Part 9

15.8K 490 146
                                    

9

Lex POV

Halos di ko maidilat ang mata ko nang magkamalay ako. Namimigat ang takip mata ko at nakakasilaw din ang puting ilaw na nasa ceiling. Squeezing my eyes shut before I took another, try to open my eyes. At first, my vision was blurry. I rubbed my eyes using the back of my hands as I tried to get up from the bed.

Napatalon ako nang may kamay na sumuporta sa likuran ko at humawak sa kamay ko upang tulungan ako sa pagbangon.

"T-Tito Amos..." munting wika ko dahil di ako makapaniwala na nandirito siya ngayon sa tabi ko at inalalayan ako.

"How are you feeling?" Malamanay niyang tanong sa akin at umupo sa silyang nasa tabi ng hospital bed.

My eyes darted on his calloused, big, and veiny hands that never left mine. Nagmumukhang kamay ng bata ang kamay ko kumpara sa kanya.

Wala atang balak si Tito Amos na kunin ang kamay niya sa akin kaya ako na mismo ang humila sa kamay ko.

Tito Amos jaws clenched.

"O-Okay lang po ako. Salamat po sa pagdala sa akin dito pero kailangan ko na pong u-umalis." Ani ko saka kinuha ko ang kumot sa katawan ko at bababa na sana ako nang hawakan ni Tito Amos ang binti ko at napa igik ako doon. Para kasing may kuryenteng dumaloy sa ugat ko nang mahawakan ni Tito Amos ang balat ko.

"Kakagising mo lang, Lex. Tell me. Bakit di ka kumain? Is it because you're stress? Tell me." Parang demand na niyang wika.

"B-Bakit ko po sasabihin sa inyo? Ano ba po tayo? Wala po kayong obligasyon sa akin..." bulong ko.

Tito Amos green eyes blinked.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanyang mukha. Bakit ganito siya sa akin? Ginamit lang naman ako ng anak niya—ay hindi pala sa pagkakaalala ko hindi niya pala anak si Adam. Anak lang ito stepsister niya.

Napalunok ako nang pumasok sa isip ko ang mga narinig ko mula kay Adam. Ayaw kong tanggapin lahat ng iyon. Ayaw kong maniwala sa mga pinagsasabi ni Adam. Pero.. tama na ito. Tama na itong pagloloko ko sa sarili ko. Sa bibig na mismo ni Adam iyon nanggaling. Na ginamit niya lang ako. Ginamit niya lang ako para makaganti kay Tito Amos.

I was just a piece in his own game. He used me. He played with my emotions. He used my feelings. He preyed on my weakness. And I was such a fool for believing what I saw in front of me. Naniwala ako. Nabulag ako sa kaisipang may magmamahal sa akin kahit bakla ako. Naniwala ako sa sariling kaisipan na may magseseryoso sa akin kahit laking orphan ako. Ang bobo ko.

Humagulgol ako at tinakpan ko ang dalawang mata na masaganang umaagos ang mga luha. Napakasakit. Ang sakit-sakit ng ginawa ni Adam sa akin. Para niya akong pinatay ng dahan-dahan. Para niya akong sinaksak sa mga salita niya.

"Lex." boses ni Tito Amos saka may kamay na kumabig sa akin saka niyakap ang maliit kong katawan. "Ssshh!"

Ang kamay ni Tito Amos ay sinusuklay ang buhok ko at ang isa naman ay hinahagod ang likod ko.

"I'm sorry, Lex. I'm so sorry for what Adam did. I'm sorry... I feel like I dragged you in this situation. I am so sorry, Lex." Tito Amos soothed me.

\\\

Hindi nakatakas kina Mill, Jas, at Ed ang nangyari sa akin. Pagkatapos kong mag-stay ng ilang hours doon sa hospital ay hinatid ako ni Tito Amos sa apartment ko. Hindi ko siya inusisa kung papaano niya nalaman kung saan ako tumutuloy. Hindi ko rin siya inimik.

Tingin ko ay naipit ako sa galit ni Adam kay Tito Amos. Galit ako kay Adam. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang makita nang hindi nasasampal o mausuntok. Masakit at di ako pinapatulog ng ilang gabi at umiiyak ako nang hating-gabi dahil sa nangyari sa amin.

BEWITCHED 1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon