Part 7

15.4K 434 126
                                    

7

Lex POV

Bitbit ko ang bigat ng dibdib at sakit na tinakbo ang pabalik ng pinasukan namin. Bumubuhos ang luha ko ng walang tigil. Sige ako sa pagpunas nung mga luha ko kaso patuloy sa pagdaloy na parang gripo na nang tubig ang mga luha ko. Di alintana ang mga taong nababangga ko. Iyong iba minura ako pero wala na akong pakialam.

Nang tuluyan na akong makalabas ay napatigil ako sa pagtakbo dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Sumilong ako pero hindi iyon nagsapat. Nababasa ang sapatos at pantalon ko sa ulan. Biglang umihip ang malakas na hangin dala ang ulan kaya pati ang mukha ko ay nabasa. Sige ako sa pag-iyak at paghagulgol. Hindi ko matanggap. Hindi naman siguro si Adam iyon, 'di ba? Hindi naman iyon magagawa ng boyfriend ko, 'di ba? Mahal ako ni Adam kaya hindi niya iyon magagawa sakin, 'di ba? Hindi niya kayang humalik sa iba kasi nandito naman ako.

Niyakap ko ang katawan ko na nabasa nang ulan. At umupo saka binaon ko ang mukha ko sa tuhod ko at nagpatuloy sa iyak. Pilit kong pinaniniwala sarili ko na hindi iyon magagawa ng nobyo ko. Pero ang eksena kanina na sobrang presko pa sa mga mata ko ay pili na pumapasok sa isip ko. Na para bang sinasampal sa akin ang kataksilan ni Adam.

Naaninag ko ang mga taong dumadaan sa harap ko at wala akong paki kung para na akong basang sisiw dito sa tabi.

"Lex." rinig kong tawag nina Mill at Jas.

Mabilis akong tumayo at pinunasan ko ang mukha ko kaso di tumitigil ang luha ko sa kaka-agos.

"O-Okay l-lang ako." Una kong anas sa kanila kahit na di naman nila akong tinanong.

The three of them looked at me with their sympathetic eyes. I hate it! I hate it kasi parang sinasabi nila sa akin na totoo ang nakita ko kanina.

"H-Hindi iyon m-magagawa ni A-Adam sa akin, Mill." Parang nakikiusap kong saad kay Mill na naunang humakbang papalapit sa akin at di alintana ang ulan na bumubuhos. Nagpabasa rin siya.

"Lex." si Mill at niyakap ako.

Pumikit ako nang maramdaman ko ang yakap ni Mill sa akin. Kumapit ako sa damit ni Mill na unti-unti nang nababasa sa ulan. Humagulgol ulit ako sa balikat ni Mill na parang bata.

"Everything will be okay, Lex." alu ni Mill at hinagod ang likod.

Kumalas ako sa yakap namin. "Mill s-sabihin mo. H-hindi si Adam iyon, 'di ba? Hindi n-naman iyon ang b-boyfriend ko, di ba? M-mahal ako ni Adam kaya di niya naman iyon magagawa sa akin, 'di ba? Busy sa school si Mill kaya alam ko nandun lang siya sa bahay nila at gumagawa ng-"

"LEX!"

Nakatalon ako sa sigaw ni Jas. Nakikita kong halis puputok na ang ugat sa leeg ni Jas sa pagpipigil.

"Hindi mo ba talaga nakita iyon?! Ang putang*nang boyfriend mo iyon, Lex! Si Adam Descartin iyon! H'wag mong ginagawang tanga ang sarili mo, Lex! Hindi ka ganito!" bulyaw sa akin ni Jas na kina-iyak ko ng husto.

"Tang*na naman, Jas. Dahan-dahan naman d'yan sa pananalita mo! Nasasaktan na nga iyong tao eh." argumento ni Mill kay Jas.

"Mill! Alam mo naman noon na may duda na ako kay Adam, 'di ba? Pero ipinagwalang bahala ko iyon kasi mahal ni Lex. Gusto ni Lex. Gusto ng kaibigan natin kaya support-support ako—tayo. At oo naniwala ako na maayos siya dahil sa ipinapakita niya sa kaibigan natin pero iyong kanina! Jusko! Naglalap-lapan na iyon, Mill! May kumandong panghitad! At halata namang gustong-gusto ng gagò!"

"My god! Jas! It's not the right time to talk about that. Let's comfort Lex and Ed for now. Both of them need us." Mill.

"Mill, Lex need you—us the most. Ako alam ko naman kasi na hindi na talaga maayos ang relasyon namin ng jowa ko... pero si Lex. He didn't see this coming. We didn't see this coming either." si Ed.

BEWITCHED 1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon