20
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Trigger Warning! Below may contains violence. If you are sensitive about the topic, please, don't proceed any further. Thank you!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Lex POV
"Living with my dad, ha." patuya ni Adam.
Sa kabila ng panginginig at pangangatal ng labi ko ay bumaba ako sa hagdanan ng tuluyan. Halos di na ako makahinga ng maayos sa malakas sa alpas ng dibdib ko. Hindi ko mawari kung bakit ganito na lang kalakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ko si Adam.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko at nagpasalamat ako na di ako nautal sa kanya.
Ngumisi si Adam at hinaplos ang kanyang baba at malagkit akong tiningnan. Nagtitindigan ang balahibo ko sa paraan ng pagtitig ni Adam sa akin. Ano bang ispiritu ang sumapi sa kanya? Bakit ganito siya?
"Why are you asking me, Lex? I have the right to be here because this is where I lived." saad niya at natawa. Para bang may nakakatawa sa kanyang sinasabi.
Lihim kong kinuyom ang kamao ko dahil pinagpapawisan na rin ako ng malamig. Kakaligo ko lang at kakabihis dahil papasok na ako sa school.
"Oo nga naman. Feel free. Aalis na rin naman ako dahil may pasok pa ako." Wika ko at tamalikod pero napatigil ako nang magsalita ulit siya.
"You're my father's boyfriend now, Lex. Tapos ganyan mo ba babatiin ang anak ng-"
Tumagis ang bagang ko at muli siyang nilingon.
"Pumunta ka ba dito Adam para mang gagò?" Nagpipigil na akong h'wag sumigaw sa kanya.
Ngumisi na naman siya.
"What? What's wrong, Lex? Totoo naman ang sinabi ko. Pagkatapos sa akin. Dun ka na naman sa dad-"
"PUTANGÎNA MÒ, ADAM!"
Nanlaki ang mata niya dahil sa sigaw ko.
"Lex-"
"Saan mo ba nilagay ang utak mo, Adam? Where the héck is you logic? Talaga bang na bòbò ka na? Bakit ba paulit-ulit ka nang sinabi? Bakit lagi mong binabanggit iyang nakaraan? Move the fùck on, Adam. Walang na tayo! Ay, hindi! Wala palang tayo sa simula dahil parte lang ako ng laro mo! I was just a piece in your own little game! Kaya tigilan mo na yang kahibangan mo, Adam! Pakiusap, nanahimik na ako. Masaya na ako. Sobrang saya ko na simula nang mawala ka kaya naman tigilan mo na ito Adam."
Yumuko si Adam at akala ko ay wala na iyon. Kaso napakurap-kurap ako nang bigla siyang tumawa na parang demonyo.
Napalunok ako nang makita ko ang nandidilim na mukha ni Adam. Kumukuyom na ang panga niya at ang ugat sa leeg ay halos puputok na.
"Masaya ka na?" Natatawang ani niya.
"Oo, masaya na." Matapang kong sagot sa kabila ng malakas na kabog ng dibdib ko.
"Nung tayo naging masaya ka naman, d'i ba?"
Napailing ako sa kanya. Why is he keep on talking about the past? Can't he move on? It's been months. Jusko!
"Hindi ko alam. Di ko matandaan kong naging masaya ba ako sa piling mo kagaya ng nararamdaman ko ngayon kasama si Amos."
Pumikit si Adam at tumingala bago tumawa. Nababaliw na ang lalaking ito.
Mabuti at dala ko ang cell phone ko kaya naman kinapa ko iyon sa bulsa ko. Nanginginig iyong kamay ko at mabilis kong kinuha ang cell phone at di pa ako makatipa ng maayos dahil sa panginginig ng mga kamay ko. Nagtipa na ako ng message kay Amos na nandirito sa bahay si Adam kaso nang ise-send ko na sana ang mensahe ay may biglang humablot sa cell phone ko.
BINABASA MO ANG
BEWITCHED 1 (BL)
General Fiction(Former title: My Boyfriend's Father) BxB • SPG Disclaimer: This is written in Taglish. Read at your own risk. Highest Rank Achieved #1- boyxboy (February 27, 2022) #1- boyxboy (March 9, 2022) #2- pinoy (March 11, 2022) #1- pinoy (Marc...