Kabanata 7

2.1K 71 29
                                    

"How are you?" tanong ni Señorito Miguel sa akin.

Nandito kami sa garden nila ngayon.

"Okay lang naman po Señorito." nahihiyang sabi ko.

"Ikaw po? kamusta buhay college?" tanong ko at bumaling sa kaniya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Okay lang din HAHAHA."

"Wala namang hindi okay sa'yo eh, easy lang lahat para sa'yo." sabi ko pa na ikinatawa niya.

'Hindi naman."

Pareho kaming tumawa dalawa, nagkwentuhan lang kami at paminsan-minsay ay nagbibiruan.

Matapos magkamustahan at mag kwentuhan ay inaya ako ni Señorito Miguel kumain sa labas. Nahihiya man ay pumayag na ako, minsan lang naman 'to.

Hinawakan ko ang pisngi ko, kanina pa ito namumula at kanina pa ako ngumingiti sa harap ng salamin habang pinagmasdan ang kabuoan ko.

Nakarinig ako ng may nag preno sa labas kaya mabilis kong kinuha ang shoulder bag ko at tumingin pa ulit sa salamin bago lumabas.

Habang papalapit sa kotse ni Señorito Miguel ay para akong nakalutang sa ere. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na 'to.

"May nanliligaw naba sa'yo Vira?" napatingin ako kay Señorito Miguel dahil sa tanong niya.

"Wala pa po Señorito, bata pa po ako no." tanggi ko naman.

Nandito na kami sa restaurant at kumakain habang nag uusap.

"May nagustuhan kana ba?" tanong niya na dahilan ng pagkabigla ko kaya nabilaukan ako.

Mabilis niya akong nabigyan ng tubig at ininom ko naman agad 'yon.

"Hinay-hinay lang." sambit niya at tumawa.

Napatingin ako sa pagkain ko at hindi ko alam kong bakit pumasok bigla sa isip ko so Señorito Marcus.

Tumingin ako sa kaniya at nakita kong naghihintay siya sa sagot ko.

"Wala po, wala po ako no'n. Gusto ko munang makapagtapos bago ang mga bagay na 'yan." tumango-tango naman siya sa sinabi ko at ngumiti.

Gabi na nung makauwi kami ni Señorito, hinatid niya naman ako sa bahay namin.

Nung huminto ang kotse niya sa harap ng bahay namin ay lumingon ako sa kaniya upang magpapaalam.

"Maraming salamat sa araw na 'to Señorito." sabi ko at ngumiti sa kaniya.

"Sa uuulitin Vira." ngiti niya naman.

Binuksan ko na ang pintuan ng kotse niya at lumabas. Kumaway ako sa kaniya at hindi naman nagtagal ay umalis na ang sasakyan niya.

Ngumiti ako at pipihit na sana patalikod nang makita ko si Señorito Marcus hindi kalayuan sa akin. Nakatitig siya sa akin at nag umpisa na namang mag wala ang puso ko lalo na nung mag umpisa siyang humakbang patungo sa akin.

Nahigit ko ang hininga ko nang huminto siya sa harap ko.

Ilang minuto kaming nagtitigan dalawa bago siya nagsalita.

"Kapag ba inaya kitang lumabas papayag ka rin?" tanong niya.

"H-huh?" walang ibang lumabas sa bibig ko kundi 'yon lang.

Dahil sa tanong niya ay mas lalo lang kumabog ang dibdib ko.

Aayain niya ako lumabas?

Bumuntong hininga siya at umatras bago nilagay ang dalawang kamay sa bulsa niya.

Taming The SeñoritoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon