PART 19

11.6K 385 26
                                    

19

Lex POV

Matapos kong sigawan si Adam ay umalis siya ng coffee shop na hindi man lang ginalaw ang coffee niya. Wala rin naman akong paki doon kasi bayad na naman. Nanginginig ako. Nanginginig ang kalamnan ko sa galit. Pakiramdam ko kulang ang ginawa kong mag-asawang sampal sa ginawa niyang pang-uuto sa akin. Gusto ko ingud-ngod ang pagmumukha niya sa rough road sa labas.

Huminga ako nang malalim at saka ko tiningnan ang coffee na inorder niya. Hindi talaga coffee ang sinadya niya dito. Ako ang sinadya niya dito. Sinadya niya ako dito para pagmukhain akong pùta. Mabuti na rin iyon dahil nasigawan ko na siya sa lahat ng dapat niyang malaman. Para na rin malaman niya ang pagkakamali niya. Ang kagaguhan niya.

May pa sabi pa siyang may feelings ako sa kanya? Jusko! Anong akala niya? Di ko siya kayang kalimutan? Akala niya ba wala nang pupulot sa akin? No one knows myself except me. And I know who I want. I know what my heart want. My heart only knows one person and that is my boyfriend, Amos.

"Bakla?!" Halos mapatalon ako nang may biglang yumakap sa akin galing sa likod.

Kinuha ko iyong kamay na nakayakap sa akin at lumingon ako. Nakita ko si Jas, Mill, at Ed. Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa nila dito?

"Magco-coffee kayo?" tanong ko sa kanila.

Sabay silang umiling at nilapitan ako ni Mill.

"Sinaktan ka ba ni Adam?"

Nanlaki ang mata ko. Papaano nila nalaman na nagkita kami ni Adam?

Jas sighed. "Ate Judy, call me na may nakasagutan ka daw dito. Tapos narinig ko sa linya ang sigaw mo bakla. Kaya agad kaming pumunta dito para rin sana rumesbak."

Napatawa naman ako. Laking pasalamat ko talaga na nakilala ko sila. Magka-iba man kami ng buhay. Magkaiba man ang mundong kinalakihan namin. Magkaiba man nagisnan naming buhay. Nararamdaman ko pa rin talaga ang pagmamahal at pagmamalasakit nila sa akin. Hindi ko kailanman naramdaman na iba ako sa kanila. Sila iyong mga kaibigan na for keeps na.

"Umupo muna kayo." si ate Judy sa amin.

Nag-order si Mill ng maiinom namin at pinapahinga na rin ako ni ate Judy.

"Ate bakit niyo naman po tinawagan si Jas." anang ko kay ate Judy nang ihatid niya iyong drinks namin.

Bumuntong hininga si Ate Judy.

"Ilang buwan ka nang nagtatrabaho dito sa coffee shop ko Lex pero never kitang nakita na nagalit at sumigaw ng ganoon. Nagulat ako at nag-alala ako nang makita ko kung sino ang kaaway mo. Malaking tao at nag-alala ako na baka masuntok ka noon kaya naman nimabuti ko nang tawagan si Jas." paliwanag ni Ate.

Pinisil ni ate Judy ang balikat ko.

"Lex, kayong mga nagtatrabaho sa akin ay para ko na kayong mga nakakabatang kapatid at ayaw ko na may mangyaring masama sa inyo. Ayaw ko na may naapi sa inyo."

Ngumiti ako kay Ate Judy.

"Salamat, ate."

"Hm, walang anuman. Sige na may customer na." paalama ni Ate.

Binalingan ko silang apat na parang mga uwak ang mata na nakatingin sa akin. Alam ko kung bakit sila ganito. Gusto nila ng detalye kong ano ang nangyari kanina. Huminga ako ng malalim saka hinawakan ko iyong drinks ko at sinimulan ko nang magkwento sa kanila. While I am narrating the scene earlier. I saw how Mill's hand clenched on the table. Ed is intently listening to me at parang may hinihintay sa kwento ko. Samantalang si Jas naman ay panay ang mura. Panay ang tawav niyang bòbò si Adam na sinang-ayunan ko naman.

BEWITCHED 1 (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon