Kabanata 1

3.6K 101 15
                                    


Hinanda ko na ang sarili ko upang makapasok na sa paaralan. Ito ang unang klase namin at ito rin ang unang pagtuntong ko sa highschool.

Inayos ko ang bag ko at lumabas na sa kwarto, nakita ko naman si Nanay na hinahanda na ang pagkain namin.

"Kain kana, maaga akong aalis ngayon papuntang mansion. Sabay na tayo." sabi niya.

"Sige po."

Pagkatapos kumain ay  sabay kaming lumabas ni Nanay ng bahay. Pinagpara niya  naman ako ng trycicle.

"Ingat ka anak." sabi niya.

"Salamat Nay,ingat din po kayo." ngumiti ako sa kaniya at nagpaalam na.

Hindi naman nagtagal ang byahe at mabilis na narating ang paaralan.

"Bayad po Manong, salamat po." sambit ko at inayos na ang bag para makapasok na sa paaralan.

Humigpit ang hawak ko sa bag ko nang tingnan ang mga estudyanteng may mga kaibigan na kasama. Unang araw palang pero nagkakasiyahan na sila habang ako ay naglalakad mag isa.

"Vira!" napalingon naman ako nang may tumawag sa pangalan ko.

Tumatakbong si Madi ang nakita ko. Humahangos siyang huminto sa harapan ko.

"Akala ko sa Manila ka mag aaral?" takang tanong ko.

"Hindi, napag usapan na namin to ni Mama na dito ako sa Isla Allegra magtatapos ng pag aaral." nakangiting aniya.

"Tara na pasok na tayo!" masayang aya niya at kumapit na sa braso ko.

Akala ko loner ako ngayong taon, buti andito si Madi!

Madaming nagkalat na estudyante sa paaralan, at hinahanap ang kaniya-kaniyang mga section.

"Tara sa bulletin board Vira, tingnan natin saan ang room natin." sabi niya at kinaladkad ako papunta roon.

"Oh! Kaklase natin si Kiko!" sabi niya habang tinuturo ang pangalan ni Kiko. Si Kiko ay anak ni Manang Fey at Manong Fred, kaibigan din namin si Kiko noong elementary pa.

Pumasok na kami sa room namin at napili naming upuan ay sa likod, pareho kaming matangkad ni Madi kaya kung sa unahan kami uupo malamang ililipat lang din kami sa likod.

Marami na ang mga estudyante sa loob nang pumasok ang teacher namin.

"Good morning Class, I will be your advisor this school year.  I am Mrs. Macam, your Math teacher And bukas na kayo mag introduce pumunta muna kayo sa quadrangle para sa program." sabi niya at ngumiti sa amin bago naunang lumabas.

Umingay naman ang mga kaklase ko at nagsilabasan na rin. Tumayo na kami ni Madi at sinukbit ang bag 'tsaka  lumabas.

Maraming tao sa quadrangle nung dumating kami, nagsisimula na rin ang program. Iginala ko ang ang paningin ko sa quadrangle, malaki ang paaralan namin dito sa Isla Allegra at marami rin ang mga estudyante kaya puno ang quadrangle. May mga estudyante ring nasa canteen yung iba pakalat-kalat lang sa school.

"Vira, ang walang hiyang Kiko oh!" kinalabit ako ni Madi at tinuro sa akin si Kiko na nasa unahan habang ngumunguya ng pagkain at kandong-kandong pa ang bag niya.

"Kaya pala wala siya kanina, nauna na rito." sambit ko naman.

"Tara puntahan natin." sabi niya at nauna ng maglakad, wala na akong nagawa kundi ang sundan siya.

Nakayuko lang akong naglalakad sa likod ni Madi habang siya naman ay taas noong naglalakad. Nung marating kami sa kinauupuan ni Kiko ay mabilis niyang binatukan si Kiko dahilan ng mabulunan ito.

Taming The SeñoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon