3
Lex POV
"Lex." Usal ng lalaking nasa labas ng pintuan ko.
Nang mahimigan ko ang pamilyar na boses ni Adam ay agad akong tumungo doon sa pintuan. At pinagbuksan ko ng pintuan si Adam.
Nagulat ako nang makita ko siyang namumungay ang mata at parang pagod.
"Adam."
"Can I stay here just for tonight, potato?" aniya.
Napalingon ako sa higaan kong maliit at iyong sahig. Siguro sa sahig na lang ako nito matutulog ngayon. First time ito na dito matutulog ni Adam sa apartment ko. Bumibisita siya sa akin dito pero di naman siya natutulog. Umuuwi rin kasi siya.
"Oh, sige. Pumasok ka." ako saka niluwagan ko ang pintuan.
Pumasok si Adam saka ko sinara ang pintuan. Nakita kong natigilan si Adam nang makita ang box ng cookies doon sa maliit kong study table. Gusto ko mang itago iyon kaso huli na dahil nakita na ni Adam.
Lumingon siya sa akin. "Potato, I want to take a shower."
Lumapit ako sa kanya.
"Walang shower dito, Adam. Tabo-tabo lang."
Napatango siya.
"Yeah. I forgot."
"Pero kung gusto mo maligo ipaghahanda ki-"
"No need, Lex. Maghuhubad na lang siguro ako para makatulog agad."
Uminit ang pisngi ko sa sinaad ni Adam. Maghuhubad siya at kami lang ang nandirito.
"M-Maghuhubad ka?"
"Just my shirt and my pants." Natatawang wika niya at piningot ang ilong ko na kina ungot ko. "You are thinking of something naughty aren't you?"
Nginusohan ko lang siya.
"Sahig na lang siguro ako matutulog, Adam. Tapos ikaw na d'yan sa kama." ako saka pinagpag ko ang kama na hinigaan kanina.
Naistatwa ako nang maramdaman ko si Adam sa likuran ko at niyakap niya ang kamay sa baywang ko.
"Adam."
"Let's just share."
"Maliit ang kama." rason ko.
Binaon ni Adam ang kanyang mukha sa nuknok ng leeg ko.
"It's okay. We will fit."
Kinuha ko ang ulo ni Adam sa leeg ko saka humarap ako sa kanya. Agad niya rin naman binalik ang pagkakayakap ng kamay niya sa aking beywang. Walang hirap niya akong binuhat saka pinaupo sa hita niya. Adam slid his hands inside ny shirt and he then rubbed his palm on my back. Fingers drawing circles. Nakikiliti ako.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya at sinapo ko ang mukha niya gamit ang dalawang kamay ko.
Pumikit siya at binaon ang mukha sa dibdib ko habang ang mga daliri sa likod ko ay patuloy sa pagguguhit ng maliliit na bilog.
"Nothing. It's just that... I'm tired, Lex. I'm tired." bulong niya doon sa dibdib ko.
"Then, magpahinga ka." ako naman saka sinuklay ko ang buhok niya.
Tumango siya doon kahit na ang ulo ay nakabaon pa rin sa dibdiban ko.
Uminit ang pakiramdam ko nang maramdaman ko ang ulo ni Adam na gumalaw saka dahan-dahan na gumalaw patungo pataas ang ulo niya hanggang sa leeg ko at hinalik-halikan niya ang exposed kong balat.
BINABASA MO ANG
BEWITCHED 1 (BL)
General Fiction(Former title: My Boyfriend's Father) BxB • SPG Disclaimer: This is written in Taglish. Read at your own risk. Highest Rank Achieved #1- boyxboy (February 27, 2022) #1- boyxboy (March 9, 2022) #2- pinoy (March 11, 2022) #1- pinoy (Marc...