Part 6

16.4K 459 47
                                    

6

Lex POV

It's been one week pero iyong nangyari sa bahay ni Adam parang kahapon lang nangyari at paulit-ulit na nagre-reply sa utak ko. Hindi na ako nakakafocus sa school. Hindi na ako naging effective na ka-member sa grupo namin at kahit na estudyante dito sa school. Nakakapanlumo na hindi ko alam kung sino ang nakagalaw sa akin. At magpahanggang ngayon ay lutang pa rin ako sa kakaisip kung ano ba talaga ang nangyari nang gabing iyon.

Minsan nga nakikita ko na lang ang sarili ko na umiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mabuti nga naging busy din si Adam. Di kami nagkikita ngayon kasi hectic ang schedule niya at kami man ay busy rin kasi graduating pero itong utak ko mas magulo.

Biernes at magdadalawang linggo na nang huli naming pagkikita ni Adam. Puro na lang kami text o di kaya'y tawag. Nakuntinto ako doon kasi di ko rin siya kayang harapin na hindi naaalala na nagising ako sa tabi niya at sa ama niya.

Lutang pa rin ako sa klase nang araw na iyon at nang tinawag ako ng guro upang sumagot. Di ako nakasagot. Hindi sa wala akong masagot. Talagang wala sa tamang huwisto ang isip ko hanggang ngayon.

"Lex, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Mill. Tinulak niya ang kanyang natapos na pagkain at hinarap ako.

Maski sina Jas at Ed ay kapwa rin napatigil sa kanilang pagkain sa tanong ni Mill.

"A-Ayos lang naman ako, Mill." sagot ko at yumuko.

"Lex h'wag kang maglihim sa amin." suna ni Jas.

Iniling ko ang ulo ko sa kanila.

"Ayos lang talaga ako." mahina kong sagot at isa isa silang tiningnan.

"Maayos ka? Bakit di ka na nakakasagot sa recitations? Bakit pagtinatawag ka nakatulala ka sa kawalan? At Lex nakita kitang umiiyak." Sabat ni Ed.

Napaiyak ako at yumuko. Sinapo ko ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko at humagulgol ng iyak.

"Lex." Sabay nila wika at naramdaman ko ang kamay na humagod sa likuran ko at ang marahan na pisil sa balikat ko.

"Hindi ko alam. Nababaliw na ako kakaisip. Hindi ko alam ang gagawin ko." Umiiyak kong wika.

"Ano bang nangyari Lex? Please, ipaliwanag mo sa amin para alam namin ang gagawin. At kung makakatulong kami... tutulong kami." alu ni Jas sa akin.

Suminghot at nagsimulang ikwento sa kanila ang mga nangyari. Sa pagkukwento ko sa kanila ay di ko maiwasang di maiyak kasi putol-putol iyon. Gustuhin ko mang maging detalyado iyon ngunit pati ang alaala ko sa gabing iyon ay putol-putol din.

"Ibig mong sabihin nakasiping mo ang... ama ni Adam at si... Adam?" nagdadalawang isip na saad ni Mill.

Iniling ko ang ulo ko.

"Hindi ko nga alam, Mill. Basta pagkagising ko nasa gitna na nila akong dalawa at kapwa kami walang... damit."

Kanya-kanya silang napahilamos sa kani-kanilang mga palad at napadaing.

"Lex, ano ba iyang pinasok mo." si Ed.

"Lex, tanungin mo kaya si Adam. I'm sure naman... may alam siya."

Kinabahan ako sa ideyang tatanungin ko si Adam kung ano ba talaga ang nangyari nang gabing iyon. Anong itatanong ko sa kanya? Paano ko siya tatanungin? Paano ko tatangunin si Adam nang di umiiyak? Paano ko tatanungin si Adam nang di siya nasasaktan?

"Gaga ka, Ed!" suway ni Mill. "Anong tatanungin ni Lex si Adam? Gaga! Boyfriend niya iyon at tatanungin mo kung nakasiping ba niya ang ama? Anong klaseng kabobohan ba meron ka, bakla!"

BEWITCHED 1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon