Bakit ang daya sa akin ng mundo? Sa mura kong edad bakit naranasan ko ito? Ang kinalimutan na nang Tatay, ngayon naman ay ang iwan nang Nanay dito sa mundo, at ang saktan ng lalaking mahal mo.
Nag halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon ngunit nanaig ang pagkawala ni Nanay.
Humigpit ang hawak ko sa bulaklak at dahan-dahang nilagay iyon sa ibabaw ng kabaong ni Nanay.
Hindi ko man tanggap ang pagkawala niya pero wala na akong magawa. Tumulo ang mga luha ko at napasalampak sa lupa dahil nawalan na ako ng lakas habang nakatingin sa kabaong ni Nanay na dahan-dahan ng tinakloban na ng lupa.
Naramdaman ko ang yakap sa akin ni Madi ngunit hindi ko na siya pinansin.
"Nay!" Sigaw ko. "Nanay!" Naikuyom ko ang mga kamao ko habang umiiyak.
Matapos ang lahat ay nakaupo nalang ako sa lupa at hinahaplos ang lapida ni Nanay.
Nay..pagod na pagod na ako N-nay....
"Vira, uwi na tayo. Magpahinga ka na." Narinig ko si Madi na nagsalita sa akin.
Tumingin ako sa likod ko at nakita ko silang lahat doon.
Si Señora Mathilda na galing sa pag iyak, Si Señor Anton na malungkot ang mga mata. Si Kiko, Basti At Sol na malungkot na nakatingin sa akin at ganon din si Señorito at si...si M-arcus.
"G-gusto kong mapag-isa." Paos na sabi ko.
"Pero-"
Hindi natapos ni Madi ang sasabihin niya nung magsalita si Señor Anton.
"Let her, she needs it." Sabi nito.
Ibinalik ko ang tingin sa lapida ni Nanay. Hinaplos kong muli ang pangalan niya. Narinig ko naman ang pag alis nila sa likod ko.
Emilia Veronica R. Mariano.
"A-ang d-daya Nay...ang d-daya-daya." Umiiyak kong sambit. "B-babawi pa ako s-sayo eh....m-may pangarap p-pa ako para sa a-atin."
"P-paano na ako n-ngayon?" Pinahid ko ang mga luha kong naglalandasan sa pisngi ko.
Ilang oras pa akong umiyak doon hanggang sa mapagpasyahang tumayo na.
Nang tumayo ako ay may nahagip ang mata kong pamilyar na bulto hindi kalayuan sa akin.
"T-tay?" Sambit ko. Nang makita niyang nakita ko siya ay inayos niya ang sumbrero niya at tumalikod.
"Tay!" Tawag ko sa kaniya at nagmamadaling tumakbo.
"Tay! Tay....sandali Tay!" Nagsimula na namang naglandasan ang mga luha sa mga mata ko nang mas bumilis ang mga hakbang niya.
Binilisan ko ang pagtakbo ko hanggang sa nahawakan ko ang damit niya.
"T-tay." Umiiyak kong sambit. Hindi niya naman ako nilingon ngunit nahinto siya sa paglalakad niya.
"T-tay i-iniwan na a-ko nang N-nanay Tay." Umiiyak na sabi ko.
Nung dahan-dahan niyang kinalas ang kamay ko sa pagkahawak sa kaniya ay parang piniga ang puso ko.
"T-tay?"
"Patawarin mo ako Alvira." Sabi niya at dahan-dahang humakbang papalayo sa akin.
Napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa likod niya.
"Tay! Tay! Kailangan po kita ngayon!" Umiiyak na sigaw ko.
"TATAY!" Muling sigaw ko ngunit hindi niya ako nilingon. "Tay kailangan ko kayo." Halos bulong nalang ang pagkakasabi ko no'n.
![](https://img.wattpad.com/cover/300762123-288-k144034.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming The Señorito
Ficção AdolescenteC O M P L E T E D Isla Allegra Series # 1 Started : February 06,2022 Ended: March 07,2022