Season 1: Epilogue
Adam POV
My mom Alana just passed away at hindi ko matanggap na si daddy ay parang wala lang ito sa kanya. The day after mommy's burial ay parang wala na iyon kay Daddy. I expect him to morn and devastated like what I saw on TV. But in my daddy's case, it wasn't. Maaga siyang gumising as usual. Maagang gumayak para sa kanyang trabaho.
Alam ko naman na malaki ang responsibilidad as the CEO and Chairman pero kasi di ko maintindihan. Dahil parang di man lang nawalan si Dad ng asawa. Asawa niya ang namatay. I also know na hindi na talaga maganda ang relasyon nilang dalawa dahil lagi ko silang naririnig na nagsisigawan at nag-aaway pero iniisip ko na natural lang iyon para sa mag-asawa.
Minsan ko nang narinig na may ginagastusan daw'ng ibang mga tao si Dad. Iyon lagi ang puno't dulo ng kanilang pag-aaway. Hindi ko naman alam kung sino ang pinagwawaldasan ni dad sa kanyang pera. Pero nagagalit na rin ako sa kanya.
Hindi ko matanggap na si Mommy ay nagpakamatay. Mahirap sa akin na isang mama's boy na mawala ang ina. Nagalit ako kay daddy pero di ko iyon masyadong ipinapakita sa kanya.
One day ay pumasok ako sa kanyang mini office dito sa bahay namin para sana magpaalam dahil may retreat ang buong team ng soccer player sa school. And accidentally, may nakita akong ga-bundok na mga papel at ang una kong nakita doon ay ang impormasyon tungkol kay Lex, sa mesa ni Dad na siyang nagdala sa akin na makilala si Lex Torres. Lex Torres is an orphan boy na pinags-sponsoran ni Dad. Ang taong laging puno't dulo ng away nina mommy at daddy. At sa hula ko ay kaya rin nagpatiwakal si Mommy ay dahil pakiramdam niya ay nagtaksil sa kanya si Dad.
That day, naisipan kong gamitin si Lex. Para makaganti sa daddy ko. Makaganti sa ginawa niya kay Mommy.
"Mira just please. Let me. Hindi naman totohanin eh. Liligawan ko lang siya kung magpapakipot pero kung hindi mabuti naman." Pakiusap ko kay Mira nang sabihin ko sa kanya ang planong paggamit ko kay Lex. We are in bed, sa kanyang condo unit.
"Paano kung mahulog ka doon? Ganyan ang nangyayari sa mga palabas, Adam." Galit na saad ni Mira sa akin.
Hinapit ko ang bewang niya at hinalikan sa labi.
"Mira. Based on my research that boy is a gay. Paano ako mahuhulog niyan?"
Mira snorted.
"I promise. Ikaw rin naman ang uuwian ko."
With that pumayag si Mira. I courted lex. Nahirapan pa ako dahil may mga kaibigan din siyang bakla na ang lakas makabakod kay Lex sa pagsagot sa akin. Nagdududa sila sa intensyon ko kay Lex. Baka paglaruan ko lang daw at di seryosohin. Which is totoo naman dahil nang mga panahon na iyon laro lang ang mga iyon sa isip ko.
Hindi ko pinapapunta si Lex sa school namin dahil baka mabisto niya ang ginagawa ko. Hindi ko naman inaasahan na magtatagal ang ganoong set-up namin ni Lex. Alam ko kasi na may taong laging nakasunod kay Lex para i-report kay dad ang ginagawa nito sa araw-araw. Akala ko kasi papalag si Dad nun pero hindi. Akala ko kokomprontahin niya ako kaso walang ganun na nangyari.
Hanggang sa ang kinakatakutan ni Mira ay unti-unti nang nangyayari. I am spending more time on Lex kasi imbes na sa kanya. Ni rarason ko lagi kay Mira na para lang ang lahat sa laro pero sa puso ko hindi na laro ang mga iyon. Lagi na kaming nag-aaway ni Mira dahil kay Lex.
"Nakabwesit lang Adam na nakikita ko kayo nang bakla na iyon na naglalambigan. Naiinis ako. Nagagalit sa baklang iyon. Kaya please lang Adam. Tigilan mo na iyan. Tapusin mo na ang laro na iyan." Umiiyak na wika ni Mira.
Agad ko siyang dinaluhan at niyakap. Pagkatapos kong pakalmahin si Mira ay umalis ako sa condo niya at dinala ako nang paa ko sa apartmentni Lex. At sa unang pagkakataon ay doon ako natulog sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
BEWITCHED 1 (BL)
General Fiction(Former title: My Boyfriend's Father) BxB • SPG Disclaimer: This is written in Taglish. Read at your own risk. Highest Rank Achieved #1- boyxboy (February 27, 2022) #1- boyxboy (March 9, 2022) #2- pinoy (March 11, 2022) #1- pinoy (Marc...