Part 1

25.1K 535 99
                                    

1

Lex POV

Maaga kaming pinakawalan ng teacher namin sa Understanding Culture, Society, and Politics dahil may meeting ang lahat ng guro para sa upcoming school intramurals. Iyon ang inanunsyo ni Ma'am kanina kaya maagang nagsilabasan ang mga estudyante sa school namin.

Nilinis ko ang desk ko saka ko sinilid sa bag ang notebook, intermediate pad, ballpen at liquid eraser ko. Pagkatapos ay kinuha ko na rin sa bag ko ang aking compack mirror. Syempre nag-aayos ako sa sarili ko. Partikular na sa mukha ko dahil ang gwapo ng boyfriend ko; matikas, neat kung magdamit o sadyang bumabagay lang talaga kay Adam ang nga sinusuot niya tapos kilala rin si Adam sa school nila dahil soccer player siya doon. Maraming taga hanga at... maraming naghahabol. Pero sa akin pa rin bumagsak ang isang Adam Descartin.

Maingat akong naglagay ng bulbo sa mukha ko at naglagay na rin ako ng konting lipgloss sa labi ko na ang tuyo tingnan. Nakakahiya sa lips ni Adam na mapula at mala-pana ni Kupido ang hulma.

"Nag-aayos. Magkikita kayo ni Adam?" tanong ni Mill.

Si Mill ay bakla rin. Actually, apat kaming bakla sa section namin. Ako, si Mill, Jas, at Ed. Si Mill na lang ang natira dito sa classroom siguro dahil busy na rin sa kani-kanilang love life iyong ibang mga bakla.

"Oo. Pero ako kasi ang pupunta roon sa school nila kasi may ginagawa pa raw siya." Kwento ko kay Mill at nang ma-satisfy na ako sa mukha ko. Nang magmukha na akong tao ay mabilis kong niligpit ang nga gamit ko at tumayo.

"Sasama ka ba sa akin Mill?"

"Hindi na, Lex. Wala naman susunduin o kikitain doon sa school nila Adam. Kaya nga sabi ko sa'yo iparito mo ako d'yan kay Adam doon sa mga kapwa soccer player na kagaya niya. Iyong halatang daks like Adam." Kinikilig na turan ni Mill habang binabaybay namin ang hallway ng fourth floor.

Napangiwi ako kay Mill.

Sa totoo lang matagal na kami ni Adam. Napupunta si Adam sa apartment ko at kami lang dalawa pero ni isang beses walang nangyari sa amin. Hindi naman sa nag-a-anticipate ako pero hanggang halik lang si Adam. Halik sa pisngi, ilong, noo, kamay, at sentido. Iyan lang ang mga lokasyon ni Adam kapag hinahalkan niya ako.

Isang beses nga ay natanong ko siya kung naakit din ba siya sa akin. O gusto nita ba na humagpas kami doon sa halik-halik lang.

"Hwag muna sa ngayon, Lex. Makakaantay ako. Kisses are just enough for me." Iyan lang ang sinagot ni Adam sa akin. Syempre kung tingnan ako ni Adam ay parang babae talaga na takot mawala ang pagkabirhen ko. Imbes na maghimutok ako sa kanya ay kinilig ako dahil sa pagtingin sa akin ni Adam.

"Naku. Hanap ka nang hanap ng daks, Mill. Kaya ka napag-iiwanan sa grupo, e." Biro ko pero sa katunayan ay si Mill talaga ang walang lovelife sa aming apat. Sinampal ni Mill ang balikat ko.

"Ah, basta iyong kagaya ni Adam. Hot at mukhang rough din sa bed, Lex. Naku ka. Pag iyang si Adam ma-ano ka na naku, Lex sinasabi ko sa'yo 'di ka makakatayo d'yan."

Pinamulahan ako sa mukha ko dahil sa sinasabi ni Mill. Naiisip ko rin kasi iyong mga sinasabi niya. Oo nakita ko na ang katawan ni Adam. Malaki, matipuno, at hulmado dahil athlete. May pagka-moreno pa. 'Di ko man nakita ang kargada ni Adam ay alam kong malaki iyon. Mahaba din. Kasi kapag nasa apartment kami nagb-boxers lang siya at bumabakat iyong sa kanya.

"'D-Di naman siguro, Mill." Kinabahan na tuloy ako.

"Haha. 'Di mo lalaman kapag 'di mo natikman first-hand, Lex."

Nakalabas kami ng school ni Mill na ang topic namin ay tungkol sa daks at nauwi sa panonood ng mga R18 vids sa twitter. Sinabi ko kasi sa kanya na wala akong experience sa mga ganoon at hanggang halik pa lang kami ni Adam. Kaya ayon nagsuggest sa akin ni Mill ng mga video at may ipapasa pa raw siya sa akin na nakakatirik daw sa mata.

Pagdating ko sa labas ng school nila Adam ay nag-text ako sa kanya.

To Adam❣: Nandirito na ako sa labas ng school ninyo. Sa may waiting shed ako maghihintay. 'Di pwede pumasok ang mga outsider.

Ilang minuto ko ring hinintay si Adam na magreply. Siguro nga ay busy ito.

From Adam❣: Okay, babe. Malapit na kami matapos dito. 🥰😘

Para akong baliw dito sa waiting shed na nasa harap ng school nila Adam dahil tumatawa na akong mag-isa. Ang cute lang kasi noong emoji na s-in-end ni Adam sa akin.

Dati 'di talaga gumagamit ng emoji si Adam at isang beses biniro ko siya na wala ba siyang emojis sa phone dahil ang bland ng nga texts niya dati. Tapos nagulat ako dahil 'di daw talaga siya gumagamit noon. Sinabi ko sa kanya na nakakadagdag emosyon iyong emojis kaya simula noon naglalagay na siya ng emojis sa mg reply sa akin.

Ilang minuto akong naghintay kay Adam sa waiting shed at nang makita ko na may mga estudyante na nagsilabasan mula sa kanilang school ay tumayo ako at inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko sa aking balikat.

I am only in my Senior High years while Adam is in his college years—  second year college to be specific. With our conflicting schedules sa aming pag-aaral we were still able to meet every now and then.

At ang ganitong senaryo na hinihintay ko si Adam ay 'di na bago pero sa school ako namin naghihintay unlike ngayon na pumunta talaga ako rito. Pero kadalasan ay si Adam talaga ang pumupunta sa school namin. Ewan ko sa kanya ayaw niya kong papuntahin dito. Ngayon lang.

Ang pagka-excite ko na magkita si Adam kahit na nagkita naman kami kahapon ay nawala na parang bula sa hangin nang makita ko na may kamay na nakasukbit sa kanyang braso.

Nawala ang ngiti ko at naningkit ang aking mga mata saka ko pinukol ng matatalim na tingin si Adam kasama ang isang babae na C-cut iyong buhok, maputi at hanggang balikat ni Adam.

Nang makita ako ni Adam sa waiting shed ay agad niyang kinuha ang kamay noong babae sa braso niya at nag-jog tungo sa akin.

Agad niyang hinawakan ang braso ko at winaksi ko naman iyon.

"Babe," aniya.

Salubong ang kilay ko at tinikom ko ang bibig ko.

"You're jealous?" Dagdag niya pero 'di ako umimik.

"Tch! She's my classmate. Mira ang pangalan niya. Siya iyong kapartner ko sa isang subject namin, sa Thermodynamics-Lab namin."

Humaba ang nguso ko. "Eh, bakit nakakawit ang kamay sa braso mo?" nakangusong saad ko. I tried to look anywhere but my eyes will always find its way to his handsome face.

Ngumisi siya at biglang kinurot ang mukha ko na kinasigaw ko.

"Adam!"

"Damn it, babe. You look more adorable when jealous. Your face really looked like potato, babe." Natatawang turan ni Adam sa akin kaya naman sinampal ko ang dibdib niya pero tumawa lang ang boyfriend ko.

"Nag-experiment kami. She's just trying to elaborate things mula doon sa experiment na ginawa namin kanina. Nothing more." paliwanag ni Adam.

"Talaga?" May pagdududa kong tanong.

Hinalkan niya ang pisngi ko bago saglit na ninakawan ng halik ang labi ko.

"Yes, potato." sagot niya. "Now, hug me. I miss you."

Ngumuso ako bago siya niyakap. Nilanghap ko kaagad ang panlalaking amoy ni Adam. Naramdaman ko ang paghalik niya doon sa tuktok ko.

"Don't wear liptint, potato."

Dumistansya ako ng konti sa kanya at tiningala. "Anong liptint? Lipgloss lang nilagay ko, Adam."

"Whatever that thing is. Basta h'wag kang maglagay. I like your bare lips than with those tints-tints."

"Opo." Natatawang sagot ko.

"And your cologne. Bumili ka ng bago?"

Napangiti ako na pati bango ko ay alam ni Adam.

"Juicy cologne iyan. Iniwan ko na ang Johnson."

"Hmm. Juicy cologne smells good on you." Aniya bago ako hinila tungo doon sa kanyang BMW.

BEWITCHED 1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon