Part 10

15.6K 475 120
                                    

10

Lex POV

"Bat ninyo ako iniwan!?" Pagalit kong saad sa mga kaibigan ko. Hinabol ko na sila dito sa canteen. Iwanan ba naman ako doon.

Ngumiting aso sila sa akin.

Nginiwian ko naman sila saka umupo. Nilagay ko sa table ang malaking bulaklak na binigay ni Amos kanina at nilapag ko na rin iyong cookies.

"Nasaan ang suitor moooo!" Pang-aasar sa akin ni Ed at nagsikuhan pa silang dalawa ni Jas. Inusisa pa nila ang bulaklak at walang pahintulot na binuksan ang cookies.

"P-Pinauwi ko na." Nautal kong saad. Di pa rin talaga ako sanay. Dalawang buwan na akong nililigawan pero di pa talaga ako nasasanay na nanliligaw sa akin si Amos.

M-Matanda siya sa akin. Halos doblehin na niya ang edad ko. Pero kahit na ganun kinikilig naman ako. Panay kasi punta niya sa apartment ko. Nakikipag-usap lang saka umaalis. Kinukumusta ako. Tinatanong niya kung ayos lang ba ang araw ko. May problema ba ako sa school. Mga ganun ang ginagawa ni Amos.

Akala ko mapapagod siya paglipas ng ilang araw sa ganoong sitwasyon kaso nag buwan na lang at hanggang ngayon nanatili pa rin siya sa tabi ko. Di pa rin siya nagsasawang sabihin na mahal niya ako kahit na di ko magawang sagutin iyon. Alam kong di tanong ang salitang 'I love you' pero alam ko rin naman na naghihintay ng sagot si Amos sa akin.

"Oii! Namumula siya. Kinikilig ang bakla!" asar ni Ed sa akin na mas kinapula ng pisngi ko.

Sinamaan ko siya ng tingin kaso mas inasar lang ako.

"Tang*na! Anong anting-anting meron ka Lex at nakabingwit ka ng isang Diyos na tulad ni Amos? Jusko! Pustahan tayo. Malaki din ang ulo nun sa baba!" Bulaslas ni Jas na kinalaki ng mata ko.

"J-Jas!" Untas ko na parang hiningal. Ang bulgar talaga nito kahit kailan! Nakakainis!

"Oh, bakit? Pa-inosente ka. Jusko pag ikaw Lex na ano ni Daddy Amos mo naku! Ihanda mo ng mabuti ang butas mo't lalaspagin ka talaga nun. Iba pa naman ang sex drive kapag mature na." Walang hiya-hiyang anang ni Jas sa akin.

"Hindi ko pa nga sinasagot ang t-tao!"

Sinundot ako ni Mill sa aking tagiliran kaya tiningnan ko siya ng masama.

"San ba tutungo ang panliligaw ni Amos sa'yo? Wag mong sasabihin na ba-basterin mo?"

Kumurap ako. Simula nang ligawan ako ni Amos di talaga sumagi sa isipan ko na ayawan siya. Hindi kailanman dumaan sa isip ko na i-turn down siya.

"Sabihin mo, Lex. Wala ka pa rin bang nararamdaman for Amos? Kasi kung wala talaga, Lex. Komprontahin mo na ang tao. Baka kasi umasa pero wala rin naman. Mas mabuti nang maaga pa putulin mo na kung wala ka talangang feelings." payo ni Mill.

Nakita kong natigilan sa pag-giggle sina Jas at Ed at hinihintay din ang maging sagot ko.

Paano ko ba hindi magugustuhan si Amos? Siya na ata ang lalaking nagpakita sa akin nang lahat. Napaka-pasensyoso. Ang haba ng pasensya niya. Nakapa-romantic. Matanda man siya pero nakakasabay siya sa akin. Parang alam niya ata lahat ng gusto ko. Mula sa pagkain, desert, at kung ano pa. Siguro alam niya rin gamit kong sabon!

Amos makes my heart skipped a beat. It beat for him already. It beat for his gentleness, his in patience for me, his care for me. He even sacrifices some of his time just to keep me company. Kaya paano ko di magugustuhan ang isnag tulad niya. Tingin ko nga ay napakadaling nakuha ni Amos ang puso ko.

"G-Gusto. Gusto ko naman siya."

Sabay ang tatlo kong kaibigan na napaimpit nang sigaw sa naging sagot ko.

BEWITCHED 1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon