Part 12

14K 426 29
                                    

12

Lex POV

"Gaga! Saan ka ngayon?" Bulaslas ni Jas nang sagutin ko ang bidyo-call niya sa akin. "Shsh! Konting katahimikan mga bakla." Kita kong sinusuway ni Jas sina Ed at Mill sa kanyang tabi.

"N-Nandirito ako sa Batangas." bulong ko.

"Batangas?!" sabay na sigaw nilang tatlo.

Ngumuso ako ako at nakita ko namang nagsiksikan ang tatlo sa screen. Si Jas ang nakahawak sa phone at nakita kong nag-aagawan silang tatlo kung sino ang makikita sa screen.

Inindak ko ang paa ko. Nandirito ako sa balkonahe ng kwarto ng leisure house ni Amos dito sa Batangas. Malamig na dahil gabi pero mas pinili kong lumabas nang tumawag ni Jas sa akin. Si Amos naman ay naliligo sa loob.

Gabi na kasi kung uuwi pa kami sa Manila. Sinabi ni Amos na may leisure house siya dito na pwede naming tuluyan at bukas na lang kami uuwi kaya pumayag na rin ako. Siya kasi iyong nagda-drive at baka napagod siya. Malayo kasi.

"Anong ginagawa mo d'yan sa Batangas, Lex?" usisa ni Mill at hinawi konti ng ulo ni Jas na natatakpan siya.

"Dahan-dahan bakla! Naalog utak ko e!" reklamo naman ni Jas na di pinakinggang ni Mill.

"P-Pumunta kami dito ni.."

"Amos!" sabay nilang untas.

Tumango ako at ngumiti ng konti sa kanila. Bahagya kong nilayo ang cellphone ko upang makita rin naman nila ang background ko. Umikot ako para makita nila.

"Gaga! Sarap ng buhay mo!" sigaw ni Ed.

"Anong ginawa ninyo ni Amos d'yan? Di kayo uuwi rito?" seryosong tanong ni Mill.

Muli akong tumango.

"Kumain lang kami.. pero napagod si Amos kaya bukas na kamk uuwi d'yan." paliwanag ko.

Pinanliitan ako ni Mill sa mata niya.

"Saan ka pala ngayon? Nag-motel kayo bakla?" pang-iintriga ni Jas.

Umiling ako.

"Hindi. Hindi kami nag-motel. May leisure house si Amos malapit dito, kaya dito kami papalipas ng gabi."

Nahilo ako nang yumugyog iyong mga kamera nila ni Jas kasabay ang mga impit na tili.

"Pist*! Kayo na ba bakla?" tanong ni Jas matapos ang tili nila.

Ngumingisi pa siya sa akin at may panunukso akong tiningnan.

Dahan-dahan kong tinango ang ulo ko at napa-sigaw sila sa kabilang linya.

"Pinaka-swerteng bakla sa balat ng lupa!" untas ni Ed. "Sana-all."

"Double celebration ang peg?" pang-aasar ni Jas.

"Iyang kwintas mo bigay ni Amos?" si Mill.

Naibaba ko ang tingin ko sa kwintas na kakabigay lang ni Amos sa akin. Kinapa ko iyon at hinawakan.

Tiningnan ko silang muli.

"Oo. Graduation gift niya."

"Putcha! Apaka-swerte! Yayamin ang boyfriend. Congrats, Lex." masayang bati sa akin ni Mill.

"Congrats, bakla!" -Ed.

"Congrats, Lex. Pist* lang! Kaka-inggit!" si Jas.

Matamis akong ngumiti sa kanila. "Salamat sa inyo."

"Kung nandirito ka lang nako dapat may pa-libre kayo ni Amos sa amin sa isang mamahaling bar para naman makabingwit kami ng sugar daddy o di kaya'y fafa na kasing hot ni Amos!" eksaherada ni Jas at may pa hampas-hampas pa siya.

BEWITCHED 1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon