mira." anas ko.

Humalakhak siya na parang iyong kontrabida sa mga pelikula.

"Lex. Lex. Lex. Aling parte ba doon ang di mo maintindihan? English iyon. Baka nagkabuhol na rin yang utak mo sa mga pinaggagawa ni Adam sayo? Lex, pinaikot ka lang ni Adam sa palad niya. He is just using y-"

"HINDI TOTOO 'YAN. MAHAL NIYA AKO!" Pinutol ko si Mira sa napakalas kong sigaw kahit na namamaos dahil sa lagnat ko at hikbi.

Isang sampal ang dumapo sa pisngi ko at para akong nabingi. Halos matumba ako doon. Uminit ang parte ng pisngi ko kung saan ako sinampal ni Mira.

"You dare to yell at me, huh?! You fag!"

Hindi ako nagsalita at hinawakan ko lang ang pisngi ko na sa tingin ko ay naiwan doon ang palad ni Mira.

"Hindi mo alam Lex kung gaano kita gustong komprontahin at pagsabihan na hiwalayan ang boyfriend ko. Nakakadiri na hinahatid-sundo ka pa niya. Nakakadiring tingnan at ang sakit tingnan na nakikita kong hinahalikan ka ng boyfriend ko, Lex. Hindi ko lang alam na kapag hinahatid ka niya. Sa akin siya umuuwi. Sa condo ko. Doon siya natutulog and because of you nag-aaway kami! Dahil sa lintìk na plano niyang iyan!"

So, Adam was using me? So, in the first place si Mira talaga ang girlfriend niya? At ako? Ginamit lang? Nilaruan lang?

"Kung ayaw mong maniwala hala sige! Puntahan mo siya ngayon sa bahay nila. Umuwi siya doon ngayon. Kakatawag niya lang sa akin na umuwi siya sa bahay nila!" Huling bulyaw ni Mira sa akin saka ako nilampasan at binudol ang balikat ko.

Muntik na akong matumba. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naghalo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. May galit, puot, sakit, at awa para sa sarili ko.

Lunod na lunod ako sa mga pinapakita ni Adam na sa tingin ko ay tama. Jas once told me to turn down Adam but i didn't listen to him kasi nagustuhan ko si Adam. He was sweet, caring, and gentleman. And who wouldn't fall for that? Minahal ko si Adam. I fall for him. I fall in his tricks. I brought this to myself. Inaakala ko si Adam na. Inaakala ko si Adam na ang para sa akin. Inaakala ko si Adam na iyong hinihiling ko na di ako iiwan. Na di ako pababayaan. Tulad ng ginawa ng parents ko sa akin. Akala ko sakanya ko matatagpuan ang pagmamahal na di ko naranasan sa mga magulang ko pero nagkakamali ako doon. Napakalaking pagkakamali iyon.

Galing sa school nila Adam ay pumara ako ng taxi at nagpahatid ako sa kanilang subdivision. Umiiyak ako pero nangingibabaw na ngayon ang galit ko sa kay Adam. Masakit. Masakit na masakit ang ginawa niya sa akin. Akala ko wala na akong iluluha pa pero heto ako't tumutulo ang traydor na luha.

BEWITCHED 1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon