4
*****
Beware of POV switching below.
*****Lex POV
Sa di inaasahan nang dumating ang linggo ay biglang nagpatawag ng emergency meeting ang aming Research leader. Nagkita-kita kami sa isang coffee shop at doon napag-usapan namin ang konting naiba at na dagdag sa aming research.
Nang matapos kami ay hapon na at doon ko pa rin na-asikaso ang cellphone ko dahil sa abala kanina.
Nakita ko ang dalawang message sa akin ni Adam at agad ko naman iyong binuksan.
From: Adam
Pupuntahan kita sa apartment mo, Lex.From: Adam
Lex?Nagtipa ako ng reply ko kay Adam.
To: Adam
Adam, sorry ngayon ko lang nakita ang message mo. Nabusy ako dahil may meeting kami ng mga kagrupo ko. Wala na ako sa apartment ko. Nasa coffee shop ako sa ***Pagkasent ko noon ay agad na nag-ring ang cellphone ko. Tumawag si Adam.
"Hello, Adam." mahinang sagot ko. nandirito pa rin kasi kami ng mga kagrupo ko sa coffee shop at nagtitipa ang isa sa kasamahan ko.
"Pupuntahan kita d'yan, Lex."
Napatingin ako sa mga ka-grupo ko na nakatingin sa akin.
"Eh, Adam kasi di pa kami tapos."
"I can wait."
Ngumuso ako.
"I-Ikaw bahala."
"Sige ibaba ko na 'to. Aalis na ako para puntahan ka dyan."
Nang maibaba ko ang cellphone ko ay sinara ng kasamahan ko ang laptop niya.
"Boyfriend mo, Lex?" ang leader namin.
Tumango ako.
"Naks ang sweet ah."
Hilaw akong napangiti at pinamulahan sa mukha.
Ilang minuto ay pumasok na si Adam doon sa pintuan ng coffee shop at agad na luminga. Tipid kong itinaas ang kamay ko upang makuha ang kanyang atensyon.
"Shocks! Ang gwapo."
"Tang*na. Lalaki pa ang dating sa akin."
"Sanaol, Lex."
Mga bulong ng mga kagrupo ko nang ngumiti si Adam sa akin at saka naglakad tungo sa mesa namin.
"Tapos na kayo." si Adam nang makalapit at hinawakan ang balikat ko.
Akmang sasagot na ako nang naunahan na ako ng leader namin.
"Oo papauwi na kami."
Nanlaki ang mata ko sa kanya. Di pa kami tapos!
"Great. Let's go, Lex." si Adam.
///
Hila-hila ni Adam ang kamay ko hanggang sa makalabas kami ng coffee shop. At binitawan niya ang kamay ko nang ibigay niya sa akin ang isang half-helmet.
Matapos kong isuot iyon ay umangkas na ako sa motor niya kung saan siya nakasakay. Niyakap ko ang beywang niya. Ngayon pa talaga niya ako ipapakilala na naka-shorts lang ako.
"Adam parang ayaw ko nang tumuloy." Wika ko habang yakap-yakap ang baywang ni Adam.
Naka-angkas na ako sa BMW niya na motorcycle. Suot ko na ang half-helmet na binigay niya sa akin at siya naman ay nagsusuot pa ng kanyang sariling hemet pero naka-andar na ang makina ng motor niya.
BINABASA MO ANG
BEWITCHED 1 (BL)
General Fiction(Former title: My Boyfriend's Father) BxB • SPG Disclaimer: This is written in Taglish. Read at your own risk. Highest Rank Achieved #1- boyxboy (February 27, 2022) #1- boyxboy (March 9, 2022) #2- pinoy (March 11, 2022) #1- pinoy (Marc...